Ang Nagsasariling Lungsod ng Buenos Aires (Kastila: Ciudad Autónoma de Buenos Aires) ang kabisera ng Arhentina at ang pinakamalaki nitong lungsod at daungan.
Matatagpuan ito sa timugang bahagi ng Río de la Plata, sa timog-silangang bahagi ng kontinente ng Timog Amerika.
Lungsod ng Buenos Aires Ciudad Autónoma de Buenos Aires | |||
---|---|---|---|
| |||
Palayaw: La reina del Plata, Baires | |||
Mga koordinado: 34°35′59″S 58°22′55″W / 34.5997°S 58.3819°W | |||
Bansa | Arhentina | ||
Lokasyon | Arhentina | ||
Itinatag | 11 Hunyo 1580 (Huliyano) | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Head of Government of the Autonomous City of Buenos Aires | Jorge Macri | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 203.3 km2 (78.5 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2022, Senso) | |||
• Kabuuan | 3,120,612 | ||
• Kapal | 15,000/km2 (40,000/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | AR-C | ||
Websayt | https://www.buenosaires.gob.ar |
Lubhang naimpluwensiyahan ng kalinangang Yuropeo ang Buenos Aires, kaya't ang lungsod ay minsang itinuturing "Paris ng Katimugan" o "Paris ng Timog Amerika, isang bansag na kadalasa'y hindi tinatanggap ng mga Arhentino na naniniwalang ang Buenos Aires ay iisa at natatangi. Tinatawag na mga Portenyo (Kastila: porteño, "tagadaungan") ang mga naninirahan sa Buenos Aires.
Sa Buenos Aires nagmula ang tanggo.
Maraming museo, makasaysayang mga gusali, sentro ng pamilihan, otel at mga sugalan ang lungsod.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Arhentina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Lungsod ng Buenos Aires, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.