Biseksuwalidad

Ang Biseksuwalidad (literal na pang- o para sa dalawang kasarian at karaniwan ding tinatawag na silahis) ay isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong pangkasarian na kinasasangkutan ng pangkatawan o maromantikong pagkabighani ng tao sa kapwa mga lalaki at pati sa mga babae.

Isa ito sa tatlong pangunahing mga kaurian ng oryentasyong seksuwal, kasama ng heteroseksuwalidad at ng homoseksuwalidad, at lahat ay bahagi ng kontinuum na heteroseksuwal-homoseksuwal. Ang panseksuwalidad ay maaari o hindi maaaring idagdag bilang kabahagi ng biseksuwalidad, na may ilang mga mapagkukunang mga babasahin ang nagsasaad na ang biseksuwalidad ay tumatagos sa pagkaakit na seksuwal o romantiko sa lahat ng mga katauhang pangkasarian. Ang mga taong may kakaiba ngunit hindi panggayong kagustuhan para sa isang kaharian sa ibabaw ng iba ay maaari ring ipakilala ang kanilang mga sarili bilang biseksuwal, samantalang ang mga taong walang pagkabighaning seksuwal sa kahit anumang kasarian ay nakikilala bilang mga aseksuwal (nasa kalagayan ng aseksuwalidad).

Biseksuwalidad
Biseksuwalidad
Biseksuwalidad
Ang watawat ng pagmamalaki ng mga taong biseksuwal. Ang rosas ay nangangahulugan ng pagkaakit sa kaparehong kasarian (homoseksuwalidad), ang bughaw ay may ibig sabihing pagkabighani sa kabaligtad na kasarian (heteroseksuwalidad), at ang purpura ay nangangahulugan ng biseksuwalidad (rosas + bughaw = purpura).

Mapupuna ang biseksuwalidad sa sari-saring mga lipunan ng tao at pati na rin sa ibang lugar sa kaharian ng mga hayop sa kahabaan ng naitalang kasaysayan. Subalit, ang katagang biseksuwalidad, katulad ng heteroseksuwalidad at homoseksuwalidad, ay naimbento noong ika-19 daantaon.

Katayuan sa lipunan

Dahil nararamdaman ng ilang mga taong biseksuwal na hindi sila akma sa alin mang homoseksuwal o heteroseksuwal, at dahil mayroon silang pagkakataong "hindi makita" o "invisible" sa publiko, ang ilang mga taong biseksuwal ay nagpapasiyang bumuo ng sarili nilang pamayanan, kultura at mga kilusang pampolitika. Ang ilan naman na ang pagkakakilanlan nila ay biseksuwal ay maaaring umanib alinman sa mga lipunang homoseksuwal o heteroseksuwal. Gayunman, nakikita ng ilang mga biseksuwal ito bilang sapilitang pag-anib o bisexual erasure kaysa sa kusang-loob; maaaring maharap ang mga taong biseksuwal sa biphobia o pag-iwas mula sa mga homoseksuwal at heteroseksuwal na lipunan kapag sila ay lumantad.

Mga sanggunian

Tags:

AseksuwalAseksuwalidadBabaeHeteroseksuwalidadHomoseksuwalidadKasarianKatauhang pangkasarianLalakiOryentasyong seksuwalPanseksuwalidad

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Panahon (meteorolohiya)MasoManugangRamon MagsaysaySamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaKaugaliang PilipinoBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasGMA NetworkSeverino ReyesMilanJuan Crisostomo SotoMuhammad Dipatuan KudaratMoralidadHumanismoMag-aaralPariralaSanaysayPanatang MakabayanProklamasyon Blg. 1081BataanTalasalitaanKatipunan ng mga KarapatanDigmaang KoreanoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoBatangasHinuhaTambalanElpidio QuirinoWoodrow WilsonMarilaoPagsasalinLakandulaBahay Kubo (katutubong awit)San Pedro, LagunaEtikaKarahasan laban sa kababaihanBagyong OndoyLGBTPunoAdolf HitlerBongbong MarcosBarangayBuod (paglilinaw)BundokGaroteKatamKasaysayanArtikuloPilipinoFranklin D. RooseveltLilaEksomunyonIlog PasigMga lalawigan ng PilipinasSapilitang trabahoJus sanguinisPilosopiyaSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987TalampasCaloocanEspanyaAghamKaranasanFidel V. RamosLihamRabiesNoto (tipo ng titik)LambingParañaqueKundolTrangkasoTekstoBayawakAlak-alakanDasmariñasTimog-silangang AsyaIrogJosé RizalPangulo ng Estados Unidos🡆 More