Ang Sailor Moon (美少女戦士セーラームーン, Bishōjo Senshi Sērā Mūn, orihinal na sinalin sa Ingles bilang Pretty Soldier Sailor Moon at sa kalaunan bilang Pretty Guardian Sailor Moon) ay kilalang seryeng pamagat na orihinal na binubuo ng manga sa pamamagitan ni Naoko Takeuchi na nagkaroon ng anime, teatrong musikal, larong bidyo at tokusatsu.
Orihinal itong nailathala ng baha-bahagi sa Nakayoshi mula 1991 hanggang 1997; ang 60 indibiduwal na kabanata ay nailathala sa 18 tankōbon na bolyum. Sinusundan ng kuwento ang mga pakikipagsapalaran ng babaeng estudyanteng si Usagi Tsukino na nagiging si Sailor Moon upang hanapin ang isang artepaktong may mahika, ang "Legendary Silver Crystal" (「幻の銀水晶」 Maboroshi no Ginzuishō, lit. sa Ingles: "Phantom Silver Crystal"). Pinamumunuan niya ang isang pangkat na magkakaiba ang pinagmulan , ang Sailor Soldiers (セーラー戦士 Sērā Senshi) (Sailor Guardians sa mga kalaunang edisyon) habang nilalabanan nila ang mga kontrabidda upang maiwasan ang pagnanakaw ng Silver Crystal at ang pagkawasak ng Sistemang Solar.
Sailor Moon | |
美少女 戦士 セーラームーン Bishōjo Senshi Sera Mun | |
---|---|
Dyanra | Pakikipagsapalaran, Komedya, Drama, Pantasya, Romansa |
Manga | |
Sumulat | Naoko Takeuchi |
Naglathala | Kodansha |
Demograpiko | Shōjo na manga |
Takbo | 1991 – Abril 1997 |
Tomo | 18 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Junichi Sato, Kunihiko Ikuhara, Takuya Igarashi |
Estudyo | Toei Animation |
Inere sa | TV Asahi |
Takbo | 7 Marso 1992 – 8 Pebrero 1997 |
Bilang | 200 |
Sa Juban, Tokyo, isang mag-aaral sa paaralang panggitna na nagngangalang Usagi Tsukino (o Bunny sa berysong Tagalog) ang kumaibigan kay Luna, isang nagsasalitang itim na pusa na nagbigay sa kanya ng isang brotse na may mahika na ginagawa siyang si Sailor Moon: isang sundalo na nakatakdang iligtas ang Daigdig mula sa mga puwersa ng kasamaan. Nagtipon sina Luna at Usagi ng isang pangkat ng mga kasamang Sailor Soldier upang hanapin ang prinsesa at ang Silver Crystal. Nakatagpo nila ang masipag mag-aral na si Ami Mizuno, na ginising ang Sailor Mercury; si Rei Hino, isang lokal na dalaga sa dambanang Shinto na ginising ang Sailor Mars; si Makoto Kino, isang matangkad at malakas na mag-aaral na kakalipat pa lamang na gumising bilang si Sailor Jupiter; at si Minako Aino, isang batang naghahangad maging idol na ginising ang Sailor Venus noong ilang buwan na nakalipas, kasama ang kanyang pusang si Artemis. Karagdagan pa nito, kinaibigan nila si Mamoru Chiba, isang mag-aaral sa mataas na paaralan na tinutulungan sila sa ilang okasyon bilang si Tuxedo Mask.
Ang mga titik ay isinulat ni Vehnee Saturno at ikinanta ni Angelika de la Cruz na Sana'y Madama. Ang melodiyang ay kaparehas ng Moonlight Densetsu. Karamihan sa mga awitin ay hindi na isinatagalog, Bagaman ang Moonlight Densetsu ay nanatili hanggang Kabanata 46.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Sailor Moon, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.