Enero 24 – Nagkaroon ng pagguho sa Andes sa Peru. Tinatayang 26 ang nasawi, 1,900 turista ang naipit at 20,000 residente ng baryo malapit sa Cusco ang nawalan ng tirahan. Nakaapekto rin sa Machu Picchu.
Pebrero
Pebrero 3 – Nasawi ang tatlong mga sundalong Amerikano, kasama ang apat na Pakistani, sa isang pagtitiwakal na pagsasabog na atake sa Pakistan.
Pebrero 11 – Pagkatapos ng pitong buwan ng matinding labanan, nagkasundo ang pamahalaan ng Yemen at rebeldeng Houthi sa isang tigil-putukan.
Pebrero 12 – Inilunsad ang opensiba ng maramihang-bansa sa Afghanistan kung saan sinalakay ng libu-libong tropang Amerikano, Afghan, at Briton, sa bilang na 6,000, ang lungsod ng Marja sa pagtatangkang wasakin ang huling kuta ng Taliban.
Pebrero 15 – Nadakip ang punong militar komandante ng Taliban na si Mullah Abdul Ghani Baradar sa Karachi, Pakistan sa isang lihim na pinagsamang operasyon ng intelihenteng puwersa Amerika at Pakistan.
Pebrero 22 – Inilunsad ng Espesyal na Puwersa ng Estados Unidos ang pag-atake sa ere ng NATO sa Kabul, Afghanistan, na umasinta sa mga manghihimagsik, at aksidenteng pumatay ng 27 sibilyang Afghan.
Pebrero 27 – Niyanig ng 8.8 kalakhang lindol ang Tsile, na nagbunsod ng mga tsunami sa Pasipiko at kumitil ng umaabot sa 708 katao, bagama't ayon sa tala ng United States Geological Survey, ang bilang ng kumpirmadong nasawi ay 547.
Marso
Marso 7 – Idinaos ang Halalan Parlamentaryo sa Iraq, kung saan nakakuha ang Pambansang Kilusan ng mga taga-Iraq, na pinamumunuan nidating punong ministro Ayad Allawi ng pinakamaraming boto at ng 91 sa 325 upuan sa Parlamento, batay sa pinakahuling resulta nito noong Marso 29. Naganap rin sa bansa ang pagsabog ng dalawang bomba sa kasagsagan ng halalan na pumatay ng hindi bababa sa 38 katao.
Marso 14 – Estados Unidosː Sinimulan ng opisyal ng Departamento ng Depensa ng Estados Unidos na si Michael Furlong ang isang grupo ng mga kontratista upang subaybayan at pumatay ng mga militante sa Pakistan at Afghanistan.
Marso 20 – IcelandːEyjafjallajökull, unang yugto ng pagsabog. Abril 14, ang abong bulkaniko mula sa isa sa mga pagsabog sa ilalim ng Bundok Eyjafjallajökull, ang takip na yelo sa naturang bansa, ay nagbunga ng ulap na abo, at nagsimulang gumambala ng paglalakbay sa himpapawid sa buong hilaga at kanlurang Europa.
Marso 24 – Nagkasundo ang Estados Unidos at Rusya na ibaba ang limitasyon sa pinalawak na mga estratehikong warhead at launcher ng 25% at 50%, ayon sa pagkakasunod, at ipatupad rin ang isang bagong rehimeng inspeksyon.
Marso 29 – Rusyaː Hiwalay na pinasabog ng dalawang babaeng nagpatitiwakal na pagsasabog ang mga bomba sa dalawang estasyon ng subway sa Moscow sa loob lang ng ilang minuto, na ikinasawi ng hindi bababa sa 39 na katao.
Sinagip ng tripulanteng nagliligtas ang 34 kataong kabilang sa mga nakulong sa binahang minahan ng karbon sa Tsina mula noong Marso 28.
Niyanig ng 7.2 kalakhang lindol ang mga estado ng Baja California, Mehiko at California, Estados Unidos, sa lalim na 10 km at sinasabing nagtagal ng isang minuto, na ikinasawi ng dalawang tao.
