Black Hole

Ang black hole (literal na pagsasalin: itim na butas) ay isang rehiyon sa kalawakan-oras na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito.

Ito ay isa sa mga prediksiyon ng Teoriyang pangkalahatang relatibidad ni Albert Einstein na ang isang sapat na siniksik na masa (mass) ay maaaring magpabaluktot ng kalawakan-oras upang lumikha ng black hole. Ang pag-iral ng mga black hole ay hindi tuwirang maoobserbahan kundi sa pamamagitan lamang ng pagmamasid ng mga grabitasyonal na interaksiyon nito sa mga nakapaligid dito. Si Stephen Hawking ang nagsabing ang mga galactic hole ang nagbubuga ng mga rayos ekis, isang pananaw na kontra sa paniniwala noon ng mga siyentipiko.

Black Hole
Isang paglalarawan ng isang black hole sa kalawakan.

Pagkabuo

Nabubuo ang black hole dahil sa supernoba o pagsabog ng isang bituin. Pagkaraan ng pagsambulat na ito, "kinakain" ng pusod ng pagsabog ang paghila ng natitirang bituin at lumalakas pa ito. Kahit ang liwanag ay hindi nakakalabas dahil sa palakas nang palakas na paghila.

May isang teoryang nagsasabing ang black hole ay isang bituing neyutron, dahil ito ang pusod nang sumabog na bituin. Ayon sa teorya, nagkakaroon ng isang napakaliit na maliit na bagay na nabuo mula sa mga atomo ng isang napakalaking bituin na naubusan na ng gatong o enerhiyang nukleyar na paglaon ay humina at nabuwag na ng tuluyan, hanggang sa ito'y mapapasinsin o masisiksik ng tuluyan hanggang sa marating na nito ang Swarzchild Radius o ang isang bagay na kasinlaki ng isang holen na kasing bigat ng maraming bilyon bilyong tonelada, na siyang kilala sa pangalang "singularidad". Ang napakalakas na paghila o atraksiyong grabitasyunal ng katawan ang pumipigil sa pagkawala ng lahat ng mga materya at enerhiya kasama na ang enerhiya ng liwanag. Dahil walang liwanag na makalabas mula sa bagay na ito, hindi ito makikita sa kalawakan. Dito nagmula ang katawagang black hole.

Tingnan din

Mga sanggunian

Black Hole Black Hole  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Albert EinsteinEspasyo-orasMasaRayos ekisStephen HawkingTeoriyang pangkalahatang relatibidad

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Chiang Kai-shekCagayanVice GandaPalawanPatinigDatuBuwisBatasUnang PahinaPilosopiyaJose P. LaurelEhekutibong sangaySus scrofaDinagyangPanloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladJovito SalongaManuel RoxasPelikulang katatakutanTanayPolusyonEroplanoRamon MagsaysaySitawMarie AntoinetteHeneral SantosSeksuwalidad ng taoRodriguezTalaan ng mga lindol sa PilipinasKababaihan sa PilipinasKarahasanKagat ng alupihanIslamTuberkulosisHimagsikang PransesNobelaEksomunyonBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosPagtotrosoMartsa ng Kamatayan sa BataanPaterosImplasyon (presyo)Katauhang pangkasarianGaslightingJosefa Llanes EscodaKulturaDaigdigTimog AsyaBudhiKonstruksiyonPanitikan sa PilipinasTalasalitaanAraw ng KagitinganPananampalatayaDagatAlden RichardsBastosGonoreaLea SalongaUlanEspiritwalidadTeoryaDigmaang MalamigPanghalipWency CornejoDigmaanArsobispoSingkamasIskwalang panubokLiwasang RizalKongreso ng PilipinasHermano PuleHimagsikanAltapresyonSoberanyaEpikoTaiwanKalayaan ng mga mamamahayagHagdan-hagdang Palayan ng BanawePandemya ng COVID-19 sa Pilipinas🡆 More