Paghahati: Isa sa apat na pangunahing operasyon ng aritmetika

Sa matematika, ang paghahati, pagbabahagi, o dibisyón (mula Kastila división) ay isa sa apat na pangunahing operasyon ng aritmetika, Madalas ginagamit ang tandang panghati o tandang pambahagi (division sign, ÷) bilang simbolo ng paghahating matematikal, ngunit hindi ito ginagamit ng lahat, ni inirerekomendang gamitin, bagamat laganap ito sa mga bansang nagsasalita ng Ingles, kasama na ang Pilipinas.

Inirerekomenda ng karamihan na gamitin ang solidus ("/") o di kaya'y linyang panghati (fraction bar) para sa operasyong ito.

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian
12 ÷ 4 = 3, o kung babasahin, "labindalawa hinati sa tatlo ay apat."

Sa pinakamababang pananaw, ang paghahati ay isang proseso ng pagkakalkula sa kung gaano karami ang makakasya o masisiksik na bilang sa isa pang bilang. Dahil hindi ito nagreresulta palagi ng isang buumbilang, nagkaroon tuloy ng iba't ibang mga paglalarawan at pagpapakahulugan sa prosesong ito.

Ang bilang na hahatiin ay tinatawag na hatiin, samantalang pahati naman ang tawag sa bilang na maghahati. Ang resulta ng operasyong ito ay tinatawag namang kosyente o kahatian.

Di tulad ng ibang mga pangunahing operasyon, hindi palagi sakto ang sagot sa paghahati. Tinatawag ang natira o "sobrang" bahagi na butal. Ang paghahating may butal ay tinatawag na paghahating Euclid.

Kahulugan

Bagamat napagkakasunduan na may hinahati sa operasyon ng paghahati, may dalawang magkaugnay ngunit magkaibang konsepto o pananaw sa kung ano ba talaga ang tamang kahulugan ng operasyon: pagbilang ng mga nakuhang bahagi o quotition, at pagsukat ng laki ng isang bahagi o partition.

Sa quotition halimbawa, hahatiin ang 20 sa malilit na bahagi na may lamang 5 bawat bahagi. Ang kabuuang bilang ng mga bahaging makukuha, 4, ang magiging sagot.

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Kung hindi makukuha ng sakto ang sagot tulad nitong susunod na halimbawa, may kasamang butal o remainder ang sagot.

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Sa partition halimbawa, hahatiin sa 5 magkakasinlaking bahagi ang 20. Ang laki o dami ng lamang taglay ng isang bahagi, 4, ang sagot.

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Kung hindi makukuha ng sakto ang sagot tulad nitong susunod na halimbawa, magkakaroon ng hatimbilang (fraction) ang sagot.

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Ang pananaw na partition ay maihahalintulad sa konsepto ng unit factions Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian : hahatiin ang isang buo sa maliliit at magkakasinglaking bahagi depende sa pamahagi o denominator at kukunin lamang ang isang bahagi bilang panakda o numerator.

Sa pormal na kahulugan, isang pandalawahang operasyon ang paghahati kung saan kung paparamihin ang kosyente nang ilang beses depende sa pahati nito. Dahil sa kahulugan nito, itinuturing ang paghahati bilang ang kabaligtarang operasyon ng pagpaparami. Ibig sabihin:

    Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Notasyon

Isinusulat ang paghahati sa dalawang paraan: palinya (Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian ) at pahatimbilang (Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian ). Gayunpaman, mas madalas gamitin ang anyong pahatimbilang sa larangan ng alhebra at agham. Sa labas ng dalawang larangang ito, ginagamit nang madalas ang palinyang ayos. Ito ang madalas ring gamitin ng mga wikang pamprograma dahil sa hindi madalas makita ang tandang panghati sa normal na tipaan (keyboard).

Ginagamit rin ang simbolong Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  bilang tandang panghati. Una itong ipinakilala ng matematikong si Johann Rahn noong 1659 sa aklat niyang Teutsche Algebra (Filipino: Alhebrang Aleman). Laganap ang simbolong ito sa mababang paaralan, samantalang ginagamit ang solidus sa mataas na paaralan. Hinihikayat ng mga pamantayan sa buong mundo na gamitin ang solidus at hindi ito, dahil ginagamit ng ibang mga bansa sa Europa ang Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  bilang isang anyo ng tandang pambawas.

