Si Stefania Turkewich-Lukianovych (Abril 25, 1898 – Abril 8, 1977) ay isang Ukranyong kompositor, pianista, at musikalogo, kinikilala bilang kauna-unahang babaeng kompositor ng Ukranya.
Ang kanyang mga gawain ay pinagbawalan ng mga Sobyet sa Ukranya.
Stefania Turkewich-Lukianovych | |
---|---|
Kapanganakan | Stefania Turkewich Abril 25, 1898 Lviv, Ukranya |
Kamatayan | Abril 8, 1977 |
Edukasyon | Pamantasan ng Lviv, Konserbatoryo ng Lviv, Konserbatoryo ng Berlin |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1920's–1970's |
Asawa | Robert Lisovskyi; Narcyz Lukianowicz (Нарциз Лукіянович) |
Ipinanganak si Stefania sa Lviv, Awstrya-Unggaryo. Ang kanyang lolo na si Lev Turkevich, at ang kanyang ama na si Ivan Turkevich ay mga pari. Ang kanyang ina na si Sofia Kormoshiv ay isang piyanista at nag-aral kasama si Karol Mikuli at Vilém Kurz, at sinamahan din ang batang Solomiya Krushelnytska.:7 Ang buong pamilya ay mahiling sa musika at lahat ay tumugtog ng isang instrumento. Tumugtog ng pyano, alpa, at armonyo si Stefania. Nang maglaon, naalaala ng kompositor ang kanyang pagkabata at ang kanyang pagmamahal sa musika:
Sa gitna ng lahat ay ang aking ina, na tumugtog ng isang kahanga-hangang piano. Noong bata palang ako, gustong-gusto kong makinig sa kanyang pagtugtog. Pagkatapos, sinimulan namin ang isang salon orchestra sa aming tahanan. Tumugtog kami ng ganito: tatay sa bass…, nanay ko sa piano, Lyonyo sa cello, ako sa harmonium, si Marika at Zenko … ay sa mga biyolin. Nagsimula na rin si Tatay ng isang koro ng pamilya. Ito ang mga unang hakbang namin sa mundo ng musika. Si Itay ay hindi kailanman nagtipid sa pera o gumawa ng mga dahilan pagdating sa aming buhay pangmusika.:23
Sinimulan ni Stefania ang kanyang mga pag-aaral sa musika kasama si Vasyl Barvinsky. Mula 1914 hanggang 1916, nag-aral siya sa Vienna bilang pianist kasama si Vilém Kurz. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-aral siya kasama si Adolf Chybiński sa Pamantasan ng Lviv, at dumalo rin siya sa mga lektura sa teorya ng musika ni Chybiński sa Konserbatoryo ng Lviv.:10
Noong 1919 isinulat niya ang kanyang unang gawaing pangmusika – ang Liturhiya, na ilang beses na ginampanan sa St. George’s Cathedral sa Lviv. Noong 1921 nag-aral siya kasama si Guido Adler sa Pamantasan ng Vienna at si Joseph Marx sa University of Music and Performing Arts Vienna, kung saan siya nagtapos noong 1923 ng Diploma ng Guro.
Noong 1925, pinakasalan niya si Robert Lisovskyi at naglakbay kasama niya sa Berlin kung saan siya nanirahan mula 1927 hanggang 1930 at nag-aral kasama sina Arnold Schoenberg at Francz Schreker.:14 Sa panahong ito, noong 1927, isinilang ang kanyang anak na si Zoya (Зоя).
Noong 1930, naglakbay siya sa Prague, Czechoslovakia, para mag-aral kasama si Zdeněk Nejedlý sa Charles University, at si Otakar Šín sa Konserbatoryo ng Prague. Nag-aral din siya ng komposisyon kasama si Vítězslav Novák sa akademya ng musika. Noong taglagas na taon 1933 nagturo siya ng piano at naging tagasaliw sa Konserbatoryo ng Prague. Noong 1934, ipinagtanggol niya ang kanyang disertasyong doktoral sa paksa ng alamat ng Ukranya sa mga opera ng Russia.:15 Natanggap niya ang kanyang titulo ng doktor sa musikalolohiya noong 1934 mula sa Ukranyong Libreng Unibersidad sa Prague. Siya ang naging kauna-unahang babae mula sa Galicia (na noon ay bahagi ng Poland) na nakatanggap ng Ph.D.
Pagbalik sa Lviv, mula 1934 hanggang sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay nagtrabaho bilang isang guro ng teorya ng musika at piano sa Konserbatoryo ng Liviv, at naging kasapi ng Union of Ukrainian Professional Musicians.
Noong taglagas ng taong 1939, pagkatapos ng pananakop ng Sobyet sa Kanlurang Ukranya, Nagtrabaho si Stefania bilang isang tagapagturo at tagapangasiwa sa Lviv Opera House, at mula 1940 hanggang 1941 ay kasamang propesor sa Konserbatoryo ng Lviv. Pagkatapos ng pagsasara ng Konserbatoryo, na may pananakop ng Alemanya, nagpatuloy parin siya sa pagtuturo sa State Musical School. Noong tagsibol ng taong 1944, umalis siya sa Lviv patungo sa Vienna. Tumakas mula sa mga Sobyet, noong 1946, lumipat siya sa timog Awstrya, at mula roon hanggang Italya, kung saan ang kanyang pangalawang asawa na si Nartsiz Lukyanovich, ay isang manggagamot sa ilalim ng utos ng Britanya.
Ang kanyang mga komposisyon ay moderno, ngunit alalahanin ang mga katutubong awit ng Ukranya kapag ang mga ito ay hindi ekspresyonistiko. Nagpatuloy siya sa pag-compose noong 1970s. Namatay si Stefania Turkevich noong ika-8 ng Abril 1977, sa Cambridge, Inglatera.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Stefania Turkewich, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.