Miss Universe 2016

Ang Miss Universe 2016 ay ang ika-65 na Miss Universe pageant, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay, Kalakhang Manila, Pilipinas noong 30 Enero 2017.

Ito ang pangalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon na lumaktaw ng isang buong taon ang kompetisyon, kasunod ng Miss Universe 2014 na ginanap noong Enero 2015.

Miss Universe 2016
Miss Universe 2016
Iris Mittenaere, Miss Universe 2016
Petsa30 Enero 2017
Presenters
Entertainment
  • Flo Rida
  • Boyz II Men
PinagdausanMall of Asia Arena, Pasay, Kalakhang Manila, Pilipinas
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
Lumahok86
Placements13
Bagong saliSierra Leone
Hindi sumali
  • El Salvador
  • Gabon
  • Gana
  • Gresya
  • Irlanda
  • Libano
  • Montenegro
  • Serbiya
Bumalik
  • Barbados
  • Belis
  • Eslobenya
  • Guam
  • Kapuluang Birhen ng Estados Unidos
  • Kasakistan
  • Kenya
  • Lupangyelo
  • Malta
  • Namibya
  • Rumanya
  • Sri Lanka
  • Suwisa
NanaloIris Mittenaere
Miss Universe 2016 Pransiya
CongenialityJenny Kim
Miss Universe 2016 Timog Korea
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanHtet Htet Htun
Miss Universe 2016 Myanmar
PhotogenicLindita Idrizi
Miss Universe 2016 Albanya
← 2015
2017 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Pia Wurtzbach ng Pilipinas si Iris Mittenaere ng Pransiya bilang Miss Universe 2016. Ito ang pangalawang tagumpay ng Pransiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Raquel Pélissier ng Hayti, habang nagtapos bilang second runner-up si Andrea Tovar ng Kolombya.

Mga kandidata mula sa walumpu't-anim na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Steve Harvey at Ashley Graham ang kompetisyon. Nagtanghal sina Flo Rida at Boyz II Men sa edisyong ito.

Kasaysayan

Miss Universe 2016 
SM Mall of Asia Arena, ang lokasyon ng Miss Universe 2016

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

Nasa proseso ng talakayan diumano ang Miss Universe Organization upang isagawa ang kompetisyon sa Pilipinas. Nagsimula ang mga diskusyon noong nakipagtalakayan si noo'y Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Bagama't bukas si Duterte na idaos ang kompetisyon sa Pilipinas, hindi niya gustong pagbayarin ang pamahalaan ng mga gastusin sa pagsasagawa nito. Dalawang linggo pagkatapos ng pag-uusap, pinangalanan na ng Kagawaran ng Turismo ang Pilipinas bilang host country ng Miss Universe 2016. Ayon sa pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart, ang Pilipinas ang pangunahing bansang napili upang idaos ang kompetisyon, ngunit may iba pang mga bansa ring isinaalang-alang.

Sa kabila ng pahayag ng Kagawaran ng Turismo, hindi pa pinal ang desisyon na idaos ang kompetisyon sa Pilipinas at sa mga sumunod na buwan, ilang beses na nagbago ang isip ng Miss Universe Organization tungkol sa usapin.

Hindi ibinunyag ng mga inisyal na ulat ang mga dahilan ng pagkasira ng mga negosasyon, ngunit iniugnay ng isang ulat ang mga alalahanin ng organisasyon sa mga pahayag ni Duterte tungkol sa dating Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama, gayundin sa kaniyang mga planong tapusin ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ang mga pahayag na ito ay hindi tinanggap ng mabuti ng WME/IMG. Isang pahayag ni Duterte, kung saan sinabi niyang ikalulugod niyang patayin ang kasing dami ng mga adik sa droga gaya ng pagpatay ni Adolf Hitler sa mga Hudyo noong Holokausto ang humantong sa CEO ng WME na si Ariel Zev Emanuel na kanselahin ang mga pag-uusap. Nagpadala ng mga kinatawan ang dating gobernador ng Ilocos Sur at pangulo ng LCS Group na si Chavit Singson, kasama na ang ilang mga kaibigang Israeli, papuntang Estados Unidos upan hikayatin si Emanuel na panatiliin ang kaniyang interes upang idaos ang kompetisyon sa Pilipinas. Nakatulong sa muling pagbabalik ng negosasyon ang paghingi ng tawad ni Duterte ukol sa kaniyang mga pahayag tungkol sa Holocaust at ang pagdagdag ni Singson ng mga programa para sa women empowerment sa kompetisyon.

