Ang mga tugtuging pambayan, awiting-bayan o kantahing-bayan sa Pilipinas ay mga awit o musika ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong Bukid.
Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-bayan ang tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, at paglalahad ng iba-ibang ugali at kaugalian.
Ito ay ang awit ng pag-ibig.
Halimbawa:
Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)
Dandansoy, bayaan na kita
Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.
Ito ay ang awit sa pamamangka.
Halimbawa:
An Balud (isinalin mula sa Waray)
Tila nag-aapoy, mapupulang langit
Maging itong dagat, tila nagngangalit
Siguro'y may nagkaingin kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.
Daluyong na ito'y laruan ng dagat
Na nagmula pa sa karagatan
Ang gabing madilim, tubig na malinaw
ang pag-asa ng mga mandaragat
Ito ay ang awit sa pagpapatulog ng bata.
Halimbawa:
Hiligaynon Lullaby (isinalin mula sa Hiligaynon)
Bunso ko, bunso ko, matulog ka na,
Ang iyong ina ay wala pa,
Pumunta sa tindahan, bibili ng ulam,
Bunso ko, bunso ko, matulog ka na.
Ito ay ang awit sa kasal.
Halimbawa:
[walang pamagat]
Umawit tayo at ipagdiwang
Ang dalawang puso ngayo'y ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.
Ito ay ang awit sa paggaod habang namamangka o sa mga manggagawa.
Halimbawa:
Magtanim ay 'di Biro
Magtanim ay 'di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.
Sa umaga, paggising
Ang lahat, iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Ito ay ang awit sa diyos-diyosan ng mga Bisaya Oyayo o kaya naman sa pagsamba.
Ito ay ang awit sa patay o pagdadalamhati ng mga Ilokano.
Ito ay ang awit ng mga lasing.
Ito ay ang awit ng pagtatagumpay.
Ito ay ang awit sa sama-samang paggawa
Ito ay ang awiting panlansangan.
Ito ay ang panghaharana sa Tagalog.
Ito ay ang panghaharana sa Bisaya
Ito ay ang awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Tugtuging pambayan sa Pilipinas, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.