Naglunsad ang mga militante ng isang pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Pakistan. Anim na taga-Pakistan ang nasawi at 20 ang nasugatan. Hindi bababa sa limang nagtitiwakal na pagsasabog ang nagsagawa ang pag-atake. Inako ni Azam Tariq, tagapagsalita ng Pakistani Taliban, ang responsibilidad sa pag-atake, na aniya'y ganti sa pag-atake ng misil ng Amerika at mga operasyong militar ng Pakistan sa lugar.
Abril 7 – Nilisan ni Pangulong Kurmanbek Bakiyev ng Kyrgyzstan ang kabiserang Bishkek sa gitna ng malagim na mga protesta at demonstrasyon. Humalili sa kapangyarihan bilang nag-aaktong pangulo ang dating ministeryo ng panlabas na ugnayan na si Roza Otunbayeva, na gumaganap bilang pinuno ng oposisyon. Halos 70 tao ang namatay at higit sa 400 nasugatan sa girian ng hukbo ng pamahalaan at demonstrador sa mga lansangan, na nag-ugat sa matinding pagtaas sa mga presyo ng bilihin at katiwalian sa pamahalaan.
Abril 8 – Nilagdaan nina Pangulo Barack Obama ng Estados Unidos at Pangulo Dmitry Medvedev ng Russia ang kasunduan sa pagbabawas ng armas at nagkasundong kumilos sa nagkaisang anyo laban sa banta ng programang nukleyar ng Iran, na ang kasunduang ito ay tinawag na Bagong Simula o New Start.
Abril 10 -- Nasawi ang 96 katao, kabilang ang Pangulo ng Polonia, Lech Kaczynski, at ang kanyang asawa, na lulan ng bumagsak na eroplanong biyahe mula Polania sa Smolensk, Rusya, habang sinusubukang lumapag sa makapal na hamog.
Abril 14 – Niyanig ng 6.9 magnitud na lindol ang katimugang bahagi ng lalawigan ng Qinghai, China, na ikinasawi ng 2,968 katao at nasa 10,000 ang sugatan.
Abril 20 – Estados Unidosː Sumabog ang plataporma ng barenahan ng langis Deepwater Horizon sa Gulpo ng Mehiko, na pumatay ng 11 manggagawa. Nagresulta ito sa tinaguriang Horizon oil spill (Gulf Coast oil spill) o pagtagas ng langis ng Horizon, isa sa mga pinakamalaki sa kasaysayan, na tumagal ng maraming mga buwan.
Mayo
Mayo 1 – Binigyan ng pinansiyal na suporta ng Unyong Europeo ang Gresya na naharap sa malubhang pinansiyal na paghihirap o pagkabangkarote. Bunsod nito, libu-libo ang nagmartsa sa Athenas at iba pang mga lungsod upang tutulan ang plano ng pamahalaan upang bawasan ang paggasta para sa pampublikong-sektor.
Inalok ng Punong Ministro ng Thailand na si Abhisit Vejjajiva na magdaos ng maagang halalan na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga raliyista na tapat sa dating punong ministro Thaksin Shinawatra, na tinawag na mga red shirt o pulang kamiseta, ngunit tinanggihan nila ito.
Estados Unidosː Nasawi ang hindi bababa sa 24 katao sa matinding pagbaha sa mga bahagi ng Tennessee (nagsimula noong Abril 30), Kentucky, at Mississippi, matapos ang dalawang araw ng matinding pag-ulan.
Nagtapos sa isang madugong pagsupil at paghawi ng militar kilussang Pulang Kamiseta o Red Shirt movement ang serye ng mga protesta sa Bangkok, Thailand, na nagsimula pa noong Abril, na humantong sa pagkamatay ng 91 at mahigit sa 1,800 ang nasugatan.
Nagkasundo ang Estados Unidos, Rusya, Tsina, at iba pang bansa na magpataw ang ikaapat na hanay ng mga parusa sa programang nukleyar ng Iran, sa isang pagtatangka upang ihinto ang bansa mula sa pagpapasagana ng uranyo.
Siyam na tao ang namatay matapos lusubin ng isang kumando ng hukbong-dagat sa Israel ang munting plota ng mga barkong kargamento at mga pampasaherong bangka, na pawang maka-Palestino, na tutungong Gaza upang magbigay ng tulong at mga panustos sa lugar.
