Heolohiya

Ang heolohiya (na tinatawag ding dignayan o paladutaan) ay isang likas-agham na sumasaklaw sa pag-aaral ng daigdig at iba pang solidong bagay sa kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ang mga ito, at ang mga proseso ng kanilang panloob at panlabas na pagbabago.

Heolohiya
Mga salansan ng bato sa Siccar Point sa Eskosya, Reyno Unido na inaral ni James Hutton at naging susi sa pagbubuo ng modernong heolohiya

Iba't ibang pamamaraan ang ginagamit ng mga Wiki Tagaloghealogo o heolohista upang maunawaan ang istruktura at ebolusyon ng daigdig tulad ng paglalarawan ng mga bato, pagsasagawa ng field work o pagsisiyasat sa kapaligiran, mga kaparaanang heopisikal, mga kimikal na pagsusuri, mga eksperimento, at pagmomodelo gamit ng kompyuter. Ilan sa mga praktikal na silbi at aplikasyon ng dignayan ay ang pagtuklas sa mga rekursong mineral, krudo, tubig, mga likas na panganib tulad ng lindol at pagguho ng lupa, at mga suliranin sa kalikasan.

Kasaysayan

Sa panahon pa man ng sinaunang Gresya at sinaunang Roma, mayroon nang mga nagsasagawa ng pagsasapantaha kaugnay ng katangian ng mga bato. Ilan sa kanila ay si Theophrastus, si Matandang Pliny, at si Aristotle Samantala, ang mga sinaunang pantas mula sa Persya na sina Abu al-Rayhan al-Biruni at Avicenna ay nagsulat ng mga ipotesis kaugnay sa pinagmulan ng mga kontinente at bundok at dahilan ng mga lindol. Sa sinaunang Tsina naman, nagbigay ng ipotesis ang pantas ni si Shen Kuo hinggil sa pinagmulan ng mga kabibe sa isang bundok na ilang daan ang milya mula sa dagat.

Heolohiya 
Instrumentong panukat ng lakas ng lindol na ginamit ng mga Intsik noong panahon ng dinastiyang Han

Noong ika-17 at 18 dantaon naman umusbong ang modernong dignayan. Ilan sa mga susing prinsipyo nito na inilathala sa mga panahong iyon ay ang batas ng superposisyon, prinsipyo ng orihinal na pagkakapahalang, at ang prinsipyo ng lateral na pag-ilid ng lupa, na lahat ay pawang isiniwalat ng tubong Denmark na pantas na si Nikolas Steno. Noong 1785 naman, inilathala ng siyentistang Eskoses na si James Hutton ang kanyang ideya na higit pang mas matanda kaysa sa sinasabi sa bibliya ang tunay na edad ng daigdig batay sa kanyang obserbasyon ng bagal ng pagkakadurog ng mga bato sa bundok at muling pagkakaipon at pagtigas ng mga nadurog na graba sa ilalim ng mga dagat.

Heolohiya 
Sipi ng aklat ni Nikolas Steno

Si Hutton din ang unang nagpaliwanag sa konsepto ng uniformitarianismo na nagsasaad na ang mga prosesong heolohikal sa kasalukuyan ay umiiral din sa mga panahong nagdaan na. Pinalaganap naman ni Charles Lyell ang uniformitarianismo noong dekada 1830, na siya namang makaiimpluwensiya sa pagkakabuo ng teorya ng ebolusyon nina Alfred Wallace at Charles Darwin. Kamakalawa, napatunayan sa pamamagitan ng pagsusukat ng mga isotope na 4.6 bilyong taong gulang na ang daigdig, malayong-malayo sa sinasaad ng taong-simbahan noon. Umusbong din ang modernong agham ng paleontolohiya o pag-aaral ng labi ng sinaunang buhay noong panahong iyon. Ilan sa mga kilalang nag-ambag sa larangan ng paleontolohiya mula sa panahong ito ay ang Briton na si Mary Anning na nakatuklas ng labi ng Ichthyosaur .

