Meninghitis

Ang meninghitis o meningitis ay isang malalang pamamaga ng proteksyong membrano na tumatakip sa utak at kordong espinal, na kilala bilang meninges kapag pinagsama.

Ang pinakakaraniwang sintomas ay lagnat, sakit ng ulo, at paninigas ng leeg. Kabilang sa ibang sintomas ang pagkalito o binagong kamalayan, pagsusuka, at kawalan ng kakayahan na tiisin ang liwanag o malalakas na ingay. Kadalasang nagpapakita ang mga bata ng hindi partikular na sintomas, tulad ng pagkamayamutin, pagkaantok, o mahinang pagkain. Kung mayroong pantal, maaring ipahiwatig nito ang isang partikular na sanhi ng meningitis; halimbawa, ang meningitis na dulot ng bakteryang meningococcal na maaring samahan ng katangian ng pantal.

Maaring dulot ang pamamaga ng impeksyon sa bayrus, bakterya o ibang mikroorganismo, at hindi karaniwan dulot ng ilang gamot. Maaring may panganib sa buhay ang meningitis dahil sa kalapitan ng pamamaga sa utak at kordong espinal; sa gayon, inuri ang kondisyon bilang emerhensiyang pangmedisina. Isang pagbutas ng lumbar, kung saan pinapasok ang isang karayom sa kanal na espinal upang ikolekta ang sampol ng pluidong sereboespinal (cerebrospinal fluid o CSF), ang maaring tukuyin o hindi tukuyin ang meningitis.

Naiiwasan ang ilang anyo ng meningitis sa pamamagitan ng pagbabakuna ng mga bakunang meningococcal, beke, pneumococcal, at Hib. Maaring maging kapaki-pakinabang ang pagbibigay ng mga antibiyotiko sa mga taong may mahalagang pagkakaroon ng ilang uri ng meningitis. Binubuo ang unang paggamot sa malalang meningitis ng kaagarang pagbibigay ng antibiyotiko at minsan, mga gamot kontra bayrus. Ginagamit din ang mga corticosteroid upang iwasan ang komplikasyon mula sa labis na pamamaga. Maaring magdulot ang meningitis ng seryosong mahabaang kinahinatnan tulad ng pagkabingi, epilepsya, hydrocephalus, o kakulangan sa kognitibo, lalo na kung hindi nagamot kaagad.

Noong 2017, nagkaroon ng meningitis ang tinatayang 10.6 milyong katao sa buong mundo. Nagresulta ito ng 288,000 patay—bumaba mula 464,000 patay noong 1990. Sa may wastong paggamot, mababa sa 15% ang panganib sa kamatayan sa meningitis dulot ng bakterya. Nangyayari ang mga paglaganap ng meningitis dulot ng bakterya sa pagitan ng Disyembre at Hunyo bawat taon sa lugar ng subsahariyanong Aprika na kilala bilang ang sinturon ng meningitis o meningitis belt. Maaring magkaroon ng maliliit na paglaganap sa ibang lugar sa mundo. Nagmula ang salitang meningitis sa Griyegong μῆνιγξ (meninx), nanganghulugang "membrano", at ang pangmedisinang hulapi na -itis, "pamamaga".

Mga sanggunian

Tags:

Balamban (uri ng balat)IngayKamalayanKordong espinalLagnatLeegLiwanagPamamagaSakit ng uloUtak

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TalambuhayPandanggoPunoDiperensiyang narsisistiko na personalidadIbong AdarnaMamagBadmintonKarpinteroBangsamoroKagat ng asoPagmamanupakturaKarahasan laban sa kababaihanPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoHuwaranAlkoholismoKabiteIkalawang Digmaang Laban sa OpyoSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaPaghahari-harianMarilaoEtikaKudetaFernando de MagallanesHabagatKasaysayan ng salapi ng PilipinasKarapatang pantaoPamamaga ng lalamunanPahayaganPagpapahayag ng Kalayaan ng PilipinasPang-uriPanliligawPosisyong papelSanta Maria, BulacanArtipisyal na katalinuhanEdukasyonLeonor RiveraParokya ni EdgarBalintatawDawagPista ng MorionesDatosMetodoRabiesKalabawDaliri sa kamayBaboyDiosdado MacapagalChiang Kai-shekTsinaIkalawang Digmaang PandaigdigPakikipanayamPandemya ng COVID-19GatoMartilyoMuslimReclusion perpetuaPartido Komunista ng TsinaUnang PahinaSukarnoBahagi ng pananalitaKapayapaanApendisitisMustasaMalaysiaMga pambansang sagisag ng PilipinasEmilio AguinaldoFernando AmorsoloSimbahang Katolikong RomanoKatamSayaw sa ObandoTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasTambanTalinghagaInggitPang-aabusong seksuwalBenigno Aquino IIIRespetoPagpapalaglag sa Pilipinas🡆 More