Heomorpolohiya

Ang heomorpolohiya (Ingles: geomorphology, mula sa Griyego: γῆ, ge, mundo; μορφή, morfé, porma; at λόγος, logos, pag-aaral) ay makaagham na pag-aaral ng mga anyo ng lupa at mga prosesong humuhubog sa mga ito.

Nilalayong maunawaan ng mga heomorpologo o heomorpolohista ang kung bakit nagkakaganoon o nagkakaganito ang anyo ng kapaligiran: upang maunawaan ang kasaysayan at mga lakas o puwersa na nagdudulot ng pagbabago o paggalaw ng porma o hubog ng lupain, at makapanghula ng hinaharap na mga pagbabago sa pamamagitan ng kumbinasyon ng obserbasyon ng pook, pisikal na eksperimento, at numeriko o may bilang na pagmomodelo. Isinasagawa ang heomorpolohiya sa loob ng heograpiya, heolohiya, heodesya, heolohiyang pang-inhinyeriya, arkeolohiya, at inhinyeriyang heoteknikal. Ang maaagang mga pag-aaral sa heomorpolohiya ang pundasyon ng pedolohiya, isa sa dalawang pangunahing mga sangay ng agham ng lupa. Ang mas kamakailang mga pag-aaral sa heomorpolohiya, na pinasimulan at pinatanyag ni Henry Posamentier, ang nagsasanib ng heomorpolohiyang seismiko at estratigrapiyang seismiko, na tumataban kapwa sa mga datong seismiko na 2D at 3D upang mas maunawaan ang distribusyon o pamamahaging paleograpiko ng mga litolohiya.

Heomorpolohiya
Anyong lupa "Cono de Arita", Salta (Arhentina).

Nagaganap o umuunlad ang mga anyo ng lupain bilang tugon sa isang pagsasama ng likas at antropohenikong mga proseso. Ang anyo ng kapaligiran ay nabubuo o nahuhubog sa pamamagitan ng pataas na pag-angat na tektoniko at bulkanismo. Nagaganap and denudasyon sa pamamagitan ng erosyon at pagpapalalang bultuhan, na gumagawa ng mga sedimentong nadadala at nasasadlak o nalalagay sa loob ng anyo ng paligid o sa labas ng dalampasigan. Napapababa rin ang mga anyo ng kapaligiran sa pamamagitan ng paglubog o paghupa (subsidensya), maaaring dahil sa pagbabagong tektoniko o pisikal sa loob ng nakapailalim na mga depostiong sedimentaryo. Ang bawat isang ganitong mga proseso ay naiimpluwensiyahang paiba-iba ng klima, ekolohiya, at gawain ng tao.

Kabilang sa mga praktikal na mga napaggagamitan o aplikasyon ng heomorpolohiya ang panunubok o pagtantya ng peligro o panganib kabilang na ang panghuhula ng lindol at mitigasyon (pagbabawas o pagpapatighaw ng lakas o katindihan), pagtaban o pagkontrol sa ilog at restorasyon, at proteksiyon ng mga dalampasigan.

Kaugnay ng heomorpolohiya ang paleoheomorholohiya, ang pag-aaral ng heomorpolohiya ng lahat o bahagi ng kalatagan ng mundo sa isa o ilang panahon sa nakalipas ng mundo.

Mga sanggunian


Heomorpolohiya Heomorpolohiya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Agham ng lupaAnyo ng lupaArkeolohiyaHeodesyaHeograpiyaHeolohiyaInhinyeriyang heoteknikalLogosPedolohiyaWikang Griyegowikt:γῆwikt:μορφή

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TekstoHaponGaleon ng MaynilaPekeng balitaKagawaran ng mga Pagawain at Lansangang BayanPaseguruhan ng mga Naglilingkod sa PamahalaanMatematikaSanta Maria, BulacanKolonyaTeknikal na pagsulatEuropaSan Jose del MonteNigeriaMga KrusadaYouTubeAristotelesBahaHukbalahapBalarilaKulugoWikang KastilaTeoryang pampanitikanKasoyKasaysayanDaliri sa kamayPang-aapi sa InternetPanlapiEstadoParagisSenado ng PilipinasPasismoUnang Digmaang OpyoAAALindolMangyanManuel L. QuezonTalambuhayKuliglig (Cicadidae)MarijuanaKaragatang Kanlurang PilipinasBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasLouis XVI ng PransiyaBulaklak ng MayoUrbana at FelizaPagkamakabansaIndustriyalisasyonKagat ng alupihanBatas militarKagawaran ng Paggawa at EmpleoBundok PinatuboPantayong pananawMga NegritoGladys GuevarraHimagsikang PransesBatangasIslamGitnang LuzonPagsusulatPagkalulong sa bawal na gamotTaripaPabulaKatauhang pangkasarianPagbabago ng klimaShe's Dating the GangsterBayagSuper Bagyong YolandaCoco MartinBabaeGregorio del PilarIkatlong Republika ng PilipinasPagkamalikhainFelix Resurreccion HidalgoKagawaran ng Ugnayang PanlabasBataan Nuclear Power PlantKartilya ng KatipunanBadmintonVirgilio AlmarioHermano Pule🡆 More