Bilingguwalismo

Ang bilingguwalismo ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng paggamit ng hindi kukulang sa dalawang wika ng tao.

Hindi ito tiyak sa mga bata at matanda sapagkat ang paggamit at kagalingan ng santao sa bawat wika ay maaaring magbago batay sa pagkakataong maaaring gamitin ang mga wika at sa pagiging lantad sa ibang mga wika. Batay ito sa mga tagpuan, pangyayari, kagalingan, gawi at panahon.

Sa Pilipinas

Umusbong ang pagiging maalam sa dalawa o higit pang wika sa Pilipinas. Bago makarating ang mga taga-Espanya, ang nangibabaw na mga wika-pangkalakalan ay ang Bisaya, na binigkas sa kapuluang Kabisayaan, ang Kapampangan, na binigkas sa kilala ngayon bilang Gitnang Luzon, at ang Pangasinan at Iloko, na parehong binigkas sa Hilagang Luzon.[kailangan ang sanggunian]

Hanggang ngayon, maraming mga wika ay binibigkas sa Pilipinas. Humigit-kumulang na nasa 175 ang bilang ng mga wika na nasa bansa. Ang mga pinakakinikilalang wika ay ang AklanonBikolCebuanoChavacanoHiligaynonIbanagIlokoIbatanKapampanganKinaray-aMaguindanaoMëranawPangasinanSambalSurigaononTagalogTausugWaray, at Yakan.

Pamamahagi sa Daigdig

Ang mga taong may alam sa dalawang wika lamang nang mahusay ay humigit-kumulang na apatnapu't tatlong porsiyento (43%) sa ating daigdig. Ang mga taong may alam sa isang wika lamang ay kumakatawan sa apatnapung porsiyento (40%) ng sangkatauhan, habang ang mga taong may alam sa dalawa o higit pang wika ay halos animnapung porsiyento ng mga tao sa daigidig (60%). Ayon sa pagsisiyasat, ang mga bansang karamihan ay nagsasalita ng Ingles (tulad ng USA, UK, Bagong Zealand at Australia) ay kung saan tumitira ang mga may-alam sa isang wika lamang. Ito ay dahil ayon sa kanila, hindi gaano kahalaga ang pagkikilanlan ng isang pangalawang wika.

Uri

May dalawang uri ng bilingguwalismo na kilala ngayon.

  1. Ang Bilingguwalismong Sabayan. Nagaganap ito kapag ang isang bata ay makararanas ng dalawang wika nang sabayan at makahulugan. Kadalasan, sa bata, ang dalawang wika ay pantay sa kahusayan.
  2. Ang Bilingguwalismong Sunuran. Nagaganap ito kapag ang isang tao ay makararanas ng pangalawang wika nang makabuluhan, ngunit pagkatapos makilala ang unang wiki. Karaniwan, ito ay pagkatapos ng tatlong taong gulang.

Kapakinabangan ng Kasanayang Ito

Maraming mga maaaring sabihin na kalamangan kapag nakatuto ang isang tao, bata man o matanda, ng dalawa (o higit pang) wika. Ilan sa mga ito ang pagtututo ng mga bagong salita nang mas mabilis at pagkakaroon ng isa o higit pang pamamaraan ng pag-uugnay sa mga ibang tao.

Sanggunian

Tags:

Bilingguwalismo Sa PilipinasBilingguwalismo Pamamahagi sa DaigdigBilingguwalismo Kapakinabangan ng Kasanayang ItoBilingguwalismo SanggunianBilingguwalismo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Criza TaaGuroHuling PaalamGloria Macapagal ArroyoPanulaanSalawikainTaguigKoridoNoli Me TangereEhekutibong sangayMga rehiyon ng PilipinasRebolusyong EDSA ng 1986PangasinanMga isyu sa kapaligiran sa PilipinasQuezonBangungotMarilaoo1lcpPagbabago ng klimaPangulo ng PilipinasRelihiyonAlak-alakanHimagsikang PilipinoHermano PuleEl NiñoUnang Digmaang OpyoPangungusapKasaysayanSikolohiyang PilipinoAlpabetong FilipinoNoto Teodora Realonda y QuintosAnayKalesaLeonor RiveraBoracayTelebisyonLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiNepotismoAlamatPartidong pampolitikaPag-atake sa Pearl HarborBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasLikas na yamanIlocosTsokolateng burolLiyabePatutotWalisGarapataMalabonBibliyaSingaporeWikang FilipinoMga IgorotGonoreaLuwadAswangPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasEkonomiyaImplasyon (presyo)San Jose del MonteTulay ng San JuanicoNavotasBarangayIndiyaKagawaran ng AgrikulturaDagatMandaluyongMoralidadPenomenolohiya (pilosopiya)TeoryaPigsaSarsuwelaMag-aaralPag-aaklas sa Kabite ng 1872Malakas at MagandaKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaKuwentong-bayan🡆 More