Nilamon ng sinkhole o uka sa lupa na may 20 metro ang lapad at 204 talampakang malalim, ang isang tatlong-palapag na gusali sa Lungsod ng Guatemala matapos tumama ang Bagyong Agatha sa Gitnang Amerika sa ibabaw ng katapusan ng linggo. Ikinasawi ng tatlong tao.
Hunyo
Hunyo 1 – Siyam na buwan lamang sa kanyang termino bilang Punong Ministro ng Hapon, ipinahayag ni Yukio Hatoyama ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin, ikaapat na punong ministro ng bansa na nagbitiw sa loob lamang ng apat na taon.
Hunyo 11 – Estados Unidosː Hindi bababa sa 16 mga tao ang nasawi at dose-dosena ang nawawala matapos na hindi inaasahang rumagasa ang baha ang paligid ng kampo sa Arkansas.
Hunyo 13 – Natuklasan ng Estados Unidos ang higit sa $1 trilyon sa mga mapagkukunang mineral sa mga bundok ng Afghanistan, na napakahigit pa kaysa inaasahan o dating tantiya.
Hunyo 17 – Tumindi ang mga labanan sa lansangan sa pagitan ng etnikong Kyrgyz at mga minoryang Uzbek sa lungsod ng Osh, Kyrgyzstan na nag-iwan ng hindi bababa sa 200 katao ang namatay. Tumaas pa ang bilang nito sa 2,000, Hunyo 24.
Tatlong Kumandong Australyano at isang kawal ng Estados Unidos ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter crash sa baku-bakong lupain sa hilagang Kandahar, Afghanistan.
Estados Unidosː Sa isang sorpresang tagumpay, nagwagi si Graeme McDowell sa golp na U.S. Open sa Pebble Beach Golf Links sa California.
Hulyo 3 – Nagwagi ng titulo ang Amerikanong kampeon sa tenis na si Serena Williams sa wakas ng Pambabaeng Wimbledon.
Hulyo 9 – Nagkasundo ang Estados Unidos at ng Rusya na sumasang-ayon at ipatupad ang palitan ng mga nahuling tiktik, matapos madiskubre at ibilanggo ang 10 Rusong ispiya na nagpapanggap bilang sibilyan sa Estados Unidos.
Hulyo 11 – Namatay ang hindi bababa sa 70 sa isinagawang mga pambobomba sa grupo ng mga tagahanga ng soccer sa Uganda, na inako ng Shabab, isang grupo ng rebolusyonaryong Islamiko na nag-aalsang pangkat mula Somalia.
Hulyo 18 -- Nasawi ang hindi bababa sa 63 mga tao at sugatan ang higit sa 100 iba pa sa banggaan sa pagitan ng tren na ekspres at pampasaherong tren sa isang himpilan sa Kanlurang Bengal, Indya.
Hulyo 24 – Namatay ang 21 katao ay namatay at 500 pa ang nasugatan sa pagpapanakbuhan sa isang pistang musika sa Alemenya na tinawag na Love Parade.
Pandaigdigː Isiniwalat sa publiko ng WikiLeaks, isang samahan na naghahanap at naglalathala ng mga sensitibo o mga lihim na datos ng pamahalaan, ang 77,000 lihim na talaksan ng militar ng Estados Unidos ng Amerika tungkol sa kaugnayan nito sa Digmaan sa Afghanistan.
Franceː Nagwagi si Alberto Contador sa Tour de France.
Hulyo 26 – Nagsimula ang malawakang pagbaha sa Pakistan matapos ang pag-ulang monsoon na nagdulot ng pag-apaw ng palanggana ng Ilog Indus, nagpalubog sa baha ng halos sang-kalima ng bansa at ikinasawi ng nasa 2,000 mga tao. Inanunsyo ng pamahalaan na 20 milyong tao ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bansa, Agosto 14.
Hulyo 28 – Bumagsak ang eroplanong patungong Islamabad, Pakistan sa paanan ng kabundukan ng Himalaya malapit sa kabisera, na ikinasawi ng lahat ng lulang 152 pasahero at mga miyembro ng tripulante.
