Ika-21 Dantaon

Ang ika-21 dantaoon sa 123 bilang ng dantaon, (taon: AD 2001 – 2100), ay ang kasalukuyang siglo ng panahong Anno Domini o Karaniwang Panahon, sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano.

Nagsimula ito noong 1 Enero 2001 at magtatapos sa 31 Disyembre 2100. Ang ika-21 dantaon ang unang dantaon sa ikatlong milenyo.

Milenyo: ika-3 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  2000 dekada 2010 dekada 2020 dekada 2030 dekada 2040
dekada 2050 dekada 2060 dekada 2070 dekada 2080 dekada 2090

Namarkahan ang simula ng ika-21 siglo ng pagbangon ng pandaigdigang ekonomiya at konsumerismo sa Ikatlong Mundo, na pinalalim ang pandaigdigang pag-aalala sa terorismo at pribadong negosyo. Nagpatuloy ang mga epekto ng pag-init ng mundo at pagtaas ng antas ng dagat, kasama ang pagkawala ng walong pulo sa pagitan ng 2007 at 2014. Nagdulot ang Arab Spring noong unang bahagi ng dekada 2010 sa magkahalong kinalabasan sa mundong Arabe, na nagresulta sa mga digmaang sibil at pagpapatalsik sa mga pamahalaan. Nanatili ang Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang bansa, habang tinuturing ang Tsina na umuusbong na pinakamakapangyarihang bansa.

Noong 2017, namuhay ang mga kalahati (49.3%) ng populasyon ng mundo sa "ilang uri ng demokrasya," bagaman 4.5 bahagdan lamang ang namuhay sa buong demokrasya.

Lumawak ng malaki ang Unyong Europeo na dinagdag ang 13 kasaping estado. Pinakilala ng karamihan sa mga kasaping estado ang isang karaniwang pananalapi, ang Euro, at kumalas ang Reino Unido sa pagiging kasapi ng Unyong Europeo. Noong 2020, kumalat sa buong mundo ang pandemyang COVID-19, na nagdulot sa malubhang pagkagambala sa ekonomiya, kabilang ang pinakamalaking pandaigdigang resesyon mula noong Dakilang Depresyon.

Nagpatuloy ang Ikatlong Rebolusyong Industriyal na nagsimula noong mga dekada 1950 hanggang sa huling bahagi ng ika-20 dantaon, at nagsimula ang transisyon nito sa Industry 4.0 at ang Ikaapat na Rebolusyong Industriyal sa simula ng ika-21 dantaon.

Sa paglaganap ng mga kagamitang mobile (tulad ng teleponong selular), nakakonekta sa internet ang higit sa kalahati ng populasyon ng mundo (taya noong 2018).). Pagkatapos ng tagumpay ng Human Genome Project, nagkaroon ng serbisyo ng pag-sequence ng DNA at ito ay abot-kaya.

Teknolohiya at lipunan

Ika-21 Dantaon 
Ang distrito ng Pudong Shanghai noong Nobyembre 2017

Ang Shanghai, Tsina ay isa sa mga pangunahing sentro at makabagong teknolohiya sa daigdig kasama ang Beijing. Maging mga lungsod sa California, Bagong York at Massachusetts ang mga lugar na may pinakauna at pinabilis sa mga teknolohiya at kagamitan.

Galeriya ng Kasaysayan

Mga sanggunian

Tags:

Anno DominiIkatlong milenyoKalendaryong GregoryanoKaraniwang PanahonSiglo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaSara DuterteTransportasyon sa PilipinasDekada '70 (pelikula)NgHardinUnang Digmaang OpyoKooperatibaTalumpati sa Kalagayan ng Bansa (Pilipinas)KapitalismoBadmintonHenry HudsonNigeriaHabeas corpusKasaysayanUnang PahinaKongreso ng PilipinasMga IgorotArko ni NoePang-aapi sa InternetSakit na naipapasa sa pakikipagtalikAbakaAnunnakiAti-AtihanIkalawang Digmaang PandaigdigMangiferaBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasPagsusuriLikas na yamanInhenyeriyaNingas-kugonPaninigarilyoKomisyon sa Wikang FilipinoDiego SilangPosisyong papelAbogadoKagawaran ng Ugnayang PanlabasPandemyaPamahiinSan Mateo, RizalSarimanokSistemang pang-ekonomiyaDaliri sa kamayBatas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012United KingdomBadjaoUnang KrusadaSakit sa ibaba ng likodGawad sa Manlilikha ng BayanCariñosaTukoNapoleon AbuevaWilliam HarveyPetrarcaEkonomiyaApolinario MabiniKagawaran ng Pananalapi (Pilipinas)Lanao del NorteKultura ng AsyaMahal na ArawAmado V. HernandezFanny GarciaMacario SakaySWikang FilipinoDiborsiyoPasyon (Kristiyanismo)NobelaTalumpatiBayanTalaan ng mga bansa at teritoryo ayon sa lawakPang-abayBaro't sayaMga BisayaMga Gobernador-Heneral ng PilipinasPang-ukolGeorge Washington🡆 More