Kalendaryong Gregoryano Karaniwang Panahon

Ang Karaniwang Panahon (Ingles: Common Era o CE) ay isa sa mga notasyon ng taon na ginagamit para sa kalendaryong Gregoryano (at hinalinhan nito, ang kalendaryong Huliyano), ang pinakaginagamit na panahon sa kalendaryo sa buong mundo.

Ang Bago ang Karaniwang Panahon (Ingles: Before the Common Era o BCE) ay ang panahon bago ang CE. Alternatibo ang BCE at CE sa mga notasyon ni Dionysius Exiguus na BC at AD, ayon sa pagkakabanggit. Pinagkakaiba ng panahong Dionisiyako ang mga panahon na gamit ang mga notasyong BC (Bago si Kristo o "Before Christ") at AD (Latin: Anno Domini, sa taon ng Panginoon). Numerikong magkatumbas ang dalawang sistema ng notasyon: "2024 CE" at "AD 2024" na nilalarawan ang kasalukuyang taon; parehong taon naman ang "400 BCE" at "400 BC." Ginagamit ang kalendaryong Gregoryano sa buong mundo ngayon, at isang pandaigdigang pamantayan para sa mga kalendaryong sibil.

Mababakas ang ekpresyon noong 1615, nang unang lumabas ito sa aklat ni Johannes Kepler bilang Latin: annus aerae nostrae vulgaris (taon ng ating karaniwang panahon), at noong 1635 sa Ingles bilang "Vulgar Era" (Panahong Bulgar). Matatagpuan ang katawagang "Common Era" sa Ingles noong 1708 sa pinakamaaga, at naging laganap ang paggamit noong kalagitnaan ng ika-19 na dantaon ng mga relihiyosong paham na Hudyo. Simula noong huling bahagi ng ika-20 dantaon, naging popular ang CE at BCE sa akademiko at siyentipikong publikasyon bilang nyutral na katawagang relihiyoso. Ginagamit ang mga ito ng iba na nagnanais na maging sensitibo sa hindi Kristiyano sa pamamagitan ng hindi tahasang pagtukoy kay Jesus bilang "Kristo" ni hindi Dominus ("Panginoon") sa pamamagitan ng paggamit ng ibang daglat.

Mga pananda

Mga sanggunian

Tags:

Anno DominiKalendaryoKalendaryong GregoryanoKalendaryong HuliyanoWikang InglesWikang Latin

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TeknolohiyaSuper Bagyong OdetteImperyong RomanoAng mga Paglalakbay ni Marco PoloPagkamalikhainGitaraKatinigMitolohiyang PilipinoTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangerePanulaanNicolaus CopernicusTradisyong-pambayan ng IndiaLucrecia KasilagMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasRamon ObusanKapuso Mo, Jessica SohoPropagandaPananaliksikMagsasakaTaguigNigeriaKagawaran ng Repormang PansakahanAsoSimbolismo (sining)Mga manunulat na kababaihang PilipinoMapilindoBongbong MarcosMithiinSimbahan ng BarasoainSiyentipikoTalaan ng mga senador ng PilipinasHeneral Luna (pelikula)Hukbong Himpapawid ng PilipinasTatsulokJose PalmaKaugaliang PilipinoPakikipagtalastasanMahal na ArawLiberalismoBalbalFrancisco BalagtasKagawaran ng Ugnayang PanlabasHimagsikang PilipinoMuslimGuillermo TolentinoIbong AdarnaPisoKatauhang pangkasarianNobelang PilipinoPaninigarilyoKulugoHainismoBataanMiguel López de LegazpiBibliyaSikolohiyang PilipinoPagsusulatBaguioPekeng balitaKalakhang MaynilaAsyaBatasLiwasang RizalKaragatang Kanlurang PilipinasLea SalongaChristopher ColumbusIndiyaTalambuhayKalikasanMga isyu sa kapaligiran sa PilipinasBarangaySalapiHinuhaDiego SilangDistribusyón ng salitang-tinutukoy (paksa)ÑBell Trade ActEnrique ang NabigadorSepoy🡆 More