Wiking Tagalog

Ang Wikipediang Tagalog (Ingles: Tagalog Wikipedia) ay ekslosibong edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog sa Pilipinas, ay nagsimula noong Disyembre 2003.

edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog

Ito ay may 47,177 artikulo, at ito ang ika-103 pinakamalaking Wikipedia ayon sa bilang ng artikulo pagsapit ng Abril 24, 2024.

Favicon ng Wiki Wikipediang Tagalog Wikipediang Tagalog
Tandang pagkakakilanlan ng Wikipediang Tagalog
Screenshot
Unang Pahina ng Wikipediang Tagalog
Uri ng sayt
Proyektong Ensiklopedya sa Internet
Mga wikang mayroonTagalog
Bansang pinagmulanWikipediang Tagalog Pilipinas
May-ariPundasyong Wiki
URLtl.wikipedia.org
Pang-komersiyo?Hindi
PagrehistroHindi sapilitan
Nilunsad1 Disyembre 2003
(20 taon na'ng nakalipas)
 (2003-12-01)
Kasalukuyang kalagayanAktibo

Kasaysayan

Sinimulan ang Wikipediang Tagalog, Ang Malayang Ensiklopedya, noong Disyembre 2003[kailangan ng sanggunian] bilang unang Wikipedia sa isa sa mga wika ng Pilipinas.

Pagsapit ng Pebrero 3, 2011, ito ay may higit sa 50,000 artikulo. Bantayan, Cebu ang naging ika-10,000 artikulo noong Oktubre 20, 2007 habang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 artikulo noong Disyembre 24, 2007. Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pansopwer ng Wikipediang Tagalog noong 6 Pebrero 2009.

Noong 2011, naging bahagi ang Wikipediang Tagalog ng WikiHistories fellowship, isang proyekto sa pananaliksik ng Pundasyong Wiki. Sinusubok ng proyekto ang paglahad ng mga tagumpay, kabiguan, at pang-araw-araw na pakikibaka ng mga patnugot na nagsusumikap na maging ganap ang pangarap na pandaigdigang pagbabahagi ng kaalaman.

Estadistika

Dahil sa pabura ng mga maiikling arikulo na nagsimula noong 2018, naging nasa baba ng 45,000 ang bilang ng artikulo ayon noong Disyembre 2022.

Mga unang hakbang ng Wikipediang Tagalog

Ang unang naikargang artikulo ay Wiki (maliban sa Unang Pahina), noong Marso 25, 2004. Noong maluwag pa ang pamantayan ng Wikipediang Tagalog, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika (ayon sa nabagong pamantayan). Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw. Kung tutuusin, ang unang napiling artikulo na nanatili pagkatapos ng pagsusuri ay tungkol sa keso.

Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ni San Vito.

Ang tatlong unang artikulong pang-Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro, at Pilipinas. Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews (Wikibalita) noong Disyembre 19, 2007. Nagkaroon ng seksiyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong 2 Abril 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong 3 Mayo 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.

Mga katangian

May ilang mga katangian ang Wikipediang Tagalog na nagpapaiba ito sa ibang mga edisyong pangwika ng Wiki Tagalog. Ayon kay Michael Tan, isang Wiki Tagalogantropologong Filipino at kolumnista sa Philippine Daily Inquirer, malakihang umaasa ang Wikipediang Tagalog sa UP Diksiyonaryong Filipino para sa saligang mga kahulugan. Bagamat nakatuon ito sa wikang Tagalog, mayroon itong mga pahina na nagbibigay ng gabay sa mga hindi gumagamit ng wikang Tagalog para sa mga bagay na may kinalaman sa proyekto.

Saklaw ng edisyon

Ang Wikipediang Tagalog ay may mahalagang saklaw ng mga paksang may kinalaman sa Pilipinas, gayon din sa mga paksang may kinalaman sa anime at manga. Noong 2010, naglabas ang GMA News and Public Affairs ng isang ulat na pumupuna sa kakulangan nito ng mga artikulong may kinalaman sa agham.

Pangalan ng proyekto

Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista sa Tagalog at Ingles na mga Wikipedia, ang Wikipediang ito'y kumakatawan sa wikang Filipino. Ayon naman sa Vibal Foundation, isang pundasyon na pinasimunuan ang WikiPilipinas, magkaiba raw ang tinayo nitong wiki na WikiFilipino sa Wikipediang Tagalog dahil gumagamit ang WikiFilipino ng Filipino at Tagalog naman ang Wikipediang Tagalog. Ang pagkakaiba o pagkakapareho ng Tagalog sa Wikipedia ang naging sanhi ng isang pagtatalo ng mga tagagamit sa pangalan ng proyekto. Nabanggit ang pagtatalong ito sa isang artikulo ng DILA (Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago), isang samahan na ipinagtatanggol ang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Kumpara sa ibang edisyong Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas

Mas kakaunti ang mga artikulo sa Wikipediang Tagalog kumpara sa Wiking Sebuwano, ang pinakamalaking edisyon ng Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas, na may higit sa 6,119,000 artikulo sa kasalukuyan, at ang Wiking Waray, na may higit sa 1,266,000 artikulo. Ang lalim ng Wikipediang Tagalog ay 147.84 kumpara sa 4.25 para sa Wikipediang Waray at 2.18 para sa Wikipediang Sebuwano, pagsapit ng Abril 24, 2024. Ayon sa aktibong tagagamit, ito ay may 152, kumpara sa 147 sa Wikipediang Sebuwano at 66 sa Wikipediang Waray.

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Wikipediang Tagalog  Gabay panlakbay sa Filipino phrasebook mula sa Wikivoyage

Tags:

Wikipediang Tagalog KasaysayanWikipediang Tagalog Mga katangianWikipediang Tagalog Kumpara sa ibang edisyong Wikipedia sa wikang nakabase sa PilipinasWikipediang Tagalog Tingnan dinWikipediang Tagalog Mga sanggunianWikipediang Tagalog Mga kawing panlabasWikipediang TagalogPilipinasWikang InglesWikang TagalogWikipedia

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

LalakiBundok ApoNoli Me TangereOpyoKomisyon ng Karapatang PantaoLimang Haligi ng IslamHIVTayutaySaligang batasPosisyong papelSanggunianBagyoSekularisasyonFreddie AguilarRaffy TulfoArko ni NoeMamagSalawikainKasanayanPaglilimbagKrisis sa MarawiGonoreaElpidio QuirinoKalabawBenigno Aquino IIIDigmaang MalamigPatakarang bukas na pintoTitiBarong TagalogKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)Panloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladSurotKasoyPag-ibig sa Tinubuang LupaTamblotDulaPamamanhikanPagsasalinPananampalatayaDamdaminLuha ng BuwayaDekada '70 (nobela)AlyansaKalakhang MaynilaPagkamatay ng magkapatid MaguadAurora (lalawigan)Artipisyal na katalinuhanMonarkiyaFranklin D. RooseveltBarangayBawal na gamotKomunismoBantasSalitaUnang PahinaBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?Aung San Suu KyiPagmamanupakturaKorupsiyonU NuKatas ng pukeAmado V. HernandezGregoria de JesusPandaigdigang Organisasyon ng PangangalakalIndonesiaLindsay de VeraGabi (gulay)PantasyaBuwan ng WikaBuwitreAspinIslam sa PilipinasAgusan del SurIdeolohiyang pampolitikaPanunuholPananahiKaibiganKulugo🡆 More