Ang heograpiya (Kastila, Portuges: geografia, Ingles: geography) (mula sa Griyego γεωγραφία, geographia, literal na kahulugan: paglalarawan sa daigdig) ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.
Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194 BC). Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.
Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal. May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar. Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Heograpiya, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.