2021: Taon

Ang 2021 (MMXXI) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Biyernes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2021 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Taon at Anno Domini (AD), ang ika-21 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-21 taon ng ika-21 dantaon, at ika-2 taon ng dekada 2020.

Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1990  Dekada 2000  Dekada 2010  - Dekada 2020 -  Dekada 2030  Dekada 2040  Dekada 2050

Taon: 2018 2019 2020 - 2021 - 2022 2023 2024

Tinakda sa 2021 ang mga pangunahing pangyayari na orihinal na itinakda para sa 2020, kabilang ang Wakas ng Liga ng mga Bansa ng CONCACAF ng 2020, Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision, UEFA Euro 2020, Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020, 2021 Copa América at Expo 2020, sa mga kaganapan na ipinagpaliban o kinansela dahil sa pandemya ng COVID-19.

Idineklera ng Mga Nagkakaisang Bansa ang 2021 bilang Internasyunal na Taon ng Kapayapaan at Tiwala, ang Internasyunal na Taon ng Malikhaing Ekonomiya para sa Napapanatiling Pag-unlad, ang Internasyunal na Taon ng mga Prutas at Gulay, at ang Internasyunal na Taon para sa Pagtanggal ng Paggawa ng Bata. Iproneklema ng Simbahang Katoliko ang 2021 bilang Taon ni San Jose.

Kaganapan

Enero

  • Enero 6 – Inatake ng mga tagasuporta ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump ang Kapitolyo ng Estados Unidos, na ginambala ang sertipikasyon ng pampanguluhang halalan ng 2020 at pinuwersa na ilikas ang Kongreso. Limang tao ang namatay noong panahon ng kaguluhan, kabilang ang isang opisyal na pulis at isang babae na binaril at pinatay sa loob ng gusali ng Kapitolyo. Nauri ang kaganapan bilang isang domestikong terorismo pag-atake at nagdulot ng internasyunal na pagkondena.
  • Enero 10 – Nahalal si Kim Jong-un bilang Pangkalahatang Kalihim ng namamayaning Partidong Manggagawa ng Korea, na minana ang titulo mula sa kanyang yumaong ama na si Kim Jong-il, na namatay noong 2011.
  • Enero 15
    • Hinalal ng Partidong Rebolusyonaryong Bayan ng Laos si Thongloun Sisoulith bilang bago nitong Pangkalahatang Kalihim, na pinalitan ang nagretirong hepe na si Bounnhang Vorachith. Nahalal si Sisoulith para sa isang limang-taon na termino bilang pinakamataas na pinuno ng Laos.
    • Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa 2 milyon sa buong mundo.
  • Enero 20 – Pinasinayaan si Joe Biden bilang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos, na naging pinakamatandang indibiduwal na nahalal sa pagkapangulo.
  • Enero 26 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 100 milyon sa buong mundo.

Pebrero

  • Pebrero 1
    • Isang kudeta sa Myanmar ang nagtanggal kay Aung San Suu Kyi mula sa kapangyarihan at naibalik ang pamamahalang militar.
    • Opisyal na itinatag ng Kosovo ang diplomatikong ugnayan sa Israel at ipinabatid ang balak na magbukas ng embahada sa Jerusalem.
    • Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng isinagawang pagbabakuna sa 100 milyon sa buong mundo.
  • Pebrero 19 – Opisyal na muling sumali ang Estados Unidos sa Kasunduang Paris, 107 araw pagkatapos umalis ito.
  • Pebrero 22 – Pandemya ng COVID-19: Ang Estados Unidos ay ang unang bansa na nagtala ng higit sa 500,000 kamatayan mula sa bayrus.

