Aklat Ng Karunungan

Ang Aklat ng Karunungan o Ang Karunungan ni Solomon ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya, na nasusulat sa wikang Griyego.

Mga Aklat ng Bibliya

Dahil nasa Griyego, hindi ito kabilang sa kanon ng mga Hudyo.

May-akda

Hindi nakikilala ang kung sino ang sumulat ng Aklat ng Karunungan. Ngunit nalalamang kasapi siya sa isang maliit na bansang kinabibilangan ng mga Hudyo sa Alejandria, Ehipto. Paminsan-minsang ginagamit ng may-akda sa kaniyang pagsulat ng akdang ito ang katauhan ni Haring Salomon. Ginawa niya ito para magkaroon ng diin ang kaniyang pangangaral.

Panahon

Isinulat ang aklat na ito noong 100 BK.

Katangian

Ginamitan ito ng may-akda ng mga kaugalian ng mga Hudyo at ng mga pilosopiya ng mga Griyego. Nagtuturo ang aklat ng pananaw na ang nagbibigay ang Diyos ng gantimpala sa mga matapat sa kaniya. Kinalalangkapan ang aklat ng mga bahaging gamit para sa liturhiya ng Katolikong Iglesya. Isang masinsinang paghahanda sa mga pangaral ni Hesus at ng kaniyang Simbahan ang unang sampung kabanata.

Layunin

Isa sa mga layunin ng may-akda ng aklat na ito ang pagtibayin ang kalooban ng kaniyang mga kababayan pagkaraan ng paghihirap at pagkaapi habang nasa Babilonia. Kailangang magkamit ang mga mamamayan ng mga karunungang maka-Diyos na magagamit sa pagtatagumpay ng bayang Ebreo. Ipinakikita rin dito ang pagkabigo ng mga bansang Sodoma, Ehipto, at Canan dahil sa kawalan ng karunungan.

Nilalaman

Binubuo ang Aklat ng Karunungan ng limang mga bahagi:

    • Gantimpala ng Katarungan (1,1 - 6,21)
    • Pagpuri ni Salomon (6,22 - 11,1)
    • Tanging Pamamahala ng Diyos sa Pagtakas ng Israel (11,2 - 12,27)
    • Kahangalan at kahiya-hiya ang Pagsamba sa mga diyus-diyosan (13,1 - 15,17)
    • Pamamahala ng Diyos sa Panahon ng Pagtakas (15,18 - 19,22)

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Tags:

Aklat Ng Karunungan May-akdaAklat Ng Karunungan PanahonAklat Ng Karunungan KatangianAklat Ng Karunungan LayuninAklat Ng Karunungan NilalamanAklat Ng Karunungan Mga sanggunianAklat Ng Karunungan Panlabas na kawingAklat Ng KarununganBibliyaLumang TipanWikang Griyego

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Jaime L. SinSelosTugtuging pambayan sa PilipinasBenigno Aquino IIIHumanismoHadhadDiosdado MacapagalTambakolWikang TagalogPangako Sa 'YoDyords JavierNueva EcijaMakatiAlkoholismoNur MisuariLGBTEmperador MeijiLihamIlustradoKetongEDSATanayKilusang PropagandaWikang FilipinoIndustriyaKabiteSakit na bipolarSan Juan, Kalakhang MaynilaChatGPTTalaan ng mga lindol sa PilipinasKasingkahuluganSoberanyaKalakalanKuomintangGaleon ng MaynilaDagatSalagubangMiss Universe Philippines 2024Ningas-kugonKorupsiyonMga lungsod ng PilipinasKapuluang SpratlyMIMAROPAKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)Kalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaPedro PaternoGitaraBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasKasarianPanloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladPalarong PambansaAti-AtihanMga Ibong MandaragitAparriBantasAgusan del SurPangulo ng Estados UnidosTitiKomisyon sa HalalanCorazon AquinoEutanasyaPilipinoSergio OsmeñaBenito MussoliniBenigno Aquino Jr.Martsa ng Kamatayan sa BataanKapangyarihang AksisGraciano López JaenaKagat ng asoEspiritwalidadKoridoKomisyon ng Karapatang PantaoMoralidadKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)AnekdotaTimog-silangang AsyaTala ng mga taon🡆 More