Hunyo

Ang Hunyo ay ang ikaanim na buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano.

1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30  

May haba ito na 30 araw. Nasa Hunyo ang soltisyo ng tag-init sa Emisperyong Hilaga, ang araw na may pinakamaraming oras na sumisikat ang araw, at ang soltisyo ng tagniyebe sa Emisperyong Katimugan, ang araw na may pinakakaunting oras na sumisikat ang araw (maliban sa mga rehiyong polar sa parehong kaso). Ang Mayo sa Emisperyong Katimugan ay ang katumbas na panahon ng Disyembre sa Emisperyong Hilaga at ang kabaligtaran nito. Sa Emisperyong Katimugan, nag-umpisa ang tagniyebeng meteorolohikal sa Hunyo.

Etimolohiya at kasaysayan

Hunyo 
(Umaapoy na Hunyo) Flaming June (1895) ni Lord Leighton

Ang pangalang Latin ng Hunyo ay Junius. Nag-aalok si Ovidio ng maraming etimolohiya ng pangalan sa Fasti, isang tula tungkol sa kalendaryong Romano. Ang unang etimolohiya ng Hunyo ay ipinangalan sa diyosang si Huno, ang diyosa ng kasal at ang asawa ng kataasan-taasang diyos na si Hupiter; ang ikalawang etimolohiya ay nagmula sa salitang Latin na iuniores, na nangangahulugang "mga nakakabata", salungat sa maiores ("mga nakakatanda") kung saan ipinangalan ang nakaraang buwan na Mayo (Maius). May isa pang sanggunian ang sinasabing ipinangalan ang Hunyo kay Lucius Junius Brutus, tagapagtatag ng Republikang Romano at ninuno ng Romanong gens Junia.

Noong sinaunang Roma, tinuturing ang panahon mula kalagitnaan ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Hunyo na hindi katanggap-tanggap para sa pagpapakasal. Sinabi ni Ovidio na kinunsulta niya si Flaminica Dialis, ang mataas na saserdotisa ni Hupiter, tungkol sa pagtatakda ng petsa sa kasal ng kanyang anak na babae, at pinayuhan na maghintay hanggang pagkatapos ng Hunyo 15. bagaman, ipinahiwatig ni Plutarko, na ang buong buwan ng Hunyo ang mas kanais-nais para sa mga kasal kaysa Mayo.

Mga simbolo

Hunyo 
Mga hibla ng perlas
Hunyo 
Bahagyang tapyas ng alehandrita
Hunyo 
Binabaligtad-baligtad na piedad de luna
Hunyo 
Gaujard na Rosas
Hunyo 
Grandilya

Ang mga birthstone o batong-kapanganakan ng Hunyo ay perlas, alehandrita at pieded de luna. Rosas at granidilya ang mga bulaklak-kapanganakan ng Hunyo. Ang mga senyas ng sodyak ng Hunyo ay Gemini at Cancer (mula Hunyo 21 pataas). Ang parehong petsa ito ay para sa Estados Unidos (Eastern Daylight Time o Oras ng Liwanag ng Araw sa Silangan). Para sa UT/GMT na petsang pang-mundo, ang mga petsa ay 19–20.

Mga pagdiriwang

Buong buwan

  • Buwan ng Banal na Puso ni Jesus (tradisyong Katoliko)
  • Buwan ng Kamalayan sa LGBTQ+ at buwan ng Pagpapahalaga sa Sarili (o Pride month)

Iba't ibang petsa

  • Araw ng Ama (Ikatlong Linggo ng Hunyo sa Pilipinas)

Nakapirmi

Mga sanggunian

Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31

Tags:

Hunyo Etimolohiya at kasaysayanHunyo Mga simboloHunyo Mga pagdiriwangHunyo Mga sanggunianHunyoAraw (astronomiya)DisyembreEmisperyong HilagaEmisperyong KatimuganKalendaryong GregoryanoKalendaryong HuliyanoMeteorolohiyaTagniyebe

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Saligang Batas ng PilipinasQuezonDasalNueva EcijaAklatSeverino ReyesDasmariñasZambalesApendisitisMagna CartaPangatnigPilipinoIntramurosAti-AtihanMaka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at MakabansaApogGregorio del PilarCarlos P. GarciaYouTubeKarahasanPasismoTaripaPamamaga ng lalamunanPedro PaternoBayanSuper Bagyong YolandaKagawaran ng Repormang PansakahanCriza TaaPanggagahasa sa PilipinasKumpisalMagat SalamatNagkakaisang BansaIsraelParokya ni EdgarSerbesaKapatid sa kasalKasaysayan ng MaynilaTekstoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoSpoliariumPag-ibigRabiesYungibPaciano RizalLagariUnited KingdomSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanKuomintangSi Tandang Bacio MacunatLambingTalumpatiLa SolidaridadSakunaPalakasanBituinGumamelaKapeMag-aaralPagbabago ng klimaKomisyon sa HalalanImpiyernoInggitPang-abayHuwaranRebelyon ni DagohoyManuel RoxasPang-aabusong seksuwalPilipinasSaknongKomedyaPagpapatiwakalPolusyonBaguioSara DuterteSilangang AsyaMarilaoMaharlikaKompyuter🡆 More