Ang kalendaryong Ebreo (Ebreo: הלוח העברי, haluaẖ ha'ivri) ay isang lunisolar na kalendaryo at ang pansariling kalendaryong ginagamit ng mga Hudyo kasabay ng pang-araw-araw na kalendaryong ginagamit sa kanilang pook ng paninirahan.
Sa kalendaryong Ebreo nakabatay ang mga petsa ng mga banal na araw sa Hudaismo.
Ang mga pangalan ng mga labindalawang buwan sa kalendaryong Ebreo ay ihinango mula sa wikang Akadyo, na nakuha noong panahon ng pagtapon ng mga Hudyo sa Babilonya, at hindi mahahanap saanman sa Bibliya. Mayroong dalawang pagkakasunod-sunod ang kalendaryo: isang sibil at isang pampananampalataya. Nakapanaklong ang mga anyong Ebreo.
Sibil | Pananampalataya |
---|---|
Tishre (תשרי) | Nisan |
Ḥeshvan (חשון) | Iyyar |
Kislev (כסלו) | Sivan |
Tevet (טבת) | Tammuz |
Shevat (שבט) | Av |
Adar (אדר) | Elul |
Nisan (ניסן) | Tishre |
Iyyar (אייר) | Ḥeshvan |
Sivan (סיון) | Kislev |
Tammuz (תמוז) | Tevet |
Av (אב) | Shevat |
Elul (אלול) | Adar |
Inuulit ang Adar tuwing taong bisyesto.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Kalendaryong Ebreo, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.