Doha

Ang Doha (Arabe: الدوحة‎, romanisado: ad-Dawḥa o ad-Dōḥa) ay ang kabisera ng Qatar.

Kilala ito bilang ang maliit na bersyon ng Dubai dahil sa arkitektura nito na parang nasa hinaharap. Mas marami ang tao dito kaysa sa pinagsamang mga natitirang bahagi ng Qatar, na may populasyon na 2,382,000 noong 2018. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Golpong Persiko sa silangan ng bansa, sa hilaga ng Al Wakrah at sa timog ng Al Khor. Ito ang pinakamabilis na lumagong lungsod sa Qatar, na may higit sa 80% ng populasyon ng bansa ang naninirahan sa Doha o sa palibot nitong arabal. Ito ang sentrong pampolitika at ekonomiko ng bansa.

Doha

الدوحة
Doha
Doha
Mga koordinado: 25°18′N 51°32′E / 25.3°N 51.53°E / 25.3; 51.53
BansaDoha Qatar
LokasyonAd Dawhah, Qatar
Itinatag1850
Lawak
 • Kabuuan132,000,000 km2 (51,000,000 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020, Senso)
 • Kabuuan1,186,023
 • Kapal0.0090/km2 (0.023/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166QA-DA
Websaythttps://visitqatar.com/intl-en/about-qatar/doha

Naitatag ang Doha noong dekada 1820 bilang isang sanga ng Al Bidda. Nadeklera itong opisyal na kabisera ng bansa noong 1971, nang nakamit ng Qatar ang kalayaan mula sa pagiging protektorado ng mga Briton. Bilang kabiserang pangkomersyo ng Qatar at isa sa lumilitaw na mga sentro sa Gitnang Silangan, tinuturing ang Doha bilang na nasa antas na beta na pandaigdigang lungsod ayon sa Globalization and World Cities Research Network. Nilalaan ng Doha ang Lungsod Edukasyon o Education City, isang lugar na pinagtutuunan ang pananaliksik at edukasyon, at ang Lungsod Pangmedisina ng Hamad, isang lugar administratibo ng pangangalagang medikal. Nandito sa Doha ang Doha Sports City (Lungsod Pampalakasan ng Doha), o Aspire Zone, isang internasyunal na destinasyon para sa palakasan na kinabibilangan ng Internasyunal Estadyo ng Khalifa, isang estadyo para sa Pandaigdigang Kopa ng Futbol 2022; ang Sentrong Akwatiko ng Hamad; at ang Aspire Dome.

Etimolohiya

Sang-ayon sa Ministeryo ng Munisipalidad at Kapaligiran, nagmula ang pangalang "Doha" sa katawagang Arabe na dohat, na nangangahulugang "bilugan"—isang pagtukoy sa bilugang mga look na pumapalibot sa baybayain ng lugar.

Demographiya

Historical population
TaonPop.±%
1820250—    
18936,000+2300.0%
197080,000+1233.3%
1986 217,294+171.6%
1998 264,009+21.5%
2001 299,300+13.4%
2004 339,847+13.5%
2005 400,051+17.7%
2010 796,947+99.2%
2015 956,457+20.0%
Kabuuang populasyon ng kalungsuran lugar
Taon Population ng kalakhan
1997 434,000
2004 644,000
2008 998,651

Naninirahan ang isang makabuluhang bahagi ng populasyon ng Qatar sa loob ng Doha at sa kalungsuran nito. Ang distrito na may pinakamataas na densidad ng populasyon ay ang gitnang lugar ng Al Najada, na mayroon din na pinakamataas na populasyon sa bansa. Lumalaro mula sa 20,000 katao bawat km² hanggang 25-50 katao bawat km² ang densidad ng populasyon sa buong kalakhang rehiyon ng Doha. Nasaksihan ng Doha ang mabilis na paglago ng populasyon noong unang dekada ng ika-21 dantaon, na kinukuha kada buwan ang mayorya ng libo-libong tao nandayuhan noon sa Qatar.:6 Nasa mga isang milyon ang populasyon ng Doha, na may populasyon ng lungsod na higit sa doble ang paglago mula 2000 hanggang 2010.

Ethnisidad at wika

Lubhang binubuo ang populasyon ng Doha ng ekspatriyado o taga-ibang bansa, na minorya lamang ang mga mamamayang taga-Qatar. Ang pinakamalaking bahagi ng mga ekspatriyado sa Qatar ay mula sa mga bansa sa Timog-silangan at Timog Asya, na pangunahin sa Indya, Pakistan, Sri Lanka, Nepal, Pilipinas, at Bangladesh na may malaking bilang din ng mga ekspatriyado mula sa mga Lebanteng bansang Arabe, Djibouti, Somalia, Hilagang Aprika, at Silangang Asya. Tahanan din ito ng mga ekspatriyado mula sa Europa, Hilagang Amerika, Timog Aprika at Australya.

Arabe ang opisyal na wika ng Qatar. Ginagamit sa karaniwan ang Ingles bilang isang pangalawang wika, at isang sumisikat na lingua franca, lalo na sa komersyo. Dahil may malaking populasyon ng mga dayuhan sa Doha, malawak na sinasalita ang mga wika tulad ng Malayalam, Tamil, Bengali, Tagalog, Kastila, Sinhala, Pranses, Urdu at Hindi.

Mga unibersidad

Ang lungsod ay tahanan ng Unibersidad ng Qatar pati na rin Ang HEC Paris in Qatar.

Mga sanggunian

Tags:

Doha EtimolohiyaDoha DemographiyaDoha Mga unibersidadDoha Mga sanggunianDohaAl Khor (lungsod)Al WakrahArabalArkitekturaDubaiGolpong PersikoKabiseraQatarWikang Arabeen:WP:IPA for Arabic

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

CabuyaoLagariMelchora AquinoImplikasyonTalaan ng mga pulo ng PilipinasSurotTanayPampangaKumpilSedulaTransportasyon sa PilipinasSun Yat-senKasunduan sa NanjingDigmaang Sibil ng EspanyaMga KrusadaNoli Me Tángere (nobela)Sara DuterteBuwan (astronomiya)PamahiinEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaJovito SalongaPapelSangguniang BarangayDinastiyang QingVice GandaHigadApdoTeoryang pampanitikanBuwisCalapanKanlurang AsyaJacinto ZamoraYouTubePandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoRaha SulaymanIbonKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasAntipoloAdolf HitlerRabiesPanatang MakabayanMediaTekBaybayinJus soliIlogIkalawang Digmaang Sino-HaponesParagisPasayRelihiyonBoracayAswangAraw (astronomiya)KulugoVietnamEDSAMundoEmperador HirohitoKahel (kulay)Noli Me TangereBadjaoDigmaang Pilipino–AmerikanoSilang, KabitePamamaraang parlamentaryoNueva EcijaPatinteroSukarnoIskwalang panubokKonserbatismoLilaDaunganTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasBekeRespetoRebelyon ni DagohoyTotalitarismoPananahiPatutot🡆 More