Impraestruktura: Mga pasilidad at serbisyong naglilingkod sa lipunan

Tumutukoy ang imprastruktura o suludkayarian sa mga pasilidad at sistema na kailangan para suportahan ang isang bansa, lungsod o iba pang lugar, at saklaw nito ang mga serbisyo at pasilidad na kailangan sa pagtatakbo ng ekonomiya, sambahayan, at kompanya nito.

Binubuo ang imprastruktura ng mga pampubliko at pampribadong estruktura katulad ng mga daanan, daambakal, tulay, suplay ng tubig, alkantarilya, linya ng kuryente at telekomunikasyon (kasama ang pagkonekta sa internet at broadband). Nabigyang-kahulugan ang imprastruktura bilang "mga pisikal na bahagi ng mga sistemang magkakaugnay na nagbibigay ng mga kalakal at serbisyong kailangan upang paganahin, pasustentuhin, o pahusayin ang mga kondisyon ng pamumuhay ng lipunan" at panatilihin ang kapaligiran.

Impraestruktura: Mga pasilidad at serbisyong naglilingkod sa lipunan
Ang prinsa ng Upper Tabuating sa Heneral Tinio, Nueva Ecija

Sa konteksto ng mga napakalaking pagbabago sa lipunan na kailangan upang maibsan at umakma sa pagbabago ng klima, nakatuon ang mga usapan sa kontemporaryong impraestraktura sa likas-kayang pag-unlad at berdeng imprastruktura. Yamang kinikilala itong kahalagahan, nakalikha ang internasyonal na komunidad ng mga patakaran na nakatuon sa likas-kayang imprastruktura sa pamamagitan ng Mga Layunin sa Likas-Kayang Pag-unlad, lalo na ang ika-9 na Layunin, "Industriya, Inobasyon at Imprastruktura".

Isang paraan para mailarawan ang mga iba't ibang uri ng imprastruktura ang paghahati sa dalawang uri: kongkreto at abstrakto. Tumutukoy ang kongkretong imprastraktura sa mga pisikal na kabalagan na kailangan upang mapatakbo ang isang modernong lipunang industriyal o industriya. Kabilang dito ang mga kalsada, tulay, at daambakal. Tumutukoy naman ang abstraktong imprastruktura sa lahat ng mga institusyon na nagpapanatili ng mga pamantayan ng bansa sa mga larangan ng ekonomika, kalusugan, lipunan, kalikasan, at kultura. Kasama rito ang mga programang pang-edukasyon, opisyal na estadistika, liwasan at pasilidad pang-aliwan, mga ahensyang nagpapatupad ng batas, at mga serbisyong pang-emerhensya.

Mga sanggunian

Tags:

Biyaheng daambakalDaananInternetTelekomunikasyonTulay

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

ApogAmpalayaBekeBulaklak ng MayoAndrés BonifacioTeknolohiyaFrancisco BalagtasWatawat ng PilipinasDiperensiyang narsisistiko na personalidadTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoPampangaBatas militarNegosyoIkatlong Republika ng PilipinasPandemya ng COVID-19 sa PilipinasPagtotrosoKatarunganHaribonPista ng MorionesTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasIsraelKawayanManuel RoxasHimagsikang PilipinoKorupsiyon sa PilipinasKaunlaranAlemanyang NaziMalaysiaTrangkasoHeneral SantosLuwadHabagatInhinyerong konstruksyonTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasCagayan de OroManggaNorzagarayAti-AtihanPandanggoPagbabawasEduardo V. ManaloMarxismoLayonMarcelo H. del PilarHolokaustoPagkamakabansaLipunanSilang, KabiteSan Jose del MonteUsogGregoria de JesusAnyong tubigGregorio del PilarKilusang kababaihanSerbesaKikilCOVID-19PamayananTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasBaguioIskwalang panubokJosé de la CruzKasaysayanAlagawSakit sa pag-iisipPamamanhikanArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaSistemang pang-ekonomiyaPagtutuliDiosdado MacapagalPagpapatiwakalTsinaGraciano López JaenaPaglilingkod sa pamayananJudy Ann SantosKalinisang-puriKadayawan🡆 More