Mga Wikang Uraliko

Ang mga wikang Uraliko ay isang pamilya ng wika na may 38 wika na sinasalita ng halos 25 milyong katao, nakararami sa Hilagang Eurasya.

Ang mga wikang Uraliko na may pinakamaraming katutubong nagsasalita ay Unggaro, Pinlandes at Estonyo, habang kabilang sa mga iba pang makabuluhang wika ang Erzya, Moksha, Mari, Udmurt, Sami at Komi, na sinasalita sa mga hilagang rehiyon ng Eskandinabiya at Pederasyon ng Rusya.

Uraliko
Distribusyong
heograpiko:
Gitnang, Silangang, at Hilagang Europa, Hilagang Asya
Klasipikasyong lingguwistiko:Isa sa mga pangunahing pamilya ng wika sa mundo
Proto-wika:Proto-Uraliko
Mga subdibisyon:
Pines
Mari
Mordibiniko
Permiko
Sami
Samoyedo
ISO 639-5:urj
Mga Wikang Uraliko
Herograpikal na distribusyon ng mga wikang Uraliko
Mga Wikang Uraliko
Mga wikang Uraliko (pinagdedebatihan ang Meänkieli, Kven at Ludiko)

Nanggagaling ang pangalang "Uraliko" mula sa orihinal na lupang tinubuan ng pamilya (Urheimat) na karaniwang hinihipotisang nasa may Bulubundukin ng Ural.

Paminsan-minsan, ginagamit ang Pino-Ugriko bilang singkahulugan ng Uraliko, ngunit malaganap na nauunawaan na hindi isinasama ang mga wikang Samoyedo sa Pino-Ugriko. Maaaring tratuhin ang dalawang salita bilang magkasingkahulugan ng mga iskolar kung hindi nila tinatanggap ang tradisyonal na pagkaunawa na naghiwalay muna ang Samoyedo mula pamilyang Uraliko.

Kasaysayan

Lupang tinubuan

Kabilang sa mga iminungkahing lupang tinubuan ng wikang Proto-Uraliko ang:

  • Sa kapaligiran ng Ilog Volga, kanluran ng mga Ural, malapit sa Urheimat ng mga wikang Indo-Europeo, o sa may silangan at timog-silangan ng mga Ural. Ayon kay Gyula László, isang mananalaysay, nagmula ito sa kagubatan sa gitna ng Ilog Oka at gitnang Polonya. Ayon naman kina E. N. Setälä at M. Zsirai, ito ay nasa gitna ng Ilog Volga at Ilog Kama. Ayon kay E. Itkonen, umabot hanggang sa Dagat Baltiko ang lugar ng mga ninuno. Nakikilala ni Jaakko Häkkinen ang Proto-Uraliko sa pamamagitan ng Eneolitikong kultura ng Garino-Bor (Turbin) noong 3,000-2,500 YBP sa may Basin ng Mababang Kama.
  • Iminumungkahi ni P.  Hajdu na ang lupang tinubuan ay nasa may kanlurang at hilagang-kanlurang Siberia.
  • Iminumungkahi ni Juha Janhunen na ang lupang tinubuan sa gitna ng mga lagusan ng Ob at Yenisei sa Gitnang Siberia.

Katibayan sa henetika

Ang likas na palatandaang henetiko ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko ay haplogrupong N1c-Tat (Y-DNA). Nakahihigit ang N1b-P43 kaysa sa N1c sa mga taong Samoyedo. Nagmula ang haplogrupong N sa hilagang bahagi ng Tsina noong 20,000–25,000 years BP at kumalat sa hilagang Eurasia, mula Siberia patungo sa Hilagang Europa. Madalas nakikita ang subgrupong N1c1 sa mga taong di-Samoyedo, N1c2 naman sa mga taong Samoyedo. Bilang karagdagan, ang haplogrupong Z (mtDNA), na natatagpuan na may mababang dalas sa mga Saami, Pinlandes, at Siberyano, ay may kaugnayan sa pandarayuhan ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko.

Noong 2019, nasumpungan ng isang pagsusuri batay sa henetika, arkeolohiya, at lingguwistika na dumating ang mga nagsasalita ng Uraliko sa rehiyong Baltiko mula sa Silangan, lalo na mula sa Siberia, sa simula ng Panahon ng Bakal noong mga 2,500 taong nakalipas.

Mga unang patotoo

Ang unang mapapaniwalang pagbanggit ng mga taong nagsasalita ng isang wikang Uraliko ay nasa Germania ni Tasito (s. 98 PK), na nagbanggit sa mga Fenni (karaniwang binibigyang-kahulugan bilang tumutukoy sa mga Sami) at dalawa pang posible na tribong Uraliko na nakatira sa mga pinakamalayong bahagi ng Eskandinabiya. Marami pang mga posibleng naunang pagbanggit, kabilang dito ang Iyrcae (posibleng may kaugnayan sa Yugra) na inilarawan ni Herodoto na nakatira sa kung ano ngayon ang Europeong Rusya, at mga Budini, na inilarawan ni Herotodo bilang mga may mapulang-buhok (isang pagkakakilanlang katangian ng mga Udmurt) na nakatira sa hilagang Ukranya at/o mga katabing bahagi ng Rusya. Sa hulihan ng ika-15 dantaon, ibinigay-pansin ng mga Europeong iskolar ang pagkakahawig ng mga pangalang Hungaria at Yugria, ang mga pangalan ng mga pamayanan pasilangan ng Ural. Ipinalagay nila na may koneksyon ngunit hindi sila naghanap ng ebidensya sa lingguwistika.

Mga sanggunian

Tags:

Mga Wikang Uraliko KasaysayanMga Wikang Uraliko Mga sanggunianMga Wikang UralikoEurasyaPamilya ng wikaPederasyon ng RusyaScandinaviaWikaWikang ErzyaWikang EstonyoWikang FinlandesWikang MokshaWikang UdmurtWikang Unggaro

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

CariñosaHalalanHomoseksuwalidadTahananBulacanTawasLalawigan ng PaviaEdukasyonAnekdotaTeoryaSucesos de las Islas FilipinasJose P. LaurelSikhismoPang-aabusong seksuwalMeycauayanLiwasang RizalSigarilyoUrdanetaTalaarawanEpikoGawad sa Manlilikha ng BayanBurol (seremonya)Kasangkapang pangtugtogImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoLalakiPakikipanayamKagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanIglesia ni CristoOrganisasyong di-pampamahalaanSandatahang Lakas ng PilipinasPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoImperyong OtomanoBagyong Paeng (2022)SepoyTalumpatiLohikaHimagsikang PilipinoCorazon AquinoPaunang lunasDigmaang Pilipino–AmerikanoMaynilaBongbong MarcosBaro't sayaPaninigarilyoBulaklak ng MayoHuling PaalamOptimismoIspiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasSuper Bagyong OdetteSaligang batasMalabonTulinganDigmaang NapoleonikoDigmaang Ruso-UkranyoLimang Haligi ng IslamBuwan ng KababaihanNelson MandelaAntropolohiyaSimbahang Katolikong RomanoTaripaJesse RobredoCabanatuanKulturaBB GandanghariUnang Digmaang OpyoPanitikanMagna CartaAbogadoTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogDNATalaan ng mga lungsod at bayan sa RusyaTekstoImelda MarcosDigmaang Mapanghimagsik sa AmerikaAgrikulturaPiso🡆 More