Ang estimulasyon o istimulasyon, na may kahulugan o diwang pagpapasigla, panggigising, pagpapagalaw, pag-udyok, pamumukaw, pagpukaw, o pag-antig, ay ang gawain o kilos ng sari-saring mga estimulo (mga bagay nakakaestimula, nakapanggigising, nakapagpapasigla, nakakapukaw, nakauudyok, o nakakaantig) sa mga nerb, mga masel, o isang pandama o pandamdaming organong panghulihan (tinatawag na sensory end organ sa Ingles), kung saan sa pamamagitan nito ang mga bahaging nakaugnay sa nerb ay nagkakaroon ng isang katayuan o kalagayan ng paggalaw o pagkilos.
Ang salitang ito ay kadalasan ding ginagamit na metaporikal o patalinghaga. Bilang halimbawa, ang isang nakakaaliw o nakakatawag ng pansin na gawain ay maaaring ilarawan bilang "nakakapagpapasigla", anuman ang epektong pangkatawan o pisikal nito sa mga nerb. Ginagamit din ito sa teknolohiya ng simulasyon upang ilarawan ang isang signal na sintetikal ang pagkakalikha na "nakakapagpapagalaw" o nakapagpapa-estimula ng tunay na kagamitan, kasangkapan, o aparato.
Sa pangkalahatang diwa, ang estimulasyon ay tumutukoy sa kung paano nawawawaan, nawawari (persepsiyon, kawarian, pagwawari), nararamdaman, o nahahalata ng mga organismo ang parating at papasok na estimulo. Bilang ganyan, isa itong bahagi ng mekanismo ng estimulo at pagtugon. Ang payak na mga organismo ay malawakan ang pagtugon o pagkakaroon ng reaksiyon sa estimulo, at may tatlong kaparaanan: (i) ang napakakakaunting estimulasyon ay nagsasanhi sa kanila na maging huminto o tumigil; (ii) ang napakaraming estimulasyon ay nakapagsasanhi ng kamatayan dahil sa pagkabalisa at panghihina o hindi o kawalan ng kakayahang masanay o makibagay; (iii) at ang katamtaman o tama lamang na dami ng estimulasyon ay nakapagdurulot ng kakayahang masanay o bumagay at sumulong habang na nadadaig at napagtatagumpayan ang estimulasyon. Ang kahalintulad na mga epekto o mga kategorya ay mapapansin sa pagkabalisang pangsikolohiya o pang-isipan na nararanasan ng tao. Kaya ang estimulasyon ay maaaring ilarawan bilang kung paanong ang panlabas na mga pangyayari o kaganapan ay nakapag-uudyok ng isang katugunan o kasagutan mula sa isang indibidwal bilang isang pagtatangka upang masanay at malampasan ang estimulasyon.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Estimulasyon, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.