Agosto 3 – Estados Unidosː Sinunog ni Omar Thornton, empleyado, ang imbakan ng pinagtatrabahuang kumpanya na Hartford Distributors sa Manchester, Connecticut, na ikinasawi niya at 8 iba pa.
Agosto 6 – Naitalang higit sa 52 tao na ang nasawi sa higit 800 wildfire o napakalaking sunog na kumalat sa ibayo ng Rusya at nagsimula noong Hunyo.
Agosto 10 – Estados Unidosː Nasawi ang 4 katao, kabilang ang dating Senador na si Ted Stevens, sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano sa liblib na lugar sa Alaska.
Agosto 17 – Iraqː Binomba ng nagtitiwakal na pagsasabog ang isang tanggapan ng Hukbong Iraq, na pumatay ng hindi bababa sa 48 mga bagong kaanib na hukbo at mga sundalo, at 120 iba pa ang nasugatan.
Agosto 18 – Inihayag ng Departamento ng Estado ng Estados Unidos na dadagdagan nito ang presensya ng mga sibilyan kontratista sa taong 2011 habang naghahanda ang militar na iwanan ang bansa.
Agosto 25 – Setyembre – Ipo-ipong Earl: Nabuo sa karagatan ng mga Pulo ng Kabo Berde noong Agosto 25. Lumakas hanggang Agosto 29, at nanalasa sa hilagang bahagi ng Kapuluang Leeward at puminsala sa lugar. Bumilis noong Setyembre 2. Marami ring nasawi sa New Jersey, Massachusetts at Florida sa Estados Unidos dahil sa mga alon sa dagat. Sa Nova Scotia at Canada kung saan ito tumama sa kalupaan bilang kategorya 1 na ipo-ipo o hurricane, isang tao ang nalunod at daang libong katao ang nawalan ng kuryente.
Agosto 30 – Mehikoː Nadakip si Edgar Valdez Villareal, alyas "El Barbie," notoryus na kingpin ng droga, ng Mehikanong Pedera na Pulis malapit sa Lungsod ng Mehiko.
Setyembre
Setyembre – Mehikoː Sinibak ng Ciudad Juárez ang 400 tiwaling opisyal ng pulisya kaugnay ng digmaan kontra-droga sa bansa.
Setyembre 3 – Niyanig ng 7.1 kalakhang lindol ang lungsod ng Christchurch, Australya, na nagbunsod ng malawakang pinsala.
Setyembre 12 – Nakalaya sa piyansang $500,000 ang babaeng Amerikanong tapaglakad na si Sarah Shourd, na nabilanggo sa Iran sa kasong paniniktik sa loob ng higit isang taon , kasama ang dalawang lalaking Amerikano na kaibigan nitong sina Shane Bauer at Joshua Fattal.
Hilagang Koreaː Pinasigasig ng Pyongyang ang pagtitipon upang markahan ang ika-65 anibersaryo ng makapangyarihang Partido Komunista kung saan binasbasan si Kim Jong Un bilang kahalili ng kanyang ama, na noo'y may sakit, na si Kim Jong Il.
Gumuho ang lupa sa rehiyon ng Oaxaca sa Mexico kasunod ng mahabang panahon ng malakas na ulan, na naglibing sa daan-daang mga tahanan. Hindi bababa sa 11 katao ang nawawala.
Oktubre
Oktubre 4 – Sumabog ang isang imbakan ng putik sa Hungary, na nagpakawala ng 200 milyong galon ng nakalalasong putik sa mga kalsada ng tatlong baryo, at ikinasawi ng 8 katao at maraming iba pa ang sugatan.
Oktubre 11 – Afghanistanː Pinaniniwalaang aksidenteng nasawi ang Britong manggagawang katuwang na si Linda Norgrove, isang bihag ng Taliban, sa isang salakay na nagliligtas ng Amerika.
André Bessette, isang Pranses-Kanadyano na layko ng Kongregasyon ng Banal na Krus mula sa Canada.
Candida Maria of Jesus, isang madre at guro mula sa Espanya.
Mary MacKillop, isang Romano Katolikongmadre na mula sa Australya na isa sa mga tagapagtatag ng Mga Kapatid na Babae ni San Jose ng Banal na Puso (mga Josefina) na isang kongregasyon ng mga madre.
