Miss Universe 2014

Ang Miss Universe 2014 ay ang ika-63 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa FIU Arena sa Miami, Florida Estados Unidos noong 25 Enero 2015.

Miss Universe 2014
Miss Universe 2014
Paulina Vega, Miss Universe 2014
Petsa25 Enero 2015
Presenters
  • Thomas Roberts
  • Natalie Morales
  • Jeannie Mai
Entertainment
PinagdausanFIU Arena, Miami, Florida, Estados Unidos
Brodkaster
Lumahok88
Placements15
Hindi sumali
  • Aserbayan
  • Biyetnam
  • Botswana
  • Dinamarka
  • Estonya
  • Namibya
  • Rumanya
Bumalik
  • Albanya
  • Ehipto
  • Heyorhiya
  • Irlanda
  • Kenya
  • Kosobo
  • Portugal
  • Santa Lucia
  • Urugway
NanaloPaulina Vega
Colombia Kolombya
CongenialityQueen Celestine
Miss Universe 2014 Niherya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanElvira Devinamira
Miss Universe 2014 Indonesya
PhotogenicGabriela Berrios
Puerto Rico Porto Riko
← 2013
2015 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Gabriela Isler ng Beneswela si Paulina Vega ng Kolombya bilang Miss Universe 2014. Ito ang ikalawang tagumpay ng Kolombya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Nia Sanchez ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Diana Harkusha ng Ukranya.

Mga kandidata mula sa walumpu't-walong mga bansa at teritoryo ang lumahok sa edisyong ito. Pinangunahan ni Thomas Roberts at Natalie Morales ang kompetisyon, samantalang nagsilbi bilang mga backstage correspondent si Jeannie Mai. Nagtanghal sina Prince Royce, Nick Jonas, at Gavin DeGraw sa edisyong ito. Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong DIC Crown na nagkakahalaga ng $300,000.

Kasaysayan

Miss Universe 2014 
FIU Arena (kasalukuyang Ocean Bank Convocation Center), ang lokasyon ng Miss Universe 2014

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

Nagsimula noong huling bahagi ng Setyembre 2013 ang mga negosasyon sa pagitan ng Kalihim ng Turismo ng Ceará sa Brazil at ng Miss Universe Organization, nang lumipad sa Fortaleza ang mga opisyales ng Miss Universe Organization upang simulan ang mga pag-uusap at pagsasaayos ng mga aktibidad para sa pageant. Ibinunyag ni Bismarck Maia, Kalihim ng Turismo ng Estado, sa pahayagan ng Fortaleza na Diário do Nordeste noong 11 Enero 2014 na ang pageant ay gaganapin sa Centro de Eventos do Ceará sa Fortaleza.

Noong 27 Marso 2014, tumugon sa pamamagitan ng isang sulatroniko si Annette Cammer, national licensing director ng Miss Universe Organization, sa isang tanong ng isang national director, na ang Miss Universe 2014 ay hindi na gaganapin sa Fortaleza, gaya ng ipinangako ng mga lokal na awtoridad. Opisyal nang tinapos ng Fortaleza ang kanilang bid upang idaos sa kanilang lungsod ang kompetisyon noong 20 Mayo, at apat na lungsod sa Brasil ang kanilang pinapalagay upang pumalit sa Fortaleza: Rio de Janeiro, Ribeirão Preto, Porto Alegre, at Manaus.

Noong 22 Agosto, nag-post si Donald Trump sa Twitter na nagsasaad na ang Miami at iba pang mga lungsod ay "naglalaban nang husto upang idaos ang pageant", at ang pag-anunsyo sa magiging host city ng pageant ay gagawin sa lalong madaling panahon. Ang partikular na pagbanggit ng lungsod ng Miami ay nag-udyok sa marami sa mga manonood ng pageant na maniwala na ang pageant ay idadaos sa lungsod sa unang pagkakataon mula noong 1997. Noong 9 Setyembre, ang mga pahayagang El Nuevo Dia ng Porto Riko, at El Nacional ng Beneswela ay naglimbag ng isang artikulo na nagsasabing ang mga kalahok ay mananatili sa isang hotel na pag-aari ni Trump sa Miami.

Noong 12 Setyembre, inanunsyo ng noo'y alkalde ng Miami na si Luigi Boria na ang kompetisyon ay gaganapin sa 18 Enero 2015 sa Doral. Noong Oktubre, inanunsyo ng Miss Universe Organization sa kanilang website na magaganap ang kompetisyon sa FIU Arena, Miami, Florida sa 25 Enero 2015, imbis na sa 18 Enero.

