Ang Mbabane ( /ˌʌmbɑːˈbɑːneɪ/; Swazi: ÉMbábáne, IPA: ) ay ang kabisera ng Eswatini.
May isang tinatayang populasyon na 94,874 (2010), matatagpuan ito sa Ilog Mbabane at mga sanga nito, ang Ilog Polinjane sa mga Bulubundukin ng Mdzimba. Matatagpuan ito sa Rehiyon ng Hhohho, na kabisera din ito. Ang katamtamang elebasyon ng lungsod ay 1243 metro. Ito ay nasa daang MR3.
Mbabane | |
---|---|
Isang kalye sa bayanan ng Mbabane | |
Mga koordinado: 26°19′S 31°08′E / 26.317°S 31.133°E | |
Bansa | Eswatini |
Distrito | Hhohho |
Itinatatag | 1902 |
Lawak | |
• Kabuuan | 81.76 km2 (31.57 milya kuwadrado) |
Taas | 1,243 m (4,078 tal) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 94,874 |
• Kapal | 1,200/km2 (3,000/milya kuwadrado) |
Postal code | H100 |
Klima | Cwb |
Websayt | mbabane.org.sz |
Lumaki ang bayan pagkatapos lumipat ang sentrong administratibo nito mula Bremersdorp (tinatawag ngayong Manzini) noong 1902. Kinuha ang pangalan mula sa isang Pinuno, si Mbabane Kunene, na nanirahan noong dumating ang mga nanirahang Briton.
Noong mga panahon pagkatapos maging malaya, may mga itinayong gusaling pampamahalaan tulad ng Konsuladong Briton sa Mbabane. Natamo ang kalaunang paglago sa pamamagitan ng industriya ng turismo sa Eswatini, na Mbabane ang naging sentro. Tahanan ngayon ang Mbabane sa maraming otel at pook libangan tulad ng mga klab at mga kursonng pang-golp na pinangangalagaan ang mga turista.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Mbabane, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.