Giulia Salzano, isang Romano Katolikongmadre mula sa Italya na tagapagtatag ng Katetikal na mga Kapatid na Babae ng Banal na Puso ni Jesus.
Pransyaː Nagsagawa ng malawakang welga ang mga nasa 1.1-3.5 milyong tao (pinakamarami sa taong ito) na tumututol sa isang plano na madagdagan ang gulang ng pagreretiro nang dalawang taon, bahagi ng serye ng mga welga na nagsimula noong unang bahagi ng taon.
Mehikoː Nasamsam ng Mehikanong puwersang seguridad sa bayan sa hangganan ng Tijuana, ang 105 tonelada ng marijuana na tinangkang ipupuslit patungong Estados Unidos, na may tinatayang halagang $340 milyon, noo'y ang pinakaalaking pot bust sa bansa as nakaipas na mga taon.
Nagkita ang nangungunang mga kasapi ng Taliban sa Afghanistan, at si Pangulong Hamid Karzai at ang kanyang mga tagapayo, upang talakayin ang pagwawakas ng siyam na taong digmaan sa bansa.
Oktubre, kalagitnaan -- Reino Unidoː Ipinahayag ng bagong pamahalaang Konserbatibo sa London ang $128 bilyon na pagtapyas sa badyet, na nagduot ng kalituhan sa publiko.
Oktubre 22 – Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang itinuring na pinakamalaking nauuuring pagbubunyag na militar sa kasaysayan. Idinokumento ng 391,832 ulat na tinawag na The Iraq War Logs ang digmaan at pananakop sa Iraq, mula 2004 hanggang 2009 tulad ng sinabi ng mga sundalo ng Hukbo ng Estados Unidos.
Oktubre 25 – Ang lindol na may lakas na 7.8 magnitud at ang ibinungang tsunami sa dalampasigan ng Sumatra at Isla ng Mentawai (Rehiyon ng Kepulauan Mentawai) sa Indonesia. Bilang ng kumpirmadong nasawi ay 503.
Oktubre 26 – Disyembre – Indonesiaː Nagsimula rin ang ilang linggong pagputok ng Bulkang Merapi sa Gitnang Java na pumatay ng mahigit sa 130 katao at nakaapekto sa mga nasa 300,000 mga tao.
Oktubre 29 – Natagpuan ang hinihinalang parsela na naglalaman ng mga gamit sa pampasabog, sa isang eroplano na nagmula sa Yemen at patungong Estados Unidos.
Oktubre 31 – Iraqː Namatay ang 58 katao at marami pa ang sugatan sa pagsalakay ng mga kasapi ng Al Qaeda sa isang simbahan sa Baghdad.
Inihayag ni Punong Ministro Brian Cowen ng Ireland na bubuwagin niya ang kanyang pamahalaan at magdadaos ng isang bagong halalan matapos ang pagpasa ng badyet ng 2011.
Hindi bababa sa 300 tao ang namatay at daan-daan pa ang nasugatan sa isang pagpapanakbuhan sa panahon ng taunang pista ng tubig sa Cambodia na naganap matapos matakot ang mga tao nang magsinulang gumalaw ang tulay.
Inilunsad ng Hilagang Korea ang pagpapakawala ng artilerya sa Isla ng Yeonpyeong, Timog Korea, na ikinasawi ng apat na taga-Timog Korea na kinabibilangan ng dalawang sibilyan at dalawang marino. Labinwalong iba pa ang nasugatan.
Idineklarang patay ang 29 minero na nakulong sa ilalim ng lupa matapos ang pagsabog sa minahan ng tanso sa Ilog Pike sa New Zealand makalipas ang limang araw.
Nobyembre 28 – Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang higit sa 200,000 cableng diplomatiko ng Estados Unidos sa isang maliit na bilang ng mga kumpanyang midya. Ipinakita nito ang mga dating lihim na impormasyon sa pagkalap ng intelihensya at istratehiyang pampulitika at militar ng Amerika.