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-walong mga mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Anim na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, at pitong kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga iniluklok

Dahil nagkaroon ng salungatan sa iskedyul ng Miss Universe 2015 at Miss France 2016 kung saan obligadong dumalo si Miss France 2015 Camille Cerf ayon sa kanyang kontrata, at dahil sa kakatapos lang ng Miss World 2014 na naganap sa Reyno Unido na sinalihan ni Miss France 2014 Flora Coquerel, iniluklok si Miss France 2015 upang lumahok sa edisyong ito imbis na si Coquerel. Si Coquerel ay lumahok sa sumunod na edisyon. Iniluklok ang second runner-up ng Miss Polonia 2011 na si Marcela Chmielowska upang kumatawan sa kanyang bansa dahil sa salungatan sa iskedyul ng Miss Universe 2014 at Miss Polonia 2014 na naganap noong Disyembre 2014.

Mga pagpalit

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Belgium 2014 na si Anissa Blondin upang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe matapos bumitiw ni Miss Belgium 2014 Laurence Langen dahil sa mga personal na dahilan. Iniluklok si Anđelka Tomašević upang pumalit kay Arnela Zeković bilang kandidata ng Serbya sa edisyong ito dahil sa mga personal na dahilan. Iniluklok ang second runner-up ng Miss Universe Tanzania 2014 na si Nale Boniface upang kumatawan sa kanya matapos maaksidente ang orihinal na nagwagi na si Carolyne Bernard. Dapat sanang lalahok si Rolene Strauss sa Miss Universe at Miss World. Gayunpaman, dahil nagwagi na si Strauss bilang Miss World 2014, siya ay pinalitan ng first runner-up ng Miss South Africa na si Ziphozakhe Zokufa upang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Thailand na si Pimbongkod Chankaew, matapos bumitiw ng orihinal na nagwagi na si Weluree Ditsayabut matapos nitong i-post sa kanyang social media na dapat bitayin ang mga taga-suporta ng Punong Ministro ng Taylandiya. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe China na si Hu Yanliang matapos bumitiw ang orihinal na nagwagi na si Nora Xu dahil napagdesisyunan nito na ipagpatuloy na lamang ang kanyang pag-aaral. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Ukraine 2014 na si Diana Harkusha matapos bumitiw ng orihinal na nagwagi na si Anna Andres dahil sa mga personal na dahilan.

Mga unang pagsali at pag-urong sa kompetisyon

Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Kenya na huling sumali noong 2005, Ehipto at Portugal na huling sumali noong 2011, at Albanya, Heyorhiya, Irlanda, Kosobo, Santa Lucia, at Urugway na huling sumali noong 2012. Hindi sumali ang second runner-up ng Miss Vietnam 2014 na si Nguyễn Lâm Diễm Trang na dapat sanang iluluklok bilang kinatawa ng kanyang bansa dahil sa kakulangan sa oras para maghanda para sa patimpalak. Hindi sumali ang mga bansang Aserbayan, Botswana, Dinamarka, Estonya, Namibya, at Rumanya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga resulta

Mga pagkakalagay

Pagkakalat Kandidata
Miss Universe 2014
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Top 15

Mga espesyal na parangal

Award Contestant
Miss Congeniality
Miss Photogenic

Best National Costume

Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
Top 5

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Mula sa labing-anim ng nakaraang taon, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semifinalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung mga semifinalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at final walk.

Komite sa pagpili

Paunang kompetisyon

  • Lloyd Boston – Amerikanong Fashion guru, at tanyag na tao sa telebisyon
  • Azucena Cierco – Mehikanong aktres, koresponden para sa Telemundo, at tanyag na tao sa telebisyon
  • Jeneine Doucette-White – Bureau manager sa Access Hollywood
  • Michelle McLean – Miss Universe 1992 mula sa Namibya
  • Jimmy Nguyen – Entertainment at digital media lawyer, at blogger
  • Corinne Nicolas – Pangulo ng Trump Models Modelling Agency
  • Tyler Tixier – Kabilang sa sales team ng Delta Air Lines

Final telecast

  • Kristin Cavallari – Amerikanang aktres at tagadisenyo
  • William Levy – Kubano-Amerikanong aktor at modelo
  • Manny Pacquiao – Pilipinong propesyonal na boksingero at politiko
  • Louise Roe – Ingles na fashion journalist at TV host
  • Lisa Vanderpump – Amerikanang reality star sa The Real Housewives of Beverly Hills
  • Emilio Estefan – Kubano-Amerikanong musikero at producer
  • DeSean Jackson – Manlalaro ng Amerikanong putbol para sa Washington Redskins
  • Nina Garcia – Creative Director ng Marie Claire Magazine
  • Rob Dyrdek – Amerikanong negosyante
  • Giancarlo Stanton – Manlalaro ng beysbol para sa Miami Marlins

