Kayo

Ang kayo ay isang katawagan na kinabibilangan ng iba't ibang materyal na nakabatay sa hibla, kabilang ang hilatsa, estambre, sinulid, pilamento, iba't ibang uri ng tela, atbp.

Noong una, tumutukoy ang "kayo" sa mga hinabing tela.(p3)(p5) Bagaman, ang paghahabi ay hindi lamang kaparaanan ng pagmamanupaktura, at maraming ibang kaparaanan ang ginawa sa kalaunan upang buuin ang mga istrakturang tela batay sa nilayong gamit nito. Ang paggagantsilyo at di-hinabi ay ibang popular na uri ng pagmamanupaktura ng tela. Sa mundong kontemporaryo, napupunan ng kayo ang materyal na kailangan para sa mga aplikasyong maraming nagagawa, mula sa payak an pananamit hanggang sa dyaket na di-tinatablan ng bala, kasuotang pangkalawakan, at kasuotan ng doktor.

Nahahati ang kayo sa dalawang pangkat: ang mga kayong pangkonsyumer para mga layuning domestiko at kayong teknikal. Sa mga kayong pangkonsyumer, ang estetika at pagiging komportable ang pinakamahalang tinitingnan sa ganitong uri, habang sa mga kayong teknikal, mas priyoridad ang mga katangiang punsyonal o lubusang magagamit.

Ang mga heotekstil, kayong pang-industriya, kayong medikal, at maraming iba pang larangan ay mga halimbawa ng kayong teknikal, habang ang damit at palamuti sa damit ang halimbawa ng mga kayong pangkonsyumer. Ang bawat bahagi ng produktong kayo kabilang ang hibla, estambre, tela, pagproseso, at pantapos, ay nakakaapekto sa produktong gawa na. Maaring iba't iba ang mga produktong kayo habang pinipili ang kanilang layunin at kaangkupan.

Terminolohiya

Kayo 
Tela sa isang tindahan

Tela

Ang tela ay isang bagay na maraming gamit na tipikal na ginawa sa pamamagitan ng proseso ng paghabi, pagpiyeltro, o paggagantsilyo gamit ang likas o sintetikong materyal. Bagaman ang tela ay isa uri ng kayo, hindi lahat ng kayo ay maaring iuri bilang tela dahil sa pagkakaiba sa kanilang proseso ng pagmamanupaktura, katangiang pisikal, at nilayong gamit. Ang mga materyal ay hinabi, ginantsilyo, binungkos o binuhol bilang tela, habang ang wallpaper (papel pandingding), mga produktong tapiseryang plastik, alpombra, at hindi hinabing materyal ay maaring ituring kayo.(p207)

Mga sanggunian

Tags:

EstambreHabing telaKalawakanPagmamanupakturaPananamit

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

LuslosKuomintangKagawaran ng AgrikulturaTeoryang pampanitikanCarlos P. GarciaKritikal na pag-iisipBawal na gamotTukoKagawaran ng Repormang PansakahanMga wika sa PilipinasDatuVietnamKapangyarihang AksisPamayananKatipunan ng mga KarapatanPigsaDaunganLayonRodrigo DuterteSenado ng PilipinasPangasinanQuezonSangguniang BarangayIbong AdarnaHimagsikang PransesLabanan sa MactanMonologoKarahasanLuha ng BuwayaCorazon AquinoEspanyaPananahiAlmuranasPang-ukolPag-ibig sa Tinubuang LupaKanlurang AsyaGomburzaMiriam Defensor–SantiagoArsobispoAung San Suu KyiMalaysiaSultanato ng MaguindanaoLapulapuKatinigSingaw (sakit)PantasyaSalagubangSekularisasyonTributoKonstruksiyonKasarianKumbentoKathang-isipMonopolyoIsabelo de los ReyesLabanan sa BritanyaKasaysayan ng PilipinasBenigno Aquino IIIIndonesiaKarapatang sibil at pampolitikaBaguioPista ng PanagbengaMga Gobernador-Heneral ng PilipinasPanlililokMga pambansang sagisag ng PilipinasMyanmarÑLope K. SantosEduardo V. ManaloGloria Macapagal ArroyoPangulo ng Estados UnidosMarcelo H. del PilarGrin DepartmentPolitikaLea SalongaMatinding DepresyonTalumpatiPatakarang bukas na pintoBalut🡆 More