Ang Koala (Phascolarctos cinereus) ay isang hayop na kumakain ng halaman (herbiboro) na may pandak ngunit matipuno o siksik na pangangatawan na naninirahan at katutubo sa Australya.
Isa itong hayop na naninirahan sa puno (arboryal) at kabilang sa mga marsupial o mga hayop na walang plasenta ang mga babae, sa halip mayroon silang marsupium o supot sa labas ng tiyan na pinaglalagyan ng sanggol pang anak. Sila ang tanging umiiral pang kinatawan ng pamilyang Phascolarctidae.
Koala | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | Phascolarctidae |
Sari: | Phascolarctos |
Espesye: | P. cinereus |
Pangalang binomial | |
Phascolarctos cinereus (Goldfuss, 1817) |
Matatagpuan ang koala sa mga mabaybaying rehiyon ng silanganin at katimugang Australya, mula sa malapit na Adelaide hanggang sa katimugang bahagi ng Tangway ng Cape York. Umaabot din ang mga populasyon sa malalayong mga distansiya paloob ng lupain sa mga rehiyong mas sapat na pamamasa upang masuportahan ang mga lupaing magubat. Malawakang pinaslang ang mga koala ng Timog Australya noong maagang bahagi ng ika-20 daantaon, subalit muli nang napadami ang populasyon ng estado mula sa pinaglahian o angkang nasa Victoriano. Hindi natatagpuan ang koala sa Tasmania o Kanlurang Australya.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Phascolarctos cinereus, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.