Mula naman sa dekadang sakop ng 1910 hanggang 1930, natuklasan naman ang heopisikal na ebidensya ng pagkakaroon ng iba't ibang magkakapatong na suson ang interyor ng daigdig. Samantala, noong 1912, iminungkahi ng Aleman na si Alfred Wegener ang ipotesis na Continental Drift o ang dahan-dahang paghihiwalay ng mga kontinente sa isa't isa . Bagaman binalewala ng mga siyentista ang ipotesis na ito ni Wegener, muli na namang naungkat ang usapin ng dating pagkakaugnay-ugnay ng mga kontinente nang noong dekada 1960s, natuklasan ang ebidensya ng paglapad ng ilalim ng dagat Kamakalawa, ang pagkakatuklas ng penomenong ito, ang pagkakatuklas ng palupo ng mga bulkan na gumuguhit pagitna sa ilalim ng mga karagatan, at ang pagkakatuklas na walang bato mula sa mga kasalukuyang sahig ng dagat ay mas matanda sa 200 milyong taon ay nagbunga sa pagkakabuo ng, at malaganap na pagtanggap sa, teorya ng Plate Tectonics pagsapit ng dekada 1980s.

Kasaysayan ng Dignayan sa Pilipinas

May mahabang kasaysayan ng pagmimina at pagproseso ng ginto, tanso, at bakal sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, bagaman hindi kasing-laganap kumpara sa mga kanugnog nitong mga kabihasnan. Sa pamamagitan ng ilang siglo ng praktika at pakikipagkalakal sa mga dayuhan, nagkaroon ng katutubong kaalaman ang mga sinaunang Pilipino hinggil sa mga pinagkukunan at pagkuha ng kanilang yamang mineral, kaalamang kanilang ipinasa sa mga sumunod na salinlahi at nabatid ng mga kolonyalistang Espanyol nang sila ay kanilang nakasalamuha.

Noong panahon ng mga Espanyol, mahigpit na nakakawing ang noo'y impormal na pag-aaral ng dignayan sa pagnanais ng kolonyal na pamahalaan na makahanap ng suplay ng ginto at bakal. Pagsapit ng ika-19 dantaon, naging mas sistematiko ang kolonyal na pamahalaan sa paghahanap ng pagkukunan ng bakal, tanso, karbon at iba pang rekursong mineral sa pamamagitan ng pagtatatag ng Inspeccion General de Minas noong 1837. Samantala, noong dekada 1880s, sinimulan ng Observatorio Meteorológico de Manila na noo'y nasa pamumuno ng mga Heswita ang pagmamanman, pagtatala, at paglalarawan ng mga lindol. Ang Espanyol na si Saderra Masó, isa sa mga paring Heswita na kawani ng nasabing obserbatoryo na kalauna'y naging Kawanihan ng Panahon, ang isa sa mga unang modernong heolohista sa Pilipinas. Isa siya sa mga unang nagsagawa ng siyentipikong paglalarawan ng pagputok ng bulkang Taal.

Heolohiya 
Mapa ng mga naganap na lindol sa Pilipinas mula 1862-1909 na binuo ni Fray Saderra Maso.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, itinatag nila ang Kawanihan ng Minas noong 1903 na siyang magiging Kawanihan ng Pagmimina at Agham-Panlupa sa kasalukuyan. Itinatag naman sa Unibersidad ng Pilipinas ang Departamento ng Heograpiya at Dignayan, ang pinakaunang institusyong nagturo ng dignayan sa bansa; noong 1936 lamang ito pinamunuan ng isang Pilipino, ang pensionado na si Jose Maria Feliciano, na nagtapos ng kanyang doctorate sa Geology sa Unibersidad ng Chicago. Si Feliciano rin ang unang nahalal na pangulo ng Kalipunan ng Heolohiya sa Pilipinas. Sa rekomendasyon ni Feliciano at bilang tugon sa pagputok ng bulkang Hibok-Hibok sa Camiguin, itinatag ang Komisyon sa Bolkanolohiya na siya namang pinagmulan ng kasalukuyang Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya.

