Pelikula Magnifico

Ang Magnifico ay isang 2003 na pelikulang nagmula sa Pilipinas.

Hinggil ito sa isang siyam na taong gulang na batang nagngangalang Magnifico, ang pinagbatayan ng pamagat ng pelikula. Si Maryo J. Delos Reyes ang direktor ng pelikulang kinabibidahan nina Albert Martinez, Lorna Tolentino at Jiro Manio (bilang Magnifico). Nilalarawan ang pelikula bilang isang malungkot na pelikulang dula at pangmag-anak. Nagwagi ang pelikula ng Gantimpalang Jury (ng Kinderfilmfest) mula sa Pandaigdigang Kapistahang Pampelikula sa Berlin (Berlin International Film Festival). Sinulat ang kuwento ni Michiko S. Yamamoto. Pinarangalan din ang panoorin bilang pinakamahusay na pelikula ng Star, FAMAS, FAP, at URIAN noong 2004. Itinanghal rin ito sa lungsod ng New York noong Hunyo 2005.

Magnifico
DirektorMaryo J. De los Reyes
SumulatYesharim B.Yamamoto
Itinatampok sinaTingnan ang talaan
Inilabas noong
2003
Haba
120-122 min
BansaPilipinas
WikaTagalog, Filipino

Buod ng Magnifico

Nang mawala ang tulong na guguling pampag-aaral ng kaniyang kapatid na lalaking si Miong, nagsimulang mawalan na rin ng pag-asa ang mga magulang (ginanapan nina Albert Martinez at Lorna Tolentino) ni Magnifico, sapagkat hindi na nila alam kung paano pa sila makakaahon pa sa kahirapan. Nagmula si Magnifico sa isang nayon ng Lumban, Laguna, na inibig tumulong sa kaniyang mga magulang, sapagkat may sakit na kanser ang kaniyang lola (ginanapan ni Gloria Romero). Bukod sa nawala ang tulong na panggugol pampag-aaral ng nakatatandang kapatid na lalaki (ginananapan ni Danilo Barrios), may sakit ding cerebral palsy ang kapatid pa niyang babaeng si Helen (Isabella De Leon).

Sanggunian

Tags:

Lungsod ng New York

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Rebolusyong industriyalPosisyong papelBautismoBuwan ng WikaAba Ginoong MariaPatinigLambingSigwaOrganisasyong di-pampamahalaanPagpapasyaTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanUnang Digmaang PandaigdigRespetoMoralidadTalaan ng mga bansa at teritoryo ayon sa lawakPangalanOrasanKatipunanAswangHesusAmpalayaKomisyon sa Mas Mataas na EdukasyonIndustriyaPagsasalinPilipinoKomonwelt ng PilipinasPornograpiyaDuhatSikolohiyaIsraelAraw ng mga Nagkakaisang BansaInternetTeoryang pampanitikanTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereTambanNagkakaisang BansaGloria Macapagal ArroyoAhasIdeolohiyaAnayApelyidoNoli Me TangerePandemya ng COVID-19IndustriyalisasyonOryentasyong seksuwalPapelPagkamamamayanSistemang pang-ekonomiyaPolusyonWency CornejoJoseph StalinCorazon AquinoDiperensiyang narsisistiko na personalidadPartidong NaziPamangkinJosé RizalOpyoNueva EcijaEdukasyonTukoKarapatang sibil at pampolitikaAlmuranasSan Jose del MonteBadmintonMuntinlupaManny PacquiaoPangungusapBumberoSangguniang BarangayAwtoritarismoIdeolohiyang pampolitikaBughawPag-atake sa Pearl HarborPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoPamamaraang parlamentaryoArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaSimbahanMyrna Delgado🡆 More