Dwight D. Eisenhower

Si Dwight D.

Eisenhower ay ang ika-34 na Pangulo ng Estados Unidos. Kilala siya sa buong mundo bilang heneral na nagdulot ng tagumpay para sa Magkaalyadong sandatahan (Allied forces) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya rin ang kilalang pangulo na nagpakalma sa pagitan ng dalawang Korea dulot ng Digmaang Koreano, gayundin sa pagpapakalma noong Malamig na Digmaan sa pagitan naman ng Estados Unidos at Unyong Sobyet.

Dwight David Eisenhower
Dwight D. Eisenhower
Opisyal na larawan ni Eisenhower noong Hulyo 1956
Ika-34 Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
Enero 20, 1953 – Enero 20, 1961
Pangalawang PanguloRichard Nixon
Nakaraang sinundanHarry S. Truman
Sinundan niJohn F. Kennedy
Pansariling detalye
Ipinanganak14 Oktubre 1890(1890-10-14)
Denison, Texas
Namatay28 Marso 1969(1969-03-28) (edad 78)
Washington, D.C.
KabansaanAmerican
Partidong pampolitikaRepublican
AsawaMamie Eisenhower
AnakDoud
John

Sa Pilipinas

Sa nangyaring pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, pumirma si Franklin D. Roosevelt ng ehekutibong utos na magtatalaga ng benepisyo para sa mga beteranong Pilipino. Subalit hindi ito nasang-ayunan ng mga tagapayong militar ni Roosevelt, kasama na si dating heneral Dwight Eisenhower. Partikular na nangatuwiran si Eisenhower na ang sapat na pwersa upang mabawi ang Pilipinas ay hindi maaaring tipunin nang hindi masasaktan ang pagsisikap sa digmaan sa Europa.

Nang makamtan ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946, tutol si Eisenhower sa desisyon ng Estados Unidos na panatilihin ang kanilang mga military bases (U.S. military bases) sa loob ng Pilipinas. Ayon sa kanya, masmakabubuti na magkaroon ng positibong relasyon ang dalawang bansa at tratuhing kaibigan ng Amerika ang bansang Pilipinas.

Pagkatapos ng kamatayan ni dating pangulong Ramon Magsaysay ng Pilipinas, nagbigay ng mensahe si Eisenhower na ang kanyang pagkamatay ay "isang kawalan ng mga Pilipino sa Republika ng Pilipinas at kawalan ng isang matapang na tagapagtanggol ng kalayaan sa isang malayang daigdig."

Kilala si Eisenhower bilang ang kauna-unahang pangulo ng Amerika na bumisita sa Pilipinas. Ito ay nangyari noong Hunyo 14–16, 1960 sa administrasyong Carlos P. Garcia. Naging sentro ng kanilang pagkikita ang pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa. Pinag-usapan din nila ang nangyayaring paglawig ng impluwensyang komunismo sa rehiyon lalong-lalo na sa mga babalang ginawa ng Komunistang Tsina.

Mga sanggunian

Tags:

Digmaang KoreanoDigmaang MalamigEstados UnidosIkalawang Digmaang PandaigdigKoreaPangulo ng Estados UnidosUnyong Sobyet

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Kasunduan sa NanjingIkalawang Digmaang Sino-HaponesInternetPasaySurotDaunganMakamisaPandanggoTalampasSalitaKarapatanAIDSLiksiPanghalipImpraestrukturaPunoOrasanNueva EcijaBoracayBawal na gamotNur MisuariNazismoCriza TaaLorenzo RuizSeverino ReyesKasunduan sa VersaillesSaranggolaUnang HiritUlapPalakasanKatauhang pangkasarianAnimasyonPosisyong papelTambalanGABRIELAAnahawTransportasyon sa PilipinasEpektong greenhouseApolinario MabiniKanser sa susoBiyenanSosyalismoSilangang AsyaGaroteRebolusyong EDSA ng 1986Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaMga PilipinoKongreso ng PilipinasMithiinAnyong lupaBanaag at SikatKarapatang sibil at pampolitikaBahay na batoKomunismoBayan KoReporma sa lupaBalbalKasoyDi-kathang isipPagtotrosoBulkanPamamaraang parlamentaryoEduardo V. ManaloGamugamoDinamika (musika)SugalLipa, BatangasBundok PinatuboMga katutuboLabanan sa BritanyaTuguegaraoHolokaustoTalasalitaanSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987Penomenolohiya (pilosopiya)Alpabetong FilipinoCaloocanJollibeeWatawat ng Pilipinas🡆 More