Adan

Si Adan (Ingles: Adam, Hebreo: אָדָם)) ay, ayon sa literal na pagkakaunawa sa Aklat ng Henesis, ang unang tao at unang lalaking nilalang ng Diyos at naitala sa mga sumunod na mga komentaryong Hudyo, Kristiyano at Islamiko.

Si Eba—ang pangalawang tao at unang babae—ang kaniyang asawa. Sinuway ni Adan ang kalooban ng Diyos, na naging dahilan ng pagkakaroon ng kasalanan at kamatayan sa mundo. Siya ay may tatlong anak na si Cain, Abel at si Seth noong siya ay 130 na taong gulang na.

Adan
Ang Ang Paglalang kay Adan ni Michelangelo, isang fresco na nasa kisame ng Kapilang Sistine. Nasa kaliwa si Adan, samantalang nasa kanan ang Diyos na Maykapal.

Kahulugan ng pangalan

Nangangahulugang sangkatauhan ang pangalang Adan, na kaugnay ng mga salitang Ebreong adam na katumbas ng "tao" at ng adamah o "lupa."

Edad ni Adan

Ayon sa paglalahad sa Aklat ng Henesis, nabuhay hanggang sa edad na 930 si Adan. Sa kabuoan ng Henesis, binabanggit na nabuhay ang mga tao sa mga pambihira at labis na mahahabang kapanahunan, mga dadaaning mga taon. Ipinapaliwanag sa 500 Questions & Answers from the Bible (o "Limandaang mga Katanungang at Kasagutan mula sa Bibliya"), na pinatnugutan ni Mark Fackler, na marahil ay pinahaba at dinugtungan ng Diyos ang mga unang buhay na ito para sa ilang mga kadahilanan sapagkat kakaunti lamang ang bilang ng tao sa mundo noong mga kapanahunang iyon at mas malaki ang pangangailangan sa pagkakaroon at pagpapalaki ng mga supling. Gayon din, sinasabi pa ring hindi pa "matatag" ang mga pagkakaroon ng mga digmaan, tag-gutom, karamdaman, at mga krimen noon; hindi katulad sa kasalukuyan. Isa pang nabanggit na paliwanag na maaaring mga sagisag, sa halip na literal, ang kahulugan ng mga bilang ng edad na nasa Aklat ng Henesis. Kalimitang malaya sa pagbubuo, pagbibilog, o pagkukumpleto ng mga bilang mga manunulat ng mga aklat ng Bibliya, subalit hindi ibig sabihin nitong hindi tumpak ang mga ito, ngunit iba lamang ang gawi nila sa paggamit ng mga bilang noon kesa ngayon.

Kaugnayan kay Hesus

May paghahambing sa pagitan ni Adan at kay Hesus. Itinutulad si Hesus kay Adan sapagkat si Hesus ang nagsisilbing bagong simula para sa mga tao. Sinasabing si Hesus ang nagdala ng bagong buhay sa mga taong naniniwala kay Hesus.

Tingnan din

Sanggunian

Adan Adan  Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Adan Kahulugan ng pangalanAdan Edad ni Adan Kaugnayan kay HesusAdan Tingnan dinAdan SanggunianAdanAbelAklat ng HenesisAsawaBabaeCainDiyosEbaSethUnang lalakiUnang taoWikang HebreoWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

BangsamoroKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaSingaw (sakit)Pagbabago ng klimaDawagGitaraAklatanSandatahang Lakas ng PilipinasSasakyang panghimpapawidJus soliSigarilyoAltapresyonPambansang Pulisya ng PilipinasReporma sa lupaBundok PinatuboAlmuranasPanaguriDigmaang Pilipino–AmerikanoEl filibusterismoKapitalismoPaglilitisKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)PamilihanLabanan sa BritanyaPariralaMithiinWikang KastilaLupang HinirangKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasKarapatang pantaoEkonomiyaManuel RoxasAmpalayaArtikuloKuwentong-bayanHenerasyong ZPamahalaanKagawaran ng Kalakalan at IndustriyaPagmiminaMahatma GandhiPang-ukolKumbentoIkalawang Digmaang Sino-HaponesPang-abayLihamDasmariñasAnayEksomunyonDaigdigKasuotanBayanKasaysayan ng PilipinasPropesyonGubatBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasEfren PeñafloridaChiang Kai-shekLiwasang RizalKasoyAnyong tubigSpoliariumAmihanDamdaminPamangkinIbonKomisyon sa Wikang FilipinoSikolohiyaEnsiklopedyaAraw ng KalayaanPantasyaSeksuwal na panliligaligMoro-moroDatuPasismoTahananPartidong NaziPunoPananampalatayaPartido Komunista ng Tsina🡆 More