Noong 1 Setyembre 2016, kinumpirma ng noo'y Kalihim ng Turismo na si Wanda Tulfo-Teo na ang kompetisyon ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay. Ang Philippine Arena ang isa pang lokasyong isinasaalang-alang ng Kagawaran ng Turismo, ngunit hindi ito inaprubahan ng organisasyon dahil sa mga "kadahilanang pangseguridad". Ang pinal na desisyon ng Miss Universe Organization ay inanunsyo noong 3 Nobyembre, noong ipinahayag ni Wurtzbach sa pamamagitan ng video message na ang Pilipinas ang siyang host country para sa Miss Universe 2016, at gaganapin ito sa 30 Enero 2017 sa SM Mall of Asia Arena. Nilagdaan ang kasunduan sa pakikipagtulungan noong 16 Nobyembre, kasabay ng paglunsad ng opisyal na websayt at Facebook page ng kompetisyon.

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-anim na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Walong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, at apat na kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Belgium 2016 na si Stephanie Geldhof bilang kandidata ng Belhika sa Miss Universe matapos na pinili ni Miss Belgium 2016 Lenty Frans na kumalahok lamang sa Miss World 2016. Inilukok ang second runner-up ng Miss Universe Vietnam 2015 na si Đặng Thị Lệ Hằng matapos na piliin ng first runner-up ng Miss Universe Vietnam 2015 na si Ngô Trà My na magpakasal. Dapat sanang sasali si Miss Bolivia 2015 Paula Schneider upang kumatawan sa Bulibya. Gayunpaman, dahil sa personal na kadahilanan, pinalitan siya ni Miss Bolivia 2016 Antonella Moscatelli. Dapat sanang sasali si Miss Universe Kazakhstan 2015 Regina Valter upang kumatawan sa bansang Kasakistan, subalit ito ay nagpakasal. Dahil dito, pinalitan si Valter ni Miss Universe Kazakhstan 2016 Darina Kulsitova. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Puerto Rico 2016 na si Brenda Jiménez upang kumatawan sa Porto RIko matapos mapatalsik sa puwesto si Miss Universe Puerto Rico 2016 Kristhielee Caride dahil sa kaniyang ugali. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Russia 2016 na si Yuliana Korolkova bilang kandidata ng Rusya sa Miss Universe matapos na pinili ni Miss Russia 2016 Yana Dobrovolskaya na kumalahok lamang sa Miss World 2016.

Unang sumali sa edisyong ito ang Sierra Leone, at bumalik ang mga bansang Barbados, Belis, Eslobenya, Guam, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kasakistan, Kenya, Lupangyelo, Malta, Namibya, Rumanya, Sri Lanka, at Suwisa. Huling sumali noong 2001 ang Malta, noong 2007 ang Barbados at Belis, noong 2009 ang Lupangyelo, noong 2011 ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, noong 2013 ang Namibya at Rumanya, at noong 2014 ang Eslobenya, Guam, Kasakistan, Kenya, Sri Lanka, at Suwisa. Hindi sumali ang mga bansang El Salvador, Gabon, Gana, Gresya, Irlanda, Libano, Montenegro, at Serbiya sa edisyong ito. Hindi sumali sina Adela Zoranic ng Montenegro at Bojana Bojanic ng Serbiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang El Salvador, Gabon, Gana, Gresya, Irlanda, at Libano matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga resulta

Miss Universe 2016 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2016 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2016
1st runner-up
2nd runner-up
Top 6
Top 9
Top 13

§ – Binoto ng mga manonood upang mapabilang sa Top 13

Mga espesyal na parangal

Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Congeniality
Best National Costume
Flawless of the Universe
Miss Phoenix
Hiyas ng Phoenix
Miss Phoenix Smile

Kompetisyon

Miss Universe 2016 
Ang komite sa pagpili

Pormat ng kompetisyon

Ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Ang bilang ng mga semi-finalist ay ibinaba sa labintatlo kumpara sa labinlima ng mga nagdaang taon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa napiling labindalawang mga semi-finalist. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semi-finals na siya kokompleto sa labintatlong mga semi-finalist. Kumalahok sa swimsuit competition ang labintatlong semi-finalist at kalaunan ay pinili ang siyam na semi-finalist. Kumalahok sa evening gown competition ang siyam na semi-finalist at kalaunan ay pinili ang anim na pinalista. Anim na pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final question at final walk.

