Tinapay

Ang tinapay ay isang uri ng pangunahing pagkain na gawa sa minasang harina at tubig na karaniwang niluluto sa pamamagitan ng paghuhurno.

Sa buong naitalang kasaysayan, ito ay naging kilala sa buong mundo na isa sa mga pinakamatandang pagkaing artipisyal na naging mahalaga simula pa sa pagsibol ng agrikultura.

Tinapay
Tinapay

Maraming kombinasyon at proporsyon ang nagagawa sa iba't ibang uri ng harina at iba pang mga sangkap, pati na rin ang pagkakaiba sa pagluluto at paraan ng paggawa ng tinapay. Ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng iba't ibang anyo, hugis, at sukat sa pagkayari ng tinapay sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang tinapay ay maaaring paalsahin gamit ang iba't ibang proseso mula sa natural na mikrobiyo (halimbawa ay ang pagluluto ng sourdough o masang-maasim), kemikal, mikrobyong pang-industriyal, at hanggang sa high-pressure artificial aeration (artipisyal na erasyon sa mataas na presyon) habang ito ay inihahanda o ihinuhurno. Gayunpaman, ang ibang mga tinapay ay hindi pinaaalsa, maaaring dahil sa kagustuhan, o kung hindi kaya ay dahil sa tradisyunal o relihiyosong kadahilanan. Maraming mga di-sereal na sangkap ang maaaring isama, mula sa mga prutas, mani hanggang sa iba't ibang mga taba. Ang komersyal na tinapay naman, ay karaniwang naglalaman ng pandagdag, ang ilan sa mga ito ay hindi nutrisyonal, upang mapabuti ang lasa, kinis o gaspang, kulay, tagal ng pagkasira, o kung hindi kaya ay para mapadali ang paggawa.

Ang tinapay ay maaaring ihain sa iba't ibang anyo at sa kahit anong oras. Ito ay kinakain bilang pantawid-gutom o kaya naman ay ginagamit bilang sangkap sa iba pang mga paghahanda tulad ng may palaman, at tulad ng mga gawang pinirito na binabalutan ng mumo ng tinapay upang hindi magkadikit-dikit. Ginagamit din ito bilang pangunahing matabang sangkap ng pudin na tinapay at bilang mismong palaman upang punan ng espasyo o panatilihin ang katas na kung hindi ay tutulo lamang.

Kasaysayan

Ang tinapay ang isa sa mga pinakamatandang pagkain na hinahanda. Ibinunyag ng pruweba mula noong 30,000 taon na nakaraan sa Europa at Australya ang nalabing gawgaw sa mga bato na ginamit sa pagbayo ng mga halaman.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

AgrikulturaHarinaPaghuhurnoPagkainTapayTubig

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Talaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereAung San Suu KyiPangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at AstronomikoArtikuloEfren PeñafloridaTalumpatiBlitzkriegAmado V. HernandezAlemanyang NaziAklatanPoncio PilatoBibliyaRodriguezHatirang pangmadlaLapulapuErmitanyoGabriela SilangPang-angkopWatawat ng PilipinasTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasPresasSalapiKultura ng MalaysiaPamayananGamugamoLalakiAnayPunoDasmariñasWency CornejoCagayan de OroPatolaImperyalismoKanser sa susoManny PacquiaoSanta Rosa, LagunaAng Huling El BimboFidel V. RamosTalataanMonologoSilang, KabiteButuanPagkalulong sa bawal na gamotLope K. SantosEkonomiya ng PilipinasKolonyalismoSaligang batasPagbabawasKulturaMatinding DepresyonPaglilimbagMga pambansang sagisag ng PilipinasTeknolohiyaUsogIbonDigmaang KoreanoSayaw sa ObandoAsoMga Gobernador-Heneral ng PilipinasKarpinteroDigmaang Sibil ng TsinaPang-aabusong seksuwalNoli me tangere (parilala)El filibusterismoFernando de MagallanesEat Bulaga!Leni RobredoPang-ukolPamahalaan ng PilipinasPalarong PambansaKorupsiyonTransportasyon sa PilipinasNorzagarayPagmamanupakturaMindanaoMIMAROPAPartido Komunista ng Pilipinas🡆 More