Ginagamit rin ng mga wikang pamprograma ang solidus bilang tandang panghati. Ginagamit ng ilang mga software na pangmatematika, tulad ng MATLAB, and baligtad na solidus ("\", backslash sa Ingles) para ibaligtad ang ayos ng paghati: nasa kaliwa ang tagahati imbes na sa kanan.

Maaari ring magamit sa mga hatimbilang ang kahit ano sa mga ayos na nabanggit. Itinuturing rin na mga hatimbilang ang lahat ng mga ekspresyon ng paghahati.

Minsan ding isinusulat ang paghahati gamit ang tutuldok (":"), lalo na sa mga bansang di laganap ang wikang Ingles.

    Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Unang ipinakilala ito ni Gottfried Leibniz noong 1684 sa kanyang Acta eruditorum (Filipino: Akto ng Pagtuto). Ayaw ni Leibniz na magkaroon ng hiwalay na mga simbolo para sa mga tagway (ratio) at sa paghahati. Gayunpaman, madalas itong ginagamit sa kasalukuyan bilang simbolo sa tagway.

Madalas ding ginagamit ang mga anyong Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  o Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  sa paghahati. Nilalagay ang bahagi sa itaas, samantalang nasa loob ang hahatiin at nasa labas naman ang tagahati. Ginagamit ito sa mahabaang paghahati. Bagamat may kasikatan ang notasyong ito, di matiyak ng mga eksperto ang kasaysayan sa likod nito.

Katangian

Di tulad ng pagdaragdag o ng pagpaparami, ang pagpapalit-puwesto (komutatibo) ng mga bilang sa paghahati ay maaaring magresulta sa magkaibang sagot. Ibig sabihin, hindi palaging magkatumbas ang Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  sa Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian . Di tulad rin ng ibang mga operasyon, nagbabago (asosyatibo) ang sagot nito depende sa kung ano ang unang pares na hinati. Halimbawa, ang sagot sa ekspresyong Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  ay 2, ngunit kung nilipat ang mga panaklong sa 5 at 2, o Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian , ang sagot ay magiging 8. Ito ay dahil na rin sa epekto ng ayos ng operasyon, o mas kilalang PEMDAS.

Gayunpaman, tradisyonal na kaliwa-muna ang pagkokompyut sa paghahati. Sa madaling salita, unang ikokompyut muna ang kaliwang termino sa mga kaso kung saan sunod-sunod ang paghahating kailangang gawin. Halimbawa:

    Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Samantala, sa katangian naman ng pamamahagi (distributive property) sa pagdaragdag at pagbabawas, ibinabahagi lagi ng kanang termino sa kaliwa ang sarili nito. Halimbawa:

    Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian 

Iba sa pagpaparami,

    Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian , kung saan pareho ang lalabas na produkto.

Sa madaling salita, di tulad ng paghahati, kayang mamahagi ang pagpaparami sa kaliwa't kanan nito.

Mga sanggunian

Paghahati: Kahulugan, Notasyon, Katangian  Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Paghahati KahuluganPaghahati NotasyonPaghahati KatangianPaghahati Mga sanggunianPaghahatiAritmetikaMatematikaOperasyon (matematika)PilipinasWikang InglesWikang Kastila

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Talaan ng mga salitang hiniram ng TagalogSikolohiyang PilipinoBarong TagalogEtikaTimog AsyaMga pangkat etniko sa PilipinasMetallicaCanadaInplasyon (presyo)Felix Resurreccion HidalgoSingkamasDiosdado MacapagalSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaGuroPangngalanIbong AdarnaMga guho ng CagsawaMga AetaNoli Me Tángere (nobela)Lualhati BautistaDaigdigLapulapuPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)Kagawaran ng Repormang PansakahanKarahasan laban sa kababaihanKagawaran ng EdukasyonHenry HudsonKomiksJuan LunaInhenyeriyang henetikoSan Pedro, LagunaIkalawang Republika ng PilipinasPagsasalinMga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaSanaysayBurol (seremonya)Parokya ni EdgarKasarianBjörkImperyong OtomanoEditoryalPalaisipanAn-anBill GatesAng LadladHuling PaalamGuillermo TolentinoBayawakDuke ng WellingtonKalabawKomunismoPakikipag-ugnayan sa ibang taoEhekutibong sangayMarxismoPasigIdeolohiyaManuel RoxasCalamba, LagunaTanagaWikang TagalogGlobalisasyonPambansang Pulisya ng PilipinasLihamBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasAmado V. HernandezHolokaustoKilusang PropagandaSalawikainTurkiyaAlemanyaJohn EstradaKagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalParusang kamatayanInhenyeriyaLa Niña🡆 More