Marso

  • Marso 5 – Ang Moldova ay naging unang bansa sa Europa na tumanggap ng bakuna para sa coronavirus sa pamamagitan ng COVAX.
  • Marso 6
    • Pandemya ng COVID-19: Lumagpas na ang bilang ng isinasagawang pagbabakuna sa 300 milyon sa buong mundo.
    • Nakipagkita si Papa Francisco kay Gran Ayatollah Ali al-Sistani sa Najaf, Iraq. Ito ang pinakaunang pagpupulong sa pagitan ng isang papa at isang gran ayatollah.
  • Marso 23
    • Naganap ang pangkalahatang halalan ng Israel, ang ikaapat na halalang Knesset sa dalawang taon.
    • Ang Ever Given, isa sa pinakamalaking kargamentong barko sa mundo, ay sumadsad at nagdulot ng pangunahing pagharang sa Kanal Suez. Nagresulta ito ng obstakulo sa mga barko na nagdulot ng isang pangunahing paggambala sa pandaigdigang kalakalan.
  • Marso 25 – Pandemya ng COVID-19: Lumagpas na ang bilang ng isinagawang pagbabakuna sa 500 milyon sa buong mundo.
  • Marso 29Abril 4 – Sumailalim ang Kalakhang Maynila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan na kilala din bilang Malawakang Maynila sa pinag-ibayong pampamayanang kuwarantenas upang pigilan ang matinding pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na nasa higit sa 9,000 bagong kaso noong Marso 27.

Abril

Mayo

  • Mayo 23 – Ang pungus sa India ay idineklara ng epidemya sa bansa dahil sa pagkalat at naglalabasang baryanteng kulay, 219 na ang naitalang nasawi sa fungal inpeksyon.

Hunyo

Hulyo

  • Hulyo 7 – Pagpatay kay Jovenel Moïse: Ang Pangulo ng Hayti na si Jovenel Moïse ay binaril at binawian ng buhay sa oras na 1:00 ng umaga sa kanyang tahanan. Ang kanyang asawa na si Martine Moïse ay nasugatan at naospital.

Oktubre

  • Oktubre 1 – Nagpaalam ang beteranong tagapag-ulat ng balita na si Natalie Morales magpapaalam sa programang Today Show ng NBC sa halos na 22 taon.

Kamatayan

2021: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh
2021: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Michael Collins
2021: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Benigno S. Aquino III
2021: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Bienvenido Lumbera
2021: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Ramon Barba

Mga sanggunian

Tags:

2021 Kaganapan2021 Kamatayan2021 Mga sanggunian2021Anno DominiBiyernesDekada 2020Ika-21 dantaonIka-3 milenyoKalendaryong Gregoryano

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Bongbong MarcosMagsasakaBalisawsawVice GandaAspinPatolaMga katutuboKomunismoChiang Kai-shekKapital (ekonomika)Marian RiveraLibangan (gawain)Panahon ng KaliwanaganTransportasyonMustasaLas PiñasTimog KoreaBenigno Aquino Jr.Ati-AtihanBatas CooperBuwan ng WikaTaripaMyanmarBataanLohikaVolleyballInternetPopulasyonSistemang pang-ekonomiyaPang-aabusong seksuwalPapa Juan Pablo IIPang-uriEditoryalAurora (lalawigan)PagtutuliYouTubeIbong AdarnaZsa Zsa PadillaPusaMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasUbong-dalahitEstadoGintoWikang KastilaPangulo ng Estados UnidosDigmaang Pilipino–AmerikanoPasismoMga rehiyon ng PilipinasElpidio QuirinoSanaysayMga lalawigan ng PilipinasLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiYamang taoPigsaJose Rizal (pelikula)Ideolohiyang pampolitikaSanggunianKawalIsolasyonismoPunoKorupsiyonSarsuwelaUsogRelihiyonKahel (kulay)Daniel PadillaPagpapanumbalik ng MeijiMahal na ArawSitawHomoseksuwalidadHuling PaalamKronolohiya ng Rebolusyong EDSA ng 1986PariralaEspanyaTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasFidel V. RamosAgusan del SurAchilles tendinitisTeorya🡆 More