Ang tamod (Ingles: sperm) ay tumutukoy sa mga selula ng sistemang reproduktibo ng mga lalaki.
Ang isperma ay isang gamete ng lalaking tao o hayop na may kakayahang makapagpertilisa ng isang ovum. Tinatawag na spermatid ang isang selula ng isperma na wala pa sa gulang (kulang pa sa edad). Samantala, ang spermatozoon (maramihan: spermatozoa) ay ang mga selula ng isperm na nasa hustong gulang na. Ang mga selulang ispermatoheniko (spermatogenic cell) ay ang mga selula na nasa loob ng mga tubulong seminiperoso (seminiferous tubule) na nagpapalitaw ng mga selula ng isperma. Ang proseso ng produksiyon ng mga isperma ay tinatawag na ispermatohenesis (spermatogenesis).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Spermatozoa, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.