Ang Sengiley (Ruso: Сенгиле́й) ay isang lungsod sa bansang Rusya.
Ito ang sentrong administratibo ng Distrito ng Sengileyevsky sa Ulyanovsk Oblast, Rusya, na makikita sa kanang bahagi ng Kuybyshev Reservoir, 72 kilometro (45 mi) timog ng Ulyanovsk, ang sentrong administratibo ng oblast. Populasyon: 6,958 (Senso 2010); 8,396 (Senso 2002); 10,366 (Senso 1989).
Sengiley Сенгилей | ||
---|---|---|
| ||
Lokasyon ng Sengiley | ||
Mga koordinado: 53°58′N 48°48′E / 53.967°N 48.800°E | ||
Bansa | Rusya | |
Kasakupang pederal | Ulyanovsk Oblast | |
Distritong administratibo | Distrito ng Sengileyevsky | |
Town of district significance | Sengiley | |
Itinatag | 1666 | |
Katayuang town mula noong | 1943 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 6 km2 (2 milya kuwadrado) | |
Taas | 70 m (230 tal) | |
Populasyon (Senso noong 2010) | ||
• Kabuuan | 6,958 | |
• Taya (2018) | 6,405 (−7.9%) | |
• Kapal | 1,200/km2 (3,000/milya kuwadrado) | |
• Kabisera ng | town of district significance of Sengiley | |
• Distritong munisipal | Sengileyevsky Municipal District | |
• Urbanong kapookan | Sengileyevskoye Urban Settlement | |
• Kabisera ng | Sengileyevsky Municipal District, Sengileyevskoye Urban Settlement | |
Sona ng oras | UTC+4 () | |
(Mga) kodigong postal | 433380, 433381, 433399 | |
OKTMO ID | 73636101001 |
Itinatag ito noong 1666 bilang isang pantanggulang bantayan ng militar laban sa mga pananalakay ng mga lagalag. Paglaon, nabuo ang ilang mga sloboda sa paligid ng bantayang ito, at sa simula ng ika-18 dantaon sinama ang mga sloboda ng Stanichnaya, Butyrskaya, at Vybornaya sa nayon ng Pokrovskoye (Покро́вское), na ipinangalan sa Simbahan ng Namamagitan. Noong 1780, kinarta ito bilang lungsod ng Sengiley; na ipinangalan sa puwesto nito sa ilog na may kaparehong pangalan sa mga panahong iyon (ngayon ang Sengileyka na sangang-ilog ng Ilog Volga), na mula sa mga salitang Erzya na syang, nangangahulugang sangang-ilog at lei, na nangangahulugang ilog.
Noong 1925, ibinaba ang katayuan ng Sengiley sa lokalidad rural, ngunit ginawaran ito ng katayuang pampamayanang uri-urbano sa kahulihan ng parehong taon. Muling binigyan ito ng panlungsod na katayuan noong 1943.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Sengiley, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.