Si Rabindranath Tagore (Bengal: রবীন্দ্রনাথ ঠাকুর) (7 Mayo 1861 – 7 Agosto 1941) ay isang polimatong Bengali.
Bilang isang makata, nobelista , musikero at manunulat ng mga dula, iniba niya ang musika at panitikan ng Bengal noong huli ng ika-19 na siglo at maagang ika-20 na siglo. Bilang ang may-akda ng Gitanjali at ang "malalim, sensitibo, sariwa at magandang mga tula" nito, bilang ang kauna-unahang hindi Europeong nanalo sa 1913 Gantimpalang Nobel sa Panitikan, si Rabindranath Tagore marahil ang pinakamahalagang tao sa panitikan ng Bengal at isang kinatawan ng kalinangang Indian na ang hikayat at pagkakakilala sa boung mundo na marahil na maihahambing lamang kay Mohandas Gandhi na pinalanganang 'Mahatma' ni Tagore na bunga sa kanyang paghanga kay Gandhi.
Rabindranath Tagore | |
---|---|
Kapanganakan | 7 Agosto 1941 (80 taon gulang Kolkata, India |
Kamatayan | 7 Agosto 1941 Kolkata, India | (edad 80)
Trabaho | makata, nobelista, manunulat ng mga maiikling akda, manunulat ng mga sanaysay, manunulat ng mga dula, matrahedya, manunuro, espiritista, pilosopo, internasyonalista, relatibista ng kalinangan, mananalumpati, kompositor, manunulat ng mga kanta, mang-aawit, artista |
Pagkamamamayan | Britanikong Raj |
Panahon | Renasimiyentong Bengal |
(Mga) parangal | Gantimpalang Nobel (Panitikan) (1913) |
(Mga) naimpluwensiyahan kay/kina
| |
Lagda |
Isang Pirali Brahmin mula sa Calcutta, sumulat ng mga tula si Tagore nang siya ay walong taong gulang. Sa gulang ng labing anim, inilathala niya ang kanyang unang talatulaan sa ilalim ng pangalang Bhanushingho ("Leong Araw") at sumulat ng kanyang mga unang maiikling kuwento at drama noong 1877. Hindi tinanggap ni Tagore ang raj ng Britanya at nakisali sa kalayaan ng India. Ang kanyang mga likha ay mahahanap sa tinatag niyang pamantasan, ang Pamantasan ng Visva-Bharati.
Pinabago ni Tagore ang sining Bengali sa paggamit ng mga pormang klasikal. Ang kanyang mga nobela, kuwento, kanta, sayaw-drama at sanaysay ay may kinalaman sa mga paksang pampolitika at pampersonal. Ang Gitanjali (Mga Alay na Kanta), Gora (Katamtaman ang Pagmumukha), at Ghare-Baire (Ang Tahanan at ang Mundo) ay ang kanyang mga pinakakilalang mga akda at ang kanyang mga berso, maiikling kuwento at nobela ay pinuri sa kanilang lyricismo, kolokyalismo, naturalismo at kontemplasyon. Si tagore ay marahil ang tanging literatura na gumawa ng mga pambansang awit ng dalawang bansa: ang Bangladesh at ang India: Amar Shonar Bangla at Jana Gana Mana.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Rabindranath Tagore, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.