Mga pangkalahatang sangay

Napakaraming sangay ng dignayan. Ang ilan sa mga sangay na ito ay ang mga sumusunod:

Ang heolohiyang pang-ekonomiya, halimbawa, ay isang mahalagang sanga ng heolohiya na tumutukoy sa iba't ibang aspeto ng mga mineral pang ekonomiya na ginagamit ng tao para sa kanyang mga kailangan. Ang mga mineral na pang-ekonomiya ay ang puwedeng makuha para maibenta. Ang mga healogong pang-ekonomiya ay tumutulong maghanap at mag-asikaso sa mga natural na kayamanan ng ating mundo katulad ng petrolyo at karbo pati na ang mga kayamanang mineral tulad ng bakal, tanso at uranium.

Ang healogong pam-petrolyo ay nag-aaral ng mga lokasyong sa ibabaw ng mundo na maaaring pagkuhanan ng krudo na siyang pinoproseso bilang petrolyo at sabay na pinagkukunan ng natural na gasolina. Dahil maraming imbakan ng mga ito ay nakikita sa sedimentary basins, pinag-aaralan nila ang pormasyon ng mga ito, pati na ang kanilang ebolusyong tektoniko at sedimentaryo.

Mga kaparaanan at pangunahing kagamitan

Pangunahing isinasagawa ng mga healogo ang field work o paglabas sa kapaligiran upang kumuha ng datos tulad ng identidad ng mga bato sa isang lugar. Batay sa mga naobserbahang distribusyon ng iba't ibang uri ng bato at heolohikal na istruktura sa isang lugar, gagawan nila ito ng mapang heolohikal Mula sa heolohikal na mapa ay maaaring makagawa ng mga cross-section upang mabigyang kahulugan ang heolohikal na kasaysayan ng lugar na pinuntahan at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga bato sa isa't isa, at mabatid ang mga lugar na maaaring peligroso o mayaman sa partikular na rekurso, depende sa layunin ng pagmamapa. Para mas masigurong ang identidad ng mga batong natukoy sa parang, karaniwang kinukuhaan ng piraso ang bato upang panipisin at pakinisin bago tingnan sa ilalim ng ispesyal na mikroskopyo na tinatawag na petrolohikal na mikroskopyo. Maaari ring magsagawa ng iba pang mas palasak na obserbasyong heopisikal at heokimikal ang mga healogo tulad ng paggamit ng ground-penetrating radar, sarbey aeromagnetiko, at pagsusukat ng konsentrasyon ng yamang mineral (assaying sa Ingles), depende sa pangangailangan o layunin ng kanilang pagsisiyasat. Isa ring karaniwang gawain sa dignayan ay ang pailalim na pagbarena ng lupa, bato, o putik upang makakuha ng muwestrang kailangan nilang suriin.

Mga Sanggunian

Tags:

Heolohiya KasaysayanHeolohiya Mga pangkalahatang sangayHeolohiya Mga kaparaanan at pangunahing kagamitanHeolohiya Mga SanggunianHeolohiyaBato (heolohiya)Daigdig

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PamahalaanBatasMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasSorbetesPamilihanPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasMga rehiyon ng PilipinasCorazon AquinoAbakaImpeksiyon sa daanan ng ihiSistemang padrinoPagtotrosoGamugamoDigmaang MalamigKomunismoTalaan ng mga sakuna sa PilipinasDuhatLos BañosAgrikultura sa PilipinasPananakit ng bayagKilusang PropagandaKapangyarihang AksisRaffy TulfoGawad sa Manlilikha ng BayanWatawatSingaporeLGBTKapitalismoPasismoIndioPantabanganDiosdado MacapagalBiag ni Lam-angPaglilimbagBenigno Aquino IIIDatosLuwadPalawanFrancisco BalagtasTalabaDekada '70 (nobela)NAMFRELPolitikaPang-ukolTaguigAbogadoFlorante at LauraTempo (musika)Impluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoBangko Sentral ng PilipinasPhilippine Human Rights Information CenterSultanato ng MaguindanaoProklamasyon Blg. 1081KalikasanSaknongPandiwaBulutung-tubigBicolKilusang Bagong LipunanKolonyalismoBuwitreSandatahang Lakas ng PilipinasBenigno Aquino Jr.MakataTalinghagaTaripaLihamKahirapanKorupsiyon sa PilipinasGuroLaroBoholJoseph StalinLualhati BautistaAnyong tubigEmilio Jacinto🡆 More