Ang biyaheng daambakal (halaw sa dalawang salitang daang bakal) o biyaheng riles ay ang transportasyon o paghakot, paghila, pagdadala, paglululan, pagkakarga, pagluluwas, pag-aangkat, at paglilipat ng mga taong lulan o pasahero at mga bagay na tulad ng mga mabubuting dala-dalahin (mga goods sa Ingles) sa pamamagitan ng paggamit ng mga sasakyang may mga gulong at dinisenyong tumakbo o umandar sa ibabaw ng mga daambakal (daang bakal o daanang bakal).
Kilala rin ang daambakal bilang dambakal, riles ng tren o riles lamang, tramo, at riles perokaril. Sa karamihan ng mga bansa, nakakatulong ang ganitong paraan o metodo ng transportasyon sa internasyunal na kalakalan at kaunlarang pangkabuhayan o pang-ekonomiya. Nagbibigay ang mga daambakal ng matalab o episyenteng paggamit at pagkonsumo ng enerhiya upang makapaglipat ng mga materyales o bagay na inaangkat sa ibabaw ng lupa. Malalaking bahagi ng sistema ang mga daambakal at nakapagdurulot ng makinis at matigas na kalatagan o kahabaan kung saan nakagugulong ang mga gulong ng tren habang nagsasanhi lamang ng maliit na antas ng priksyon. Gayundin, ikinakalat ng daambakal o riles ang bigat ng tren, na nangangahulugang may mas malalaking bilang ng mga bagay ang nadadala kaysa sa paggamit ng mga trak at mga kalsada.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Biyaheng daambakal, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.