Komite sa pagpili

Paunang kompetisyon

  • Cynthia Bailey – Modelo, personalidad sa telebisyon at aktres
  • Rob Goldstone – Dating mamamahayag at international marketing director
  • Francine LeFrak – Producer para sa teatro, telebisyon, at pelikula
  • Riyo Mori – Miss Universe 2007 mula sa Hapon
  • Fred Nelson – Pangulo at Executive Producer ng People's Choice Awards
  • Dayanara Torres – Miss Universe 1993 mula sa Porto Riko

Final telecast

Mga kandidata

Walumpu't-anim na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad Bayan
Miss Universe 2016  Albanya Lindita Idrizi 20 Elbasan
Miss Universe 2016  Alemanya Johanna Acs 24 Eschweiler
Miss Universe 2016  Anggola Luísa Baptista 21 Cuando Cubango
Miss Universe 2016  Arhentina Estefanía Bernal 21 Buenos Aires
Miss Universe 2016  Aruba Charlene Leslie 24 Oranjestad
Miss Universe 2016  Australya Caris Tiivel 23 Perth
Miss Universe 2016  Austrya Dajana Dzinic 21 Viena
Miss Universe 2016  Bagong Silandiya Tania Dawson 24 Auckland
Miss Universe 2016  Bahamas Cherell Williamson 24 Nassau
Miss Universe 2016  Barbados Shannon Harris 22 Bridgetown
Miss Universe 2016  Belhika Stephanie Geldhof 19 Aalst
Miss Universe 2016  Belis Rebecca Rath 23 Dangriga
Miss Universe 2016  Beneswela Mariam Habach 21 El Tocuyo
Miss Universe 2016  Biyetnam Đặng Thị Lệ Hằng 23 Đà Nẵng
Miss Universe 2016  Brasil Raissa Santana 21 Umuarama
Miss Universe 2016  Bulgarya Violina Ancheva 21 Sopiya
Miss Universe 2016  Bulibya Antonella Moscatelli 21 Santa Cruz
Miss Universe 2016  Curaçao Chanelle de Lau 21 Willemstad
Miss Universe 2016  Dinamarka Christina Mikkelsen 24 Copenhague
Miss Universe 2016  Ekwador Connie Jiménez 21 Ventanas
Miss Universe 2016  Eslobakya Zuzana Kollárová 25 Bratislava
Miss Universe 2016  Eslobenya Lucija Potočnik 25 Maribor
Miss Universe 2016  Espanya Noelia Freire 24 Ciudad Real
Miss Universe 2016  Estados Unidos Deshauna Barber 27 Washington, D.C.
Miss Universe 2016  Gran Britanya Jaime-Lee Faulkner 27 Sheffield
Miss Universe 2016  Guam Muñeka Taisipic 19 Yona
Miss Universe 2016  Guwatemala Virginia Argueta 22 Jutiapa
Miss Universe 2016  Guyana Soyini Fraser 26 Georgetown
Miss Universe 2016  Hamayka Isabel Dalley 20 Montego Bay
Miss Universe 2016  Hapon Sari Nakazawa 23 Shiga
Miss Universe 2016  Hayti Raquel Pélissier 25 Port-au-Prince
Miss Universe 2016  Heorhiya Nuka Karalashvili 25 Tbilisi
Miss Universe 2016  Honduras Sirey Moran 26 El Progreso
Miss Universe 2016  Indiya Roshmitha Harimurthy 22 Bangalore
Miss Universe 2016  Indonesya Kezia Warouw 25 Manado
Miss Universe 2016  Israel Yam Kaspers Anshel 19 Herzliya
Miss Universe 2016  Italya Sophia Sergio 24 Napoles
Miss Universe 2016  Kanada Siera Bearchell 23 Moose Jaw
Miss Universe 2016  Kapuluang Birheng Britaniko Erika Creque 22 Road Town
Miss Universe 2016  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Carolyn Carter 27 Saint Croix
Miss Universe 2016  Kapuluang Kayman Monyque Brooks 25 West Bay
Miss Universe 2016  Kasakistan Darina Kulsitova 19 Semey
Miss Universe 2016  Kenya Mary Esther Were 27 Nairobi
Miss Universe 2016  Kolombya Andrea Tovar 23 Quibdó
Miss Universe 2016  Kosobo Camila Barraza 23 Pristina
Miss Universe 2016  Kosta Rika Carolina Rodríguez 27 Alajuela
Miss Universe 2016  Kroasya Barbara Filipović 19 Zagreb
Miss Universe 2016  Lupangyelo Hildur María Leifsdóttir 24 Kópavogur
Miss Universe 2016  Malaysia Kiran Jassal 20 Subang Jaya
Miss Universe 2016  Malta Martha Fenech 27 St. Julian's
Miss Universe 2016  Mawrisyo Kushboo Ramnawaj 26 Rivière Du Poste
Miss Universe 2016  Mehiko Kristal Silva 25 Ciudad Victoria
Miss Universe 2016  Myanmar Htet Htet Htun 24 Yangon
Miss Universe 2016  Namibya Lizelle Esterhuizen 20 Windhoek
Miss Universe 2016  Niherya Unoaku Anyadike 22 Lagos
Miss Universe 2016  Nikaragwa Marina Jacoby 21 Matagalpa
Miss Universe 2016  Noruwega Christina Waage 21 Nes
Miss Universe 2016  Olanda Zoey Ivory 23 Almere
Miss Universe 2016  Panama Keity Drennan 26 Lungsod ng Panama
Miss Universe 2016  Paragway Andrea Melgarejo 22 Villarrica
Miss Universe 2016  Peru Valeria Piazza 26 Lungsod ng Lima
Miss Universe 2016  Pilipinas Maxine Medina 26 Lungsod Quezon
Miss Universe 2016  Pinlandiya Shirly Karvinen 24 Helsinki
Miss Universe 2016  Polonya Izabella Krzan 21 Olsztyn
Miss Universe 2016  Porto Riko Brenda Jiménez 22 Aguadilla
Miss Universe 2016  Portugal Flávia Brito 23 Vilamoura
Miss Universe 2016  Pransiya Iris Mittenaere 23 Lille
Miss Universe 2016  Republikang Dominikano Rosalba García 24 Maimón
Miss Universe 2016  Republikang Tseko Andrea Bezděková 21 Praga
Miss Universe 2016  Rumanya Teodora Dan 27 Bucharest
Miss Universe 2016  Rusya Yuliana Korolkova 22 Orsk
Miss Universe 2016  Sierra Leone Hawa Kamara 26 Freetown
Miss Universe 2016  Singapura Cheryl Chou 20 Singapura
Miss Universe 2016  Sri Lanka Jayathi De Silva 26 Colombo
Miss Universe 2016  Suwesya Ida Ovmar 21 Luleå
Miss Universe 2016  Suwisa Dijana Cvijetić 23 Gossau
Miss Universe 2016  Tansaniya Jihan Dimachk 20 Dar es Salaam
Miss Universe 2016  Taylandiya Chalita Suansane 22 Samut Prakan
Miss Universe 2016  Timog Aprika Ntandoyenkosi Kunene 24 Mkhondo
Miss Universe 2016  Timog Korea Jenny Kim 23 Seoul
Miss Universe 2016  Tsile Catalina Cáceres 26 Santiago
Miss Universe 2016  Tsina Li Zhenying 21 Shanghai
Miss Universe 2016  Turkiya Tansu Sila Çakir 21 Istanbul
Miss Universe 2016  Ukranya Alena Spodynyuk 19 Kyiv
Miss Universe 2016  Unggarya Veronika Bodizs 24 Budapest
Miss Universe 2016  Urugway Magdalena Cohendet 22 Artigas

Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Miss Universe 2016, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

Miss Universe 2016 KasaysayanMiss Universe 2016 Mga resultaMiss Universe 2016 KompetisyonMiss Universe 2016 Mga kandidataMiss Universe 2016 Mga talaMiss Universe 2016 Mga sanggunianMiss Universe 2016 Panlabas na kawingMiss Universe 2016Mall of Asia ArenaMiss UniverseMiss Universe 2014

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Tamod (paglilinaw)TemperaturaUlanKetongAklanKapatid sa kasalPanaguriLiwasang RizalPagpapatalastasAghamGaslightingBughawPapelImpiyernoArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaMagat SalamatCagayanSoberanyaRitmoFelix ManaloIkatlong Republika ng PilipinasMyrna DelgadoIbong AdarnaTukoRaha SulaymanCalapanHacienda LuisitaListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasKasarianNoto Kuwentong-bayanTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereNorzagarayBlitzkriegMga Gobernador-Heneral ng PilipinasBumberoAtlas (kalipunan ng mapa)SekularisasyonEduardo V. ManaloBahaKalabawMindanaoParusang kamatayanPagbabago ng klimaTalaan ng mga artista sa PilipinasLabanan sa BritanyaTiniklingIskwalang panubokVicente FerrerLaroUpuanBarenaAgrikultura sa PilipinasPanatang MakabayanMuhammadPagkamakabansaHinuhaHiroshima Peace MemorialPantabanganGaleon ng MaynilaBundokBayan KoMga HudyoDemokrasyaDulaPatinteroAklatKasinungalinganMakinang panahiAraw ng mga Nagkakaisang BansaUnggoyPagpapasyaSiningPandemya ng COVID-19 sa PilipinasSingkamasSikolohiyang PilipinoPelikulaPagsasalinPamahalaan ng Pilipinas🡆 More