Photocopier

Ang photocopier (bigkas /fó·to·ká·pi·yer/; pinapaiking copier ; tinatawag ding copy machine ), ay isang makina o aparatong gumagawa ng mga kopyang papel ng mga dokumento, pahina ng mga papeles, at iba pang mga larawang nakikita, sa mabilis na paraan at murang halaga.

    Tungkol ito sa isang makinang gumagawa ng kopya. Para sa may kaugnayan sa pagsasalin ng wika, pumunta sa tagapagsalinwika.

"pangopya"]; tinatawag ding copy machine [lit, "aparatong pangopya"]), ay isang makina o aparatong gumagawa ng mga kopyang papel ng mga dokumento, pahina ng mga papeles, at iba pang mga larawang nakikita, sa mabilis na paraan at murang halaga. Karamihan sa pangkasalukuyang mga photocopier ang gumagamit ng teknolohiyang tinatawag na xerograpiya o elektropotograpiya, isang tuyong paraan o prosesong ginagamitan ng init. Mayroon ding mga pangopyang gumagamit ng ibang uri ng teknolohiya, katulad ng panlimbag na inkjet, ngunit isang pamantayan para sa mga pangkopyang pang-opisina ang xerograpya. Palasak na natatawag ang kopyador na ito, ang paraan ng pagkopya, at ang mismong kopyang nagawa sa pamamagitan ng isang natatanging proseso ng reproduksiyon bilang "xerox", bagaman isa itong pangalan ng kompanyang gumagawa ng mga makinang pangkopya.

Photocopier
Isang makinang pangopya.

Noong dekada ng 1960, ipinakilala ng kompanyang Xerox ang pagkopyang xerograpiko para sa mga kawanihan o tanggapan. Sa loob ng dalawampung mga taon, unti-unti nitong napalitan ang mga kopyang gawa ng Verifax, Photostat, papel na karbon, makinang pangmimeograpo, at iba pang mga makinang pangduplika. Ang paglaganap at pangibabaw na paggamit nito isa sa mga dahilan na naging balakid sa pag-unlad ng isang "opisinang walang papel" na maaagang inihayag noong rebolusyong dihital.

Malawakang ginagamit ang pagpopotokopya sa negosyo, edukasyon, at pamahalaan. Nagkaroon ng maraming mga hula na malaong hindi magiging uso ang mga pangopyang ito dahil patuloy na pagtaas ng bilang ng paggamit at pagpapakalat ng mga dokumentong dihital na nililikha at pinauunlad ng mga manggagawang pang-impormasyon o pangkabatiran, at mas kaunti na ang kanilang pagdepende o pagsandig sa pagpapamudmod ng mga kopyang talagang nakalimbag sa mga piraso ng papel.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Teknolohiya

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

GumamelaPagbabago ng klimaHerminio TevesJosephine BrackenRepublikang RomanoKagawaran ng TransportasyonIranResesyonPasigKatas ng pukeKalabasaIsabela (lalawigan)Kalakhang MaynilaUnang KrusadaPagsalakay sa BastilleBangkoSan Mateo, RizalTuluyanPangngalanPakikipagtalastasanBasuraDekada '70 (nobela)Tag-initPandaigdigang katubiganPiso ng PilipinasBautismoPanunumpa ng Katapatan sa WatawatBulkanMartsa ng Kamatayan sa BataanSeverino ReyesKabihasnan1872 Pag-aaklas sa KabitePangulo ng Estados UnidosManuel L. QuezonVisita IglesiaKanlurang AsyaMiguel López de LegazpiManokDuke ng WellingtonIkalawang Digmaang PandaigdigSistemang panghukumanRamon MagsaysayTekstoKaragatang Kanlurang PilipinasWikang KapampanganDigmaang NapoleonikoMiguel MalvarPetrarcaKuliglig (Cicadidae)Dambanang Rizal (Calamba)Santa Maria, BulacanKapitalismoNueva EcijaPista ng PanagbengaMahatma GandhiPang-ukolKompyuterKristiyanismoKolonyaKagawaran ng Repormang PansakahanPaunang lunasMga HudyoKagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at KomunikasyonHigadRodriguezInhenyeriyaImperyong OtomanoEtikaIskuwaterDasalan at TuksuhanDambanang AguinaldoBenigno Aquino IIIBagyong Paeng (2022)MonarkiyaBadjaoMusika ng PilipinasSayusayMarie Antoinette🡆 More