2019: Taon

Ang 2019 (MMXIX) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Martes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2019 taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-19 na taon sa ika-3 milenyo, ang ika-19 na taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-10 at huling taon ng dekada 2010.

Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1980  Dekada 1990  Dekada 2000  - Dekada 2010 -  Dekada 2020  Dekada 2030  Dekada 2040

Taon: 2016 2017 2018 - 2019 - 2020 2021 2022

Itinalaga ang 2019 bilang Internasyunal na Taon ng Talaang Peryodiko ng mga Elemento ng Pangkalahatang Pagpupulong ng Mga Nagkakaisang Bansa na binigay na natuon sa ika-150 amibersaryo ng pagkakalikha nito ni Dmitri Mendeleev noong 1869.

Kaganapan

Enero

2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Ibinigay ni Bartolome I ng Konstantinopla (kaliwa) ang tomos ng awtosepalya sa Metropolitanong Efipanio.
  • Enero 1
    • Nagawa ng New Horizons ang malapit na paglapit sa bagay ng Sinturon ng Kuiper na 486958 Arrokoth sa ganap na 05:33 UTC.
    • Nagsimula si Jair Bolsonaro sa kanyang apat-na-taong termino bilang Pangulo ng Brazil.
    • Tumiwalag ang Qatar mula sa OPEC.
    • Naging ligal na sa Austrya ang kasalan ng magkaparehong kasarian.
    • Pumasok na ang mga gawa na nalathala ng mga may-akda na namatay noong 1948 sa publikong dominyo sa maraming mga bansa. Sa Estados Unidos, pumasok na sa publikong dominyo ang lahat ng mga gawa na nailathala noong 1923, ang unang pagpasok ng mga nilathalang gawa sa publikong dominyo simula noong 1998.
  • Enero 3 – Ang Tsinong pansiyasat na Chang'e 4 ay naging unang artipisyal na bagay na lumapag sa lupain sa malayong banda ng Buwan.
  • Enero 5 – Naglabas si Bartolome I ng Konstantinopla ng isang pormal na kasunduan na nagbibigay ng kalayaan sa Ortodoksong Simbahan ng Ukraine mula sa Rusong Ortodoksong Simbahan.

Pebrero

Marso

  • Marso 23 – Natagpuan ang huling teritoryo ng ISIL sa Al-Baghuz Fawqani, Sirya, na napalaya.

Abril

2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Unang imahe ng isang itim na butas (M87*) na nakuha sa pamamagitan ng Teleskopyong Event Horizon

Mayo

Hunyo

  • Hunyo 3 – Masaker sa Khartoum: Higit sa 100 katao ang pinatay nang sinalakay at bukas na pinaputok ng mga tropang Sudanes at milisyang Janjaweed ang kampo ng nagproprotesta sa labas ng isang punong-himpilan ng militar sa Khartoum, Sudan.
  • Hunyo 11 – Hindi na ginawang krimen ang homoseksuwalidad sa Botswana.

Hulyo

Agosto

  • Agosto 10 – Namatay ang 32 at 1,000,000 nilikas habang dumaan sa kalupaan ang Bagyong Lekima sa Zhejiang, Tsina. Noong nakaraang mga araw, nagdulot ito ng mga pagbaha sa Pilipinas kung saan kilala ito bilang Bagyong Hanna.
  • Agosto 12 Mga protesta sa Hong Kong ng 2019-20: Nagsara ang Internasyunal na Paliparan ng Hong Kong dahil sa mga protesta.

Setyembre

2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Si Greta Thunberg ang pinakabatang tao ng taon ng TIME
  • Setyembre 6 – Ang Chandrayaan-2, ang ikalawang pansiyasat ng buwan ng Indya, ay matagumpay na nailagay sa orbita ng buwan, ngunit bumagsak sa ibabaw ng buwan ang lander na Vikram.
  • Setyembre 27 – 500,000 katao ang nagmartsa sa isang protesta sa pagbabago ng klima na pinamunuan ng aktibistang si Greta Thunberg at Punong Minstrong Justin Trudeau sa Montreal, Kanada. 4,000,000 naman ang nagpatuloy na magwelga sa buong mundo.
  • Setyembre 30 – Nangako ang Republika ng Irlanda na magtatanim ng 440 milyong puno sa loob ng dalawampung taon upang labanan ang pagbabago ng klima.

Oktubre

  • Oktubre 2 – Labis na nasunog ang temang parke sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas na Star City na hinihinalang dulot ng sadyang panununog o ng sirang sistemang elektrikal.
  • Oktubre 12 – Dumaan sa kalupaan ng Hapon ang Bagyong Hagibis, ang pinakamalaking bagyong tumama sa rehiyon sa mga nakaraang dekada, na may higit sa pitong milyong katao ang hinimok na lumikas.
  • Oktubre 30
    • Ipinagbawal ng websayt na social media na Twitter ang lahat ng patalastas pampolitika sa buong mundo.
    • Niyanig ng isang lindol na nasa 6.5. Mw ang pulo ng Mindanao sa Pilipinas na nangyari dalawang araw pagkatapos ng isang lindol na kinitil ang hindi bababa sa lima at inilikas ang tinatayang 12,000 katao.
  • Oktubre 31 – Winasak ng isang sunog ang 500-taong gulang Kastilyong Shruri sa bansang Hapon na isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.

Nobyembre

Disyembre

2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Ang ilustrasyon ng SARS-CoV-2 ng COVID-19 ay sumiklab noong Disyembre 1, 2019

Kamatayan

2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Henry Sy
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Albert Finney
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Karl Lagerfeld
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Alan García
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Mohamed Morsi
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Peter Fonda
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Robert Mugabe
2019: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Jacques Chirac

Mga sanggunian

Tags:

2019 Kaganapan2019 Kamatayan2019 Mga sanggunian2019Anno DominiDekada 2010Ika-21 dantaonIka-3 milenyoKalendaryong GregoryanoKaraniwang PanahonMartes

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Lungsod QuezonAntonio LunaKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)Noto Heneral Luna (pelikula)ReglaSakit na bipolarKomisyon sa Wikang FilipinoBoracayDasalAsyaPagkamatay ni Jang LuceroGMA NetworkDinamika (musika)DuhatSan Juan, Kalakhang MaynilaFree Legal Assistance GroupRebolusyong EDSA ng 1986Tempo (musika)SekularisasyonSukarnoMoralidadEmilio JacintoMiriam Defensor–SantiagoPenomenolohiya (pilosopiya)MarijuanaTalataanNueva EcijaLambak ng CagayanTamod (paglilinaw)Martsa ng Kamatayan sa BataanAmpalayaRitmoAlemanyaInggitParagisNorzagarayKompyuterKasunduan sa Paris (1898)KetongTalaarawanPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasHo Chi MinhKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasJose W. DioknoTaguigPapelRamadanAti-AtihanSiningCalamba, LagunaPag-ibigKagat ng asoTiyagaBahay Kubo (katutubong awit)PilipinoMediaTekBicolIkalawang Digmaang Laban sa OpyoEl filibusterismoDamdaminIndustriyalisasyonTerorismoPinoy Big BrotherGraciano López JaenaHalalanPangungusapBacolodUnyong SobyetikoEutanasyaPasismoKabibePigingMga wika sa PilipinasBarenaPanatang MakabayanChiang Kai-shek🡆 More