Mga kandidata

Miss Universe 2014 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2014 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Walumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad Bayan
Miss Universe 2014  Albanya Zhaneta Byberi 19 Tirana
Miss Universe 2014  Alemanya Josefin Donat 20 Leipzig
Miss Universe 2014  Anggola Zuleica Wilson 21 Cabinda
Miss Universe 2014  Arhentina Valentina Ferrer 23 Córdoba
Miss Universe 2014  Aruba Digene Zimmerman 20 Oranjestad
Miss Universe 2014  Australya Tegan Martin 22 Newcastle
Miss Universe 2014  Austrya Julia Furdea 20 Viena
Miss Universe 2014  Bagong Silandiya Rachel Millns 23 Wellington
Miss Universe 2014  Bahamas Tomii Culmer 24 Nassau
Miss Universe 2014  Belhika Anissa Blondin 22 Bruselas
Miss Universe 2014  Beneswela Migbelis Castellanos 19 Cabimas
Miss Universe 2014  Brasil Melissa Gurgel 20 Fortaleza
Miss Universe 2014  Bulgarya Kristina Georgieva 22 Sopiya
Miss Universe 2014  Bulibya Claudia Tavel 25 Santa Cruz
Miss Universe 2014  Curaçao Laurien Angelista 27 Willemstad
Miss Universe 2014  Ehipto Lara Debbana 21 Cairo
Miss Universe 2014  Ekwador Alejandra Argudo 22 Portoviejo
Miss Universe 2014  El Salvador Patricia Murillo 22 San Salvador
Miss Universe 2014  Eslobakya Silvia Prochádzková 23 Bratislava
Miss Universe 2014  Eslobenya Urška Bračko 21 Maribor
Miss Universe 2014  Espanya Desirée Cordero 22 Sevilla
Miss Universe 2014  Estados Unidos Nia Sanchez 24 Las Vegas
Miss Universe 2014  Etiyopiya Hiwot Mamo 24 Adis Abeba
Miss Universe 2014  Gabon Maggaly Nguema 22 Libreville
Miss Universe 2014  Gana Abena Appiah 21 Accra
Miss Universe 2014  Gran Britanya Grace Levy 25 Londres
Miss Universe 2014  Gresya Ismini Dafopoulou 26 Atenas
Miss Universe 2014  Guam Brittany Bell 27 Barrigada
Miss Universe 2014  Guwatemala Ana Luisa Montúfar 21 Lungsod ng Guwatemala
Miss Universe 2014  Guyana Niketa Barker 24 Georgetown
Miss Universe 2014  Hamayka Kaci Fennell 23 Kingston
Miss Universe 2014  Hapon Keiko Tsuji 21 Nagasaki
Miss Universe 2014  Hayti Christie Désir 25 Port-au-Prince
Miss Universe 2014  Heorhiya Ana Zubashvilli 22 Tbilisi
Miss Universe 2014  Honduras Gabriela Ordoñez 21 Comayagua
Miss Universe 2014  Indiya Noyonita Lodh 21 Bangalore
Miss Universe 2014  Indonesya Elvira Devinamira 21 Surabaya
Miss Universe 2014  Irlanda Lisa Madden 23 Cork
Miss Universe 2014  Israel Doron Matalon 21 Beit Aryeh-Ofarim
Miss Universe 2014  Italya Valentina Bonariva 25 Milan
Miss Universe 2014  Kanada Chanel Beckenlehner 27 Caledon
Miss Universe 2014  Kapuluang Birheng Britaniko Jaynene Jno Lewis 26 Tortola
Miss Universe 2014  Kapuluang Turks at Caicos Shanice Williams 21 Grand Turk
Miss Universe 2014  Kasakistan Aiday Issayeva 25 Almaty
Miss Universe 2014  Kenya Gaylyne Ayugi 21 Nairobi
Miss Universe 2014  Kolombya Paulina Vega 22 Barranquilla
Miss Universe 2014  Kosobo Artnesa Krasniqi 23 Pristina
Miss Universe 2014  Kosta Rika Karina Ramos 21 San José
Miss Universe 2014  Kroasya Ivana Mišura 26 Zagreb
Miss Universe 2014  Libano Saly Greige 25 Bishmizzine
Miss Universe 2014  Litwanya Patricija Belousova 19 Vilna
Miss Universe 2014  Malaysia Sabrina Beneett 24 Kuala Lumpur
Miss Universe 2014  Mawrisyo Pallavi Gungaram 21 Vacoas-Phoenix
Miss Universe 2014  Mehiko Josselyn Garciglia 24 La Paz
Miss Universe 2014  Myanmar Sharr Htut Eaindra 20 Yangon
Miss Universe 2014  Niherya Queen Celestine 22 Lagos
Miss Universe 2014  Nikaragwa Marline Barberena 27 Chichigalpa
Miss Universe 2014  Noruwega Elise Dalby 19 Hamar
Miss Universe 2014  Olanda Yasmin Verheijen 21 Amsterdam
Miss Universe 2014  Panama Yomatzy Hazlewood 23 Lungsod ng Panama
Miss Universe 2014  Paragway Sally Jara 21 Asuncion
Miss Universe 2014  Peru Jimena Espinoza 26 Lungsod ng Lima
Miss Universe 2014  Pilipinas Mary Jean Lastimosa 27 Tulunan
Miss Universe 2014  Pinlandiya Bea Toivonen 22 Helsinki
Miss Universe 2014  Polonya Marcela Chmielowska 23 Varsovia
Miss Universe 2014  Porto Riko Gabriela Berríos 24 Toa Baja
Miss Universe 2014  Portugal Patrícia Da Silva 25 Lisboa
Miss Universe 2014  Pransiya Camille Cerf 20 Coulogne
Miss Universe 2014  Republikang Dominikano Kimberly Castillo 26 Higüey
Miss Universe 2014  Republikang Tseko Gabriela Franková 21 Praga
Miss Universe 2014  Rusya Yulia Alipova 24 Balakovo
Miss Universe 2014  Santa Lucia Roxanne Didier-Nicholas 23 Castries
Miss Universe 2014  Serbiya Anđelka Tomašević 21 Zubin Potok
Miss Universe 2014  Singapura Rathi Menon 24 Singapura
Miss Universe 2014  Sri Lanka Avanti Marianne 25 Colombo
Miss Universe 2014  Suwesya Camilla Hansson 26 Estokolmo
Miss Universe 2014  Suwisa Zoé Metthez 21 Neuchâtel
Miss Universe 2014  Tansaniya Nale Boniface 23 Dodoma
Miss Universe 2014  Taylandiya Pimbongkod Chankaew 20 Bangkok
Miss Universe 2014  Timog Aprika Ziphozakhe Zokufa 23 Cape Town
Miss Universe 2014  Timog Korea Yoo Ye-bin 22 Daegu
Miss Universe 2014  Trinidad at Tobago Jevon King 26 Diego Martin
Miss Universe 2014  Tsile Hellen Toncio 20 Santiago
Miss Universe 2014  Tsina Hu Yanliang 24 Beijing
Miss Universe 2014  Turkiya Dilan Çiçek Deniz 20 Istanbul
Miss Universe 2014  Ukranya Diana Harkusha 20 Kharkiv
Miss Universe 2014  Unggarya Henrietta Kelemen 21 Budapest
Miss Universe 2014  Urugway Johana Riva 24 Montevideo

Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Miss Universe 2014, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

Miss Universe 2014 KasaysayanMiss Universe 2014 Mga resultaMiss Universe 2014 KompetisyonMiss Universe 2014 Mga kandidataMiss Universe 2014 Mga talaMiss Universe 2014 Mga sanggunianMiss Universe 2014 Panlabas na kawingMiss Universe 2014Miami, Florida

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Pagbabago ng klimaFrancisco BalagtasLupang HinirangBanaag at SikatMaharlikaRomaBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?NobelaBenedict CuaManggaBuwisEbolusyon ng taoKatotohananHaponIfugaoWikang FilipinoRuhollah KhomeiniPangngalanMalikhaing pagsusulatMagna CartaEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaRizalMadre TeresaPangkat etnikoPangako Sa 'YoRodrigo DutertePananaliksikUrdujaGabi (gulay)Pagpapalaglag sa PilipinasTukoSibuyasBuwan ng WikaChristopher de LeonDekada '70 (pelikula)Pangulo ng PilipinasPananakit ng bayagElehiyaAsoBayawakAlamatNapoleon I ng PransiyaSalawikainTahananPampublikong sektorIndiyaThomas HobbesBulacanKagat ng alupihanTalaan ng mga bansa at teritoryo ayon sa lawakAnahawBadjaoTeorya ng dependensiyaKagawaran ng AgrikulturaMartin LutherEditoryalRené DescartesBibliyaPamilihanPilosopiyaMga wika sa PilipinasHimagsikang PransesJean-Jacques RousseauCorazon AquinoDipologLambak ng CagayanMga IgorotMitolohiyaMga TagalogFernando Poe Jr.Impeksiyon sa daanan ng ihiPelikulang PilipinoParusang kamatayanVasco da GamaImperyalismoAng Huling El BimboDigmaang Mapanghimagsik sa AmerikaSan Mateo, Rizal🡆 More