Simulasyon

Ang isang simulasyon ay ang tinatayang paggaya ng operasyon ng isang proseso o sistema na kinakatawan ang operasyon nito sa paglipas ng panahon.

Simulasyon
Simulasyon sa pagmamaneho

Ginagamit ang simulasyon sa maraming konteksto, tulad ng simulasyon ng teknolohiya para sa pagsasayos o pag-optimisa ng pagganap, inhinyeryang pangkaligtasan, pagsubok, pagsasanay, edukasyon, at mga larong bidyo. Kadalasan, ginagamit ang mga ekperimento sa kompyuter upang pag-aralan ang mga modelong simulasyon. Ginagamit din ang simulasyon sa pagmomodelong siyentipiko ng mga likas na sistema o mga sistema ng tao upang makamit ang kabatiran ng kanilang paggana, bilang isang ekonomika. Maaring gamitin ang simulasyon upang ipakita ang posibleng tunay na mga epekto ng mga alternatibong kondisyon at kurso ng aksyon. Ginagamit din ang simulasyon kapag hindi magamit ang totoong sistema, dahil hindi ito maaring kunin, o maaring mapanganib o hind katanggap-tanggap ang paggamit, o dinidisenyo ito ngunit hindi pa nagagawa, o wala pa talaga ito.

Kabilang sa mga pangunahing isyu sa pagkuha ng balidong mga pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa kaugnay na pagpili ng pangunahing katangian at mga ugali, ang gamit ng pagpapasimple ng pagtataya at mga pinapalagay sa loob ng simulasyon, at ang katapatan at bisa ng kinalabasan ng simulasyon. Ang mga pamamaraan at protokolo para sa pagpapatotoo at balidasyon ng modelo ay isang patuloy na larangan ng akademikong pag-aaral, pagdadalisay, pananaliksik at pagpapabuti sa mga teknolohiya o pagsasanay ng simulasyon, partikular sa gawa ng simulasyon ng kompyuter.

Paggamit

Nararapat na paggamit

  1. Kapag ang sistemang gustong pag-aralan ay masyadong kumplikado upang gawin ng mga mananaliksik ng manwal
  2. Kapag gusto makita ng mananaliksik ang epekto ng mga pagbabagong pangimpormasyon, pang-organisasyon at pangkapaligiran ng sistema.
  3. Kapag ang mga kaalamang nakuhang pang simulasyon ay makakadagdag ng halaga sa pagbabagong iminumungkahi ng imbestigasyon
  4. Kapag maaaring palitan ang mga pinasok at ng mga impormasyong naobserbahan at tingnan ang mga resulta ay makakakita ng mga mahahalagang punto kung saan ay makakahinuha ng mga importanteng implementasyon sa sistema
  5. Ang simulasyon ay maaaring gamitin na isang gamit or isang paraan upang suportahan ang mga analitikong pag-aaral at makagawa ng isang metodolohiya sa paggawa ng solusyon
  6. Maaari itong gamitin upang makagawa ng mga bagong desisyon at mga polisiya at mga preparasyon sa mga bagay na maaaring mangyari sa sistema
  7. Ito ay maaaring gamitin upang maberipika ang mga analitikong solusyon sa problema
  8. Ito ay maaaring gamitin upang malaman ang mga kinakailngan ng mga makina at kagamitan at mga kakanyahan nito sa operasyon
  9. Ito ay maaaring gamitin upang malaman ang mga kinakailangan ng operasyon nang hindi naaantala ang operasyon nito.

Hindi nararapat na paggamit

  1. Kapag ang problema ay madaling masolusyunan gamit ang alternatibong paraan
  2. Kapag ang problema ay kayang solusyunan sa analitikong paraan
  3. Kapag ang problema ay maaaring magawa at masolusyunan gamit ang iba't ibang eksperimento kumpara sa paggamit ng software na mayroon ang mananaliksik
  4. Kapag ang gastos ng pagbili ng software ay mas mahal sa aktwal na gastos ng pageekperimento.
  5. Kapag may mga impormasyon na maaaring gamitin sa simulasyon, ngunit kung wala, ay hindi ito magandang gamitin.
  6. Kapag ang mga taong kasama sistema ay may hindi risonableng ekspektasyon mula sa pag-aaral
  7. Kapag masyadong kumplikado ang sistema na hindi na kayang bigyang depinisyon ng mga mananaliksik.

Mga sanggunian

  • Discrete-Event Simulation System Simulation, J. Banks, J. Carson II, B. Nelson, D. Nicol, 2001, Pearson Education Asia Pte Ltd, New Jersey

Tags:

Simulasyon PaggamitSimulasyon Mga sanggunianSimulasyonPagtataya

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Daniel PadillaSayusayPagmiminaHabeas corpusImbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19Pananaig ng batasVolleyballFrancis MagalonaRadyoApdoSalitaJungkookPabulaTanagaApendisitisSergio OsmeñaSeksuwal na panliligaligBulkanUsogSanaysayAsoKundolKagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanPropagandaManokTrangkasoTugtuginPaunang lunasSaudi ArabiaKasunduan sa TordesillasDaigdigKotseKasunduan ng Maynila (1946)BukalGloria Macapagal ArroyoKomiksRamayanaAgham panlipunanHeneral Luna (pelikula)Unang KrusadaWikang FilipinoKitaMahal na ArawPangulo ng PilipinasSawikainIntramurosHanapbuhayShe's Dating the GangsterEdukasyonKagawaran ng TransportasyonIskuwaterTayutaySikhismoTanayTeleseryePeminismoGanito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?MoralidadKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanPagduduwalTulang pasalaysayEstados UnidosKagawaran ng Kapaligiran at Likas na YamanLabindalawang AlagadTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereMundoEmilio AguinaldoRuhollah KhomeiniBukoNapoleon AbuevaHaranaKagawaran ng Agham at Teknolohiya (Pilipinas)PaaralanPangatnigMahatma GandhiPaglilimbagPanaginipPang-aapi sa InternetTalinghaga🡆 More