May ilang mga nilalaman na maaaring pumasa bilang isang kandidato para sa mabilisang pagbura. Kung hindi, maaaring burahin ng isang tagapangasiwa sa loob ng limang araw kung walang tumututol sa proseso ng pagmungkahi. O kaya, maaaring buksan ang isang pagtatalo ng isang tagagagamit sa isa sa mga pahinang nakatala sa ibaba. Gamitin ang suleras na {{Mungkahi-burahin}} para sa pagmumungkahi ng pagbura, kasama ang dahilan ng paghiling mo. Kung minsan, ginagamit din ang {{Burahin}} para sa kahilingan ng mabilisang pagbura. Subalit mas minumungkahi ang paggamit ng {{Mungkahi-burahin}}.
Binubura ang mga pahina o lathalain (maging mga larawan) kahit walang usapan dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
B1: Walang nilalaman ang artikulo. Kabilang dito ang mga artikulong napakaikli na walang sapat na impormasyon sa matagal na panahon lalo na iyon mga ginawa ng mga tagagamit na naglalayon lamang na paramihin ang artikulo at di paunlarin, mga artikulong puro panlabas na link lamang at mga artulong puro outline o balangkas lamang. Sa mga napakaikling artikulong walang sapat na impormasyon, may palugit ang nag-ambag nito na dagdagan ang impormasyon (karaniwang mga dalawang linggo mula sa unang pagkakatala). Kapag walang nadagdag sa palugit, maari na itong burahin. Walang palugit na ibibigay sa mga malawakang pagdaragdag ng mga pahinang walang sapat na impormasyon. Bilang konsiderasyon sa mga hindi malawakang pagdaragdag, kung hindi napalawig ang artikulo sa binigay na palugit, maari itong gawing redirect, o burahin at ilipat sa subpahina ng orihinal na may-akda o sa subpahina ng Wiki: Balangkas bilang balangkas. Maaring mabalik ito sa pangunahing espasyo kapag napalawig na at may sapat na impormasyon.
B2: Walang konteksto
B3: Walang saysay ang nilalaman ng lathalain
B4: Hindi pa sapat ang notabilidad ng paksa o walang indikasyon ng pagiging mahalaga
B5: Hindi Tagalog ang lathalain. Karaniwang ginagamit ang panandang {{Hinditagalog}} para bigyan ng palugit ang nagtala o nag-ambag na isalin ito (karaniwang mga dalawang linggo mula sa unang pagkakatala). Subalit kung hindi nagkaroon ng pagbabago, binubura ang pahina, maliban na lamang kung may mga bahaging nakasalin sa Tagalog. Sa kasong ito, pinapanatili ang naka-Tagalog habang ikinukubli o inaalis naman ang mga hindi nasa wikang Tagalog. Para sa pagsasalin, tingnan ang WP:Salin.
B6: Malinaw na paglabag sa karapatang-ari (kung hindi nabago o napainam ayon sa panuntunan ng Tagalog Wikipedia)
B7: Bandalismo o pambababoy
B8: Pagusbok na pahina (kabilang ang mga pahina sa ilalim ng isang Burador o Sandbox ngunit hindi ang mismong burador)
B9: Paglikha muli ng pahina na binura dahil sa usaping naganap (maliban na lamang kung di na nailalapat ang mga argumento na binigay sa usapan)
B10: Mga aksyon ng opisina. Sa bihirang pagkakataon, ang Pundasyong Wiki ay maaring magbura ng pahina. At maari lamang itong ibalik kung papayag ang Pundasyon.
B11: Mga pahina o larawan na nanghahamak, nagbabanta, nanakot, nangigipit ng paksa, tao o entidad na kanilang sinulat at walang ibang layunin
B12: Malinaw na spam o promosyon o patalastas
B13: Mga artikulong naka-transwiki
B14: Hiniling ng may-akda (kung hiniling na may mabuting katapatan at kinakailangang malaki ang inaambag sa pahina ang may-akda, mabubura ang pahina)
B15: Teknikal na pagbura
B16: Mga pahinang sinalin ng software o machine-translated o ang karamihan ng pahina ay di maaayos ang pagkasalin
B17: Mga pahinang nilikha ng hinarang na tagagamit habang nakaharang
B18: Mga pahinang dumidepende sa binurang pahina o pahinang wala naman talaga. Halimbawa, kung lumikha ng Usapang pahina na wala namang katumbas na Artikulong pahina.
B19: Inabandonang balangkas o draft
B20: Halatang inimbento
B21: Kategoryang walang laman
B22: Sa pahinang tagagamit, maliwanag na hindi tamang paggamit sa Wikipedia bilang isang web host. Ang mga pahina ng tagagamit ay naglalaman ng mga sulatin, impormasyon, diskusyon, at/o ibang mga aktibidad na wala o hindi malapit ang kaugnayan sa mga hangarin ng Wikipedia, kung saan ang may-ari ng pahinang tagagamit ay gumawa ng ilan o walang patnugot sa labas ng kanyang pahinang tagagamit.
Hindi pagbura
May mga kasong hindi buburahin ng tagapangasiwa
Ayon sa napagkasunduan sa usapan.
Kung mapapainam naman ang artikulo o nilalaman nito. Maaari gawin ng isang wikipedista o tagapangasiwa ang pagpapainam at pagdaragdag ng kaalaman sa loob ng lathalain.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Wiki:Pagbura ng mga pahina, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses. ®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.