Ang gulong ay isang mabilog na aparatong may kakayahang umikot o uminog sa kaniyang aksis (painugan o paikutan), na nakapagdurulot ng paggalaw na pag-ikot o paggulong.
Tinatawag din itong ruweda. Nakatutulong ito sa pagdadala ng mga bagay na may bigat o lulang tao, at maging sa pagsasagawa ng mga gawaing pangmakina. Naiiwasan ng gulong ang pagkakaroon ng pagkagasgas o pamimingki (priksyon) sa pamamagitan ng galaw o kilos na pagulong.
Para umikot ang mga gulong, kailangang may momentum o buwelo sa kaniyang aksis na nagbubuhat sa gawi ng dagsin o iba pang panlabas na lakas o kapangyarihan. Ginagamit ang gulong sa transportasyon o paglalakbay. Nagagamit din ang gulong bilang pangmaneho ng mga sasakyang katulad ng manibela sa kotse at sa barko.
Itinuturing na isang payak na makina ang gulong at kadalasan ginagamitan ng metalikang liyabe para maayos ang paghugot ng mga kunsi at para suwabe tumakbo ang kaakibat nitong sasakyan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya at Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Gulong, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.