Mga Ingles

Ang mga Ingles ay isang pangkat-etniko at bansa na katutubo sa Inglatera, na nagsasalita ng wikang Ingles, wikang Kanlurang Hermaniko, at binabahagi ang isang karaniwang kasaysayan at kalinangan.

Nagsimula ang identidad ng Ingles sa mga Anglosahones, na kilala noong bilang Angelcynn, na nangangahulugang lipi ng mga Anglo. Hinango ang kanilang etonimo mula sa mga Anglo, isa sa mga Hermaniko na lumipat sa Britaniko noong mga ika-5 dantaon AD.

Mga Ingles
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Reyno Unido:
37.6 milyon sa
Inglatera at Gales (2011)
Mahalagang diyasporang Ingles sa
Estados Unidos46.5 milyon (2020)a
Australya8.3 milyon (2021)b
Canada6.3 milyon (2016)c
Timog Aprika40,000–1.6 milyon (2011)d
Bagong Silandiya210,915 (2018)e
Tsile550,000–820,000
Arhentina100,000
Wika
Ingles, Wikang Pasenyas na Britaniko
Relihiyon
Kristiyanismo, tradisyunal na Anglikanismo, subalit kasama din ang mga nonkonpormismo at disidente, gayon din ang ibang mga Protestante; Romano Katoliko din; Islam; Hudaismo, Irrelihiyon, at ibang mga pananampalataya

a Amerikanong Ingles, b Australyanong Ingles, c Canadiyanong Ingles, d diyasporang Britaniko sa Aprika, e Bagong Silandiyanong Ingles

Karamihan nagmula ang Ingles mula sa dalawang pangunahing makasaysayang pangat ng populasyon: ang mga liping Kanlurang Hermaniko, kabilang ang mga Anglo, Sahona, at Huto na nanirahan sa Timog Britaniko kasunod ng pag-alis ng mga Romano, at bahaging-Romanisadong na Britanikong Selta na nakatira na doon. Kolektibong kilala bilang mga Anglo-Sahones, tinatag nila ang kung ano ang naging Kaharian ng Inglatera noong maagang ika-10 dantaon, bilang tugon sa paglusob at ekstensibong paninirahan ng mga Danes at Noruwego na nagsimula noong huling ika-9 na dantaon. Sinundan ito ng Normandong Pananakop at limitadong paninirahan ng mga Normando sa Inglatera noong huling ika-11 dantaon at isang malaki-laking bilang ng mga Protestanteng Pranses na dumayo noong huling ika-16 at ika-18 dantaon. Ilang depinisyon ng mga Ingles ay kinabibilangan, habang hindi sinasama ng iba, ng mga tao mula sa kalaunang migrasyon sa Inglatera.

Ang Inglatera ay ang pinakamalaki at may pinakamaraming populasyon na bansa sa Reyno Unido ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda. Sa mga Batas ng Unyon ng 1707, nagsanib ang Kaharian ng Inglatera at ang Kaharian ng Eskosya upang maging Kaharian ng Gran Britanya. Sa paglipas ng mga taon, masasabing naging malapit na humanay ang mga kustumbre at identidad na Ingles sa mga kustumbre at identidad na Britaniko sa pangkalahatan. Mga mamamayang Britaniko ang karamihan sa mga naninirahan sa Inglatera. Ang ngalang panlipi ng mga lalaki at babae mula sa Inglatera ay Englishman at Englishwoman sa katutubong wika nilang Ingles.

Mga sanggunian

Tags:

BansaGran BritanyaIka-5 dantaonInglateraPangkat-etnikoWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KundolDenguePransiyaMarian RiveraCalamba, LagunaLilaAdolf HitlerPantayong pananawEhekutibong sangayAbakaNagkakaisang BansaPamamaga ng lalamunanWikang FilipinoLorenzo RuizSingaporePagpapalaglagTeoryang pampanitikanIlocosBudhiPamamahalaJuan Ponce EnrileMalabonKalakalanAklatBanaag at SikatDinastiyang QingKidapawanJuan LunaArsobispoDawagPaterosIslamEkonomiyaMyanmarGuroUnyon ng manggagawaKorupsiyonReporma sa lupaFlorante at LauraKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanMonologoKasanayanMapaSitawCebuMindanaoApianBarangayBalagtasanMaria Asuncion RiveraPandemya ng COVID-19 sa PilipinasPabulaParagisDaigdigDigmaang KoreanoHagdan-hagdang Palayan ng BanaweAtlas (kalipunan ng mapa)RusyaLobo, BatangasGitaraSigaw ng Pugad LawinMuhammad Dipatuan KudaratMediaTekPulisyaSikolohiyang PilipinoMitolohiyang PilipinoBenigno Aquino IIITalaan ng mga Pangulo ng PilipinasBaybayinKapitalismoBatasEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaTalaarawanDigmaang PasipikoFacebookMaharlika🡆 More