Paghaliling Apostoliko

Ang paghaliling apostoliko o apostolic succession ang inaangking ang hindi napatid na sunod sunod na mga paghalili mula sa apostol hanggang sa sa mga sunod sunod na obispo ng isang simbahan.

Ito ay inilarawan ng Arsobispo ng Canterbury na si Michael Ramsey(1961-1974) bilang:

  • Ang isang obispong humahalili sa isa pa sa parehong sede ay nangangahulugang may nagpapatuloy na katuruan: "Bagaman ang simbahan sa kabuuan ang tapayan na pinagbubuhusan ng katotohan, ang mga obispo ay mahalagang kasangkapan sa pagsasagawa ng gawaing ito".
  • Ang mga obispo ang mga kahalili ng mga apostol sa kadahilanang ang "mga katungkulang isinasagawa nila ng pangangaral, pangangasiwa at pagoordina ay katulad ng ginawa ng mga apostol.
  • Ito ay nangangahulugang ang biyaya ay naipasa mula sa mga apostol sa bawat henerasyon ng mga obispo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.

Isinaad ni Ramsey na ang huli ay kontrobersiyal dahil ang doktrinang ito ay hindi matatagpuan bago ang panahon ni Agustin ng Hipona.

Ang doktrinang ito ay binuo noong ika-2 siglo sa unang kahulugang ibinigay ni Ramsey. Ito ay bilang tugon sa mga pag-aangkin ng mga Kristiyanong Gnostiko noong ika-2 siglo na sila ay nakatanggap ng isang lihim na katuruan mula kay Kristo o mga apostol. Kalaunan lamang ito binigyan ng ibang kahulugan.

Ipinakilala nina Hegesippus (180? CE) at Irenaeus (180 CE) ang ideya ng paghalili ng isang obispo bilang garantiya ng katotohanan ng ipinangangaral nito sa kadahilianang ito ay mababakas pabalik sa mga apostol.

Mga halimbawa

Mga protestante

Ang mga Protestante ay tumututol sa doktrinang ito na kanilang sinasabing hindi matatagpuan sa Kasulatan. Ang Bagong Tipan ay gumagamit ng 'obispo' at 'presbitero' bilang alternatibong mga pangalan para sa parehong opisina. Sa karagdagan, kanilang isinaad na hindi ito matatagpuan sa mga kasulatan ng mga ama ng simbahan bago ni Agustin ng Hipona noong ika-4 siglo CE.

Simbahang Katoliko Romano

Inaangkin ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro na apostol ni Hesus ang unang obispo ng Roma at gumawa sa isang nagngangalang Linus bilang kahalili niyang obispo at kaya ay nagpasimula ito ng isang linyang paghalili ng mga obispo mula kay Pedro na kinabibilangan ng mga kasalukuyang papa ng Romano Katoliko. Gayunpaman, isinaad sa mga konstitusyong apostoliko na si Linus ang unang obispo ng Roma at inordinahan ni Apostol Pablo at si Linus ay hinalinhan ni Clemente na inordinahan naman ni Pedro. Ayon sa mga skolar at historyan, ang opisinang Monarkikal na Obispo ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE. Sa mga liham lamang ni Ignacio ng Antioquia sa kanyang pagtungo sa Roma noong ika-2 siglo na kanyang inilarawan at ikinatwiran na ang mga simbahan ay pinangunahan ng isang obispo na inaalalayan ng mga presbitero at deakono. Ayon kay propesor Richard McBrien, "dapat maalala na salungat sa banal na paniniwala ng Katoliko--ang monoarkikal na istrukturang episkopal ng simbahan (na kilala bilang episkopatang monarkikal kung saan ang bawat diyoses ay pinamumunuan ng isang obispo) ay hindi pa umiiral sa Roma sa panahong ito. Ayon kay Padre Francis A. Sullivan, "ang makukuhang ebidensiya ay nagpapakita na ang simbahan sa Roma ay pinamunuan ng isang kolehiyo ng mga presbitero sa halip na isang obispo sa loob ng hindi bababa sa ilang mga dekada ng ikalawang siglo CE. Ayon din kay Fr. Sullivan, "Ang Bagong Tipan o ang sinaunang kasaysayang Kristiyano ay hindi nag-aalok ng suporta sa nosyon ng paghaliling apostoliko bilang 'isang hindi naputol na linya ng ordinasyong episkopal sa pamamagitan ng mga apostol sa mga siglo tungo sa mga obispo ngayon'" at "Ang Bagong Tipan ay hindi nag-aalok ng suporta para sa teoriya ng paghaliling apostoliko na nagpapalagay na ang mga apostol ay humirang o nag-ordina ng isang obispo para sa bawat mga simbahang kanilang itinatag".

Mga sanggunian

Tags:

Paghaliling Apostoliko Mga halimbawaPaghaliling Apostoliko Mga protestantePaghaliling Apostoliko Simbahang Katoliko RomanoPaghaliling Apostoliko Mga sanggunianPaghaliling ApostolikoApostolArsobispo ng Canterbury

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

MalabonTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanNarutoFelix Resurreccion HidalgoShotaconAsoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoBautismoTeleskopyoTukoBenigno Aquino Jr.PisoPangulo ng Senado ng PilipinasTeleponoLungsod ng CebuSilohismoBarangayKababaihan sa PilipinasAntonio LunaImelda MarcosSosyalismoSuper Bagyong OdetteLipunanSawikainAspinNicanor AbelardoKapangyarihang Alyado (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)Musika ng PilipinasGitnang LuzonBalitaTotalitarismoPanlapiMonopolyoUsogThailandMarcela AgoncilloIbn SaudMga sayaw sa PilipinasIkalawang Digmaang Laban sa OpyoMaharlikaPasigBacolodTrece MartiresDaigdigKorupsiyonLeo EchegarayZeinab HarakeGregoria de JesusGuroBenjamin PascualMoralidadImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoKabuuang pambansang produktoKagawaran ng mga Pagawain at Lansangang BayanHerminio TevesHeneral Luna (pelikula)Mahatma GandhiSaknongMarco PoloSakit sa ibaba ng likodPamamaga ng mataDepresyonMichelangelo BuonarrotiDamdaminInhenyeriyaInhenyeriyang henetikoLeni RobredoPanunumpa ng Katapatan sa WatawatDigmaanMargarito TevesKatas ng pukeMarijuanaEmilio JacintoKarahasan laban sa kababaihanLiberalismoSanta Maria, BulacanNagkakaisang BansaKelly OsbourneMeycauayan🡆 More