Ang isang inumin (drink o beverage sa Ingles) ay isang likido na inihanda para sa pag-konsumo ng mga tao.
Hindi lang ito naging kailangan ng ating katawan, ngunit naging bahagi na rin ng kultura at ng ating lipunan.
Kahit na ang karamihan ng mga inumin ay may tubig, hindi pa rin iyon kinikilala bilang isang inumin, at ang salitang inumin ay may ibig-sabihin na isang iniinom na hindi lamang gawa sa tubig.
Ang isang inuming alkohol ay isang inuming mayroong ethanol (karaniwang tinatawag na alkohol, bagaman sa kimika, kabilang sa iba pang maraming kompuwesto ang kahulugan ng alkohol). Nahahati ang inuming alkohol sa tatlong kaurian: serbesa, alak at mga ispiritu.
Ang serbesa ay naging bahagi na ng kultura ng mga tao sa mahigit kumulang na 8000 na taon.
Mayroong mga serbesa at ang alak na may 0.5 na porsyento lamang ng alkohol. Ang kategoryang ito ay ang mga inuming dumaan sa mga proseso tulad ng pagtanggal ng alkohol.
Walang alkohol ang mga soft drink. Ang mga inumin tulad ng cola ay soft drink. Ngunit ang iba tulad ng kape, gatas at alkohol ay hindi soft drink.
May mga iba na puwedeng tawaging pagkain o inumin pero puwedeng kutsarahin o inumin depende sa kung saan sila gawa.
UK | US | |||
---|---|---|---|---|
Unit | fl. oz (UK) | ml | fl. oz (US) | ml |
dash | 1/48 | 0.592 | 1/48 | 0.616 |
teaspoon | 1/8 | 3.55 | 1/6 | 4.93 |
tablespoon | 1/2 | 14.2 | 1/2 | 14.8 |
fluid ounce o pony | 1 | 28.413 | 1 | 29.574 |
shot, bar glass o jigger | 3/2 | 42.6 | 3/2 | 44.4 |
can ng Coke | 11.6 | 330 | 12 | 330 |
pint | 20 | 568 | 16 | 473 |
bote ng ispiritu | 24.6 | 700 | 25.3 | 750 |
bote ng alak | 26.4 | 750 | 25.3 | 750 |
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Inumin, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.