Florida

Ang Florida (bigkas: /fló·ri·dä/; Espanyol: lupain ng mga bulaklak) ay isang estado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Estados Unidos.

Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo of Mexico sa kanluran, Alabama at Georgia sa hilaga, Karagatang Atlantic sa silangan, at ng Straits of Florida at Cuba sa timog. Ang Florida ay ang ika-22 pinakamalawak, ang ika-3 pinakamatao, at ang ika-8 pinakamakapal ang populasyon na estado sa Estados Unidos. Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa mainland ng Estados Unidos. Ang Miami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalaking metropolitan area sa Estados Unidos. Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.

Florida
Watawat ng
Watawat
BansaEstados Unidos
Bago naging estadoFlorida Territory
Sumali sa UnyonMarch 3, 1845 (27th)
KabiseraTallahassee
Pinakamalaking lungsodJacksonville
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarMiami metro area
Pamahalaan
 • GobernadorRon deSantis (Republican)
 • Gobernador TinyenteCarlos López-Cantera (Republican)
LehislaturaFlorida Legislature
 • Mataas na kapulunganSenate
 • [Mababang kapulunganHouse of Representatives
Mga senador ng Estados UnidosMarco Rubio (Republican)
Rick Scott (Republican)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos17 Republicans, 10 Democrats (tala)
Populasyon
 • Kabuuan20,271,272 (2,015 est)
 • Kapal353.4/milya kuwadrado (136.4/km2)
Wika
 • Opisyal na wikaEnglish
 • Sinasalitang wikaPredominantly English and Spanish
Tradisyunal na pagdadaglatFla.
Latitud24° 27' N to 31° 00' N
Longhitud80° 02' W to 87° 38' W

Isang tangway sa pagitan ng Golpo ng Mexico, ng Karagatang Atlantiko, at ng Straits of Florida, ito ay ang may pinakamahabang baybayin sa mainland ng Estados Unidos, humigit-kumulang 1,350 milya (2,170 km), at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantiko. Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay-dagat (sea level) at may latak (sedimentary) na lupa. Ang klima ay nag-iiba mula sa subtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog. Ang American alligator, American crocodile, Florida panther, at manatee ay matatagpuan sa Everglades National Park.

Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de León – na pinangalanan ang pook na La Florida ([la floˈɾiða] "lupain ng mga bulaklak") sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay, Pascua Florida – ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845. Ito ay isang pangunahing lokasyon ng Digmaang Seminole laban sa mga Katutubong Amerikano, at racial segregation pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.

Ngayon, ang Florida ay katangi-tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon, pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran. Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo, agrikultura, at transportasyon, na umunlad sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang Florida ay kilala rin sa amusement parks, pananim na dalandan, ang Kennedy Space Center, at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.

Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana; mga pamanang Katutubong Amerikano, Europeo-Amerikano, Hispanico, at Africano-Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin. Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings, Ernest Hemingway at Tennessee Williams, at ay patuloy na nag-aakit ng mga sikat na artista at atleta. Ito ay kilala sa daigdig para sa golf, tennis, auto racing at water sports.

Mga pinakamalaking lungsod

Kapatid na estado

Hurisdiksyon Bansa Taon
Languedoc-Roussillon Florida  France 1989
Taiwan Province Florida  Taiwan, R. O. C. 1992
Wakayama Prefecture Florida  Japan 1995
Western Cape Florida  South Africa 1995
Nueva Esparta Florida  Venezuela 1999
Kyonggi Florida  South Korea 2000

Tingnan din

Sanggunian

Tags:

Florida Mga pinakamalaking lungsodFlorida Kapatid na estadoFlorida Tingnan dinFlorida SanggunianFloridaAlabamaCubaEstado ng Estados UnidosEstados UnidosGeorgia (estado ng Estados Unidos)Jacksonville, PloridaKaragatang AtlantikoTallahassee, FloridaWikang Kastilaen:Contiguous United Statesen:Gulf of Mexicoen:List of Metropolitan Statistical Areasen:List of U.S. statesen:List of U.S. states and territories by areaen:List of U.S. states and territories by populationen:List of U.S. states by population densityen:Miami metropolitan areaen:Southeastern United Statesen:Straits of Florida

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Pista opisyal sa PilipinasOrganisasyong di-pampamahalaanWoodrow WilsonSayaw sa ObandoSalitaKorupsiyonDambanang Rizal (Calamba)Timog KoreaFerdinand MarcosIkalawang Digmaang PandaigdigEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoKapangyarihanPilipinoAwtoritarismoHeneral SantosPag-atake sa Pearl HarborPatolaPambansang Pulisya ng PilipinasTemperaturaRespetoIdiyomaPariralaPanliligawPusonDawagWikang KastilaTalabaSierra Madre (Pilipinas)Lope K. SantosPagpapahayag ng Kalayaan ng PilipinasKarapatanAng Huling El BimboDekada '70 (nobela)AbogadoMonologoNobelang PilipinoAtisBalagtasanMaikling kuwentoHeneral Luna (pelikula)Marian RiveraEstadoLapulapuJosé RizalBekeMakamisaPagsusuriSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973Pearl HarborLuha ng BuwayaPang-uriPelikulang PilipinoKathang-isipPamayananTalaan ng mga sakuna sa PilipinasKatarunganU NuBoracayGraciano López JaenaSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987Kasaysayan ng MaynilaKonstruksiyonLupang HinirangDatosMangyanPang-abayChatGPTAng Pagong at ang MatsingKapaligiranTulinganArsobispoUnang Digmaang PandaigdigBanaag at SikatSara DutertePamamaga ng lalamunanEpektong greenhousePakikipanayamImpeksiyon sa daanan ng ihi🡆 More