Aklat Ni Judit

Ang Aklat ni Judit o Aklat ni Judith ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Lumang Tipan ng Bibliya

Paglalarawan

Ibinatay ang pangalan ng aklat kay Judit, isang babaeng Israelitang itinuturing na bayaning banal at magiting na tagapagligtas ng Betulia, isang bayang nasa bundok. Sinasabing "larawan ng Mahal na Birhen" si Judit. Pinaniniwalaan na isang tunay na kasaysayan ang aklat na ito, subalit noong ika-16 na daantaon may mga nagsabing likhang-isip lamang ang mga nilalaman nito na kinapapalooban ng mabuting aral. Kaya't binanggit ng Simbahang Katoliko na hangga't hindi napapatotohanan ang pagiging kathang-isip ng akda, ituturing itong isang tunay na kasaysayan.

Wika

Bagaman walang katiyakan kung anong wika unang naisulat ang aklat na ito, pinaniniwalaang orihinal itong nailahad sa pamamagitan ng wikang Ebreo.

Pagsasalin

Aklat Ni Judit 
Si Judit habang pinupugutan ng ulo si Heneral Helofernes. Iginuhit ni Caravaggio ang larawang ito.

Nagmula ang mga pangkasalukuyang salin ng aklat na ito sa isinagawang pagsasalin ni San Jeronimo mula sa siping nasa wikang Arameo patungong wikang Griyego, at maging sa Vulgata. Katulad ng pagsasalin ginawa ni San Jeronimo sa Aklat ni Tobias, isinalin niya ang Aklat ni Judit sa isang upo lamang. May pagkakaiba sa ilang mga bagay ang mga pangkasalukuyang salin at ang mga pinakaunang salin, subalit may pagkakaisa ang kanilang nilalaman.

Nilalaman

Nilalahad ng Aklat ni Judit ang salaysay tungkol sa hari ng mga Asirio - si Nabucodonosor - na nagkaroon ng hangad na sakupin ang lahat ng mga kabansaan. Ibig niyang gawin ito upang kilalanin siyang hari at diyos ng mga bayan-bayan. Para maipatupad ang mga pananakop na ito, isinugo niya si Heneral Holofernes. Ang bayang Media, na pinaghaharian ni Arfacsad, ang unang nagapi at nasakop, at nasundan ng iba pang mga bansa. Natalo ni Judit ng bayang Betulia si Heneral Holofernes.

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Tags:

Aklat Ni Judit PaglalarawanAklat Ni Judit WikaAklat Ni Judit PagsasalinAklat Ni Judit NilalamanAklat Ni Judit Mga sanggunianAklat Ni Judit Panlabas na kawingAklat Ni JuditBibliyaLumang Tipan

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KawayanTalaan ng mga lindol sa PilipinasPanaboTulinganSeksuwal na panliligaligTaguigHeneral Luna (pelikula)PamilyaHinduismoPagpapalaglagTukoLabanan sa BritanyaKinaltas na Kabanata ng Noli me TangereSimple random samplingCagayan de OroMaynilaKaranasanCaloocanMagsasakaTalaan ng mga sakuna sa PilipinasKundolTalasalitaanTahananIlogKapeng barakoKoridoMakatiOrasanWalisTalataanTagtuyotTuberkulosisTempo (musika)Komisyon sa Mas Mataas na EdukasyonAnak (pelikula)AgrikulturaMga pangkat etniko sa PilipinasUrdanetaJosefa Llanes EscodaGonoreaPaterosGomburzaPandemya ng COVID-19EkonomiyaUnyong EuropeoSugalPakikipanayamProduksiyon ng bigas sa PilipinasKorupsiyon sa PilipinasAklanMonarkiyaÑPasismoKolonyalismoPunlaJulian BanzonManokLipunanPagkamakabansaBastosTaiwanNagkakaisang BansaUnited KingdomBulkang TaalPaaralanPamahalaan ng PilipinasNoli Me TangereBantasMoro-moroManuel RoxasBalisawsawGaleon ng MaynilaPasigBacolodNegosyoSabwatan ng TondoSakit sa pag-iisip🡆 More