Ang game development ay ang proseso ng pagbuo ng mga video game, isang uri ng software na tumatakbo sa mga elektronikong kasangkapan tulad ng kompyuter at mga game console.
Ilan sa mga popular na game console ngayon ay ang PlayStation Portable at Nintendo DS.
Maraming uri ng designer. Mayroong nagdidisenyo ng gameplay, ng mga lebel, atbp.
Ang visual artist ang gumagawa ng video game art.
Ang programmer ang gumagawa ng mismong software.
Ang manunulat gumagawa ng kuwento ng laro.
Bago ang produksiyon ng laro ay ang pagplaplano ng konsepto ng laro, paglagay ng balangkas sa isang game design document, at paggawa ng prototype ng laro.
Sa yugtong ito ginagawa ang mismong paggawa sa software, paglikha ng game art at testing. Kinakailangang patuloy na makipag-ugnayan ang mga miyembro ng development team sa isa't isa.
Maraming lenguahe ng programming ang maaaring gamitin upang makagawa ng video game tulad ng C++, Java, ActionScript, atbp.
Upang maging makatotohanan ang isang video game, kinakailangan ang simulation ng gravity, pwersa, pagtalbog, pagbanggaan ng dalawang bagay, atbp.
Ang mga karakter ng laro na hindi kontrolado ng manlalaro ay nagtataglay ng artificial intelligence (AI) upang makagawa ito ng desisyon kung ano ang dapat gawin o saan dapat pumunta.
Linalagyan ng musika, tinig ng pananalita ng mga karakter sa laro, at sound effects ang laro upang mas lalong maakit ang mga manlalaro.
Ang ilang larong mahigit isa ang manlalaro ay nangangailangan ng networking upang magtagpo at magkaroon ng interaksiyon ang mga manlalaro sa isa't isa.
Upang mas mapadali ang paggawa ng mga video game, maaaring gumamit ng mga game engine tulad ng Unity 3D at Torque.
Pagkatapos ng ng laro ay ang mass production, pagpapamahagi at pagbebenta ng video game.
Mahalaga ang pagkokonsidera ng karanasang matatamo ng manlalaro sa pagdidisenyo ng isang video game. Ang isang video game ay nararapat na magkaloob ng aliw. Kailangan ay mayroong dapat abutin ang manlalaro upang siya'y mahamon. Maganda ring mayroong gameplay variety o pagkakaiba-iba ng mga stratehiya upang makamit ang layunin ng laro. Importante rin ang gameplay consistency at fairness.
Ang pagdidisenyo ng gameplay ay ang pagdidisenyo at pagbabalanse ng game mechanics.
Sinasaklaw ng pagdidisenyo ng mundong kinalalagyan ng laro o game world ang pagpapasiya ng tema ng laro at pagdidisenyo sa kapaligirang ginagalawan ng mga manlalaro.
Kasama sa konstruksiyon ng mga lebel ng laro ang pagdidisenyo sa mga katangian nito at pagtatalaga ng antas ng kahirapan nito.
Ang pagsusulat ng laro ay tumutukoy sa paggawa ng mga dyalogo ng mga karater sa laro at ng mismong kuwento.
Ilang mga karaniwang naratibong ginagamit ay ang pagsupil sa halimaw, pagiging mahirap tungo sa pagiging mayaman, pakikipagsapalaran, paglalakbay at pagbalik, komedya, trahedya, at muling pagsilang o transpormasyon ng katauhan.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Pagpapaunlad ng mga larong bidyo, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.