Disyembre
Disyembre 2 – Naipanalo ang Rusya ang imbitasyon nito bilang punang-abala para sa 2018 World Cup, habang gagampanan ng Qatar ang mga tungkuling host para sa pandaigdigang torneo ng sipaang-bola sa 2022, ang unang bansa sa Gitnang Silangan para sa torneo.
Disyembre 6 – Inaresto ng pulisya ng Britanya ang tagapagtatag ng WikiLeaks na si Julian Assange, isang dating mamamahayag na mula sa Australia, sa London dahil sa di-umano'y pag-atakeng sekswal sa Sweden, na ayon sa kanyang mga abogado, ang mga kaso ay inimbento lamang para masira ang kanyang reputasyon.
Enero 25 – Ali Hassan al-Majid, Iraqi na politiko at komandante ng militar, binansagang "Chemical Ali" at kaagapay ni Saddam Hussein (binitay sa Iraq.) (ipinanganak 1941)
Nobyembre 4 – Sparky Anderson, Amerikanong tagapamahal ng beysbol
Nobyembre 5 – Jill Clayburgh, Amerikanong aktres
Nobyembre 16 – Wong Tin-lam, direktor at prodyuser mula sa Hongkong (ipinanganak 1928)
Nobyembre 28 – Leslie Nielsen, Kanadyano-Amerikanong aktor
Disyembre
Disyembre 7 – Elizabeth Edwards, Amerikanong abogada at maybahay ni John Edwards (dating Amerikanong Senador)
Disyembre 15 – Blake Edwards, Amerikanong direktor ng mga pelikula
Gantimpalang Nobel
Kimika – Richard F. Heck, Ei-ichi Negishi at Akira Suzuki
Agham-Pangkabuhayan – Peter A. Diamond, Dale T. Mortensen at Christopher A. Pissarides
Panitikan – Mario Vargas Llosa
Pangkapayapaan – Liu Xiaobo (hindi niya nagawang matanggap ang Premyong Nobel para sa Kapayapaan dahil siya ay hinatulan ng 11 taon ng pagkabilanggo ng awtoridad Intsik)
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming bansa ang mga pambansang pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bansa at araw ng kalayaan. Ito rin ay "espesyal na araw."
Kalendaryong Islam at Hudyoː Ang Kalendaryong Islam ay batay sa pagmamasid sa mga buwan; kaya, ang mga petsang nakasaad ay maaaring mag-iba nang isa o dalawang araw. Lahat ng mga paggunitang Islam at Hudyo ay magsisimula sa paglubog ng araw, sa araw bago ang petsang nakasaad.
Kalendaryong Hindu at Sikhː Mga petsa para sa mga paggunitang Sikh at Hindu ay nalalaman ayon sa petsa ng kanilang pagtalima sa India.
Mga okasyon sa makapal ay mga pederal at espesyal na pista na ipinagdiriwang din sa Estados Unidos.
Disyembre 25 - Araw ng Pasko (Paggunitang Kristiyano)
Disyembre 31- Bisperas ng Bagong Taon
Mga Paggunita sa Ibang Bansa
Sa Estados Unidos, mayroong sampung pederal na pista na itinakda ng kanilang batas. Apat dito ay itinakda sa petsa (Araw ng Bagong Taon, Araw ng Kalayaan [Hunyo 4], Veterans Day [Nobyembre 11], at Araw ng Pasko). Ang iba pa ay itinakda sa araw ng sanlinggo at buwan: Mga kaarawan nina Martin Luther King, Jr. [Enero 18] at Pangulong George Washington [Pebrero 22], Araw ng Pag-alala o Memorial Day [Mayo 31], Araw ng Paggawa [Setyembre 6], Araw ni Christopher Columbus [Oktubre 11], at Thanksgiving o Araw ng Pasasalamat [Nobyembre 25]. Ipinagdiriwang din sa bansa sa 2010 ang mga sumusunod (Tingnan din ang unang bahagi ng Mayoryang mga publikong mga pista)ː
Mga paggunitang Islam at Hudyo.
Hunyo 14 - Araw ng Bandila (unang ginugunita sa Pennsylvania)
Nobyembre 2 - Araw ng Halalan (ilang estado sa Estados Unidos)
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article 2010, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses. ®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.