Si Salvador Domingo Felipe Jacinto Dalí i Domènech, Unang Marquis ng Dalí de Púbol (11 Mayo 1904 – 23 Enero 1989), na kilala bilang propesyonal Salvador Dalí ( /ˈdɑːli,_dɑːˈli/; Katalan: ; Kastila: ), ay isang prominenteg Espanyol na surrealist na ipinanganak sa Figueres, Catalonia, Espanya.
The Most Illustrious Salvador Dalí OCIII OIC LH | |
---|---|
Kapanganakan | Salvador Domingo Felipe Jacinto Dalí i Domènech 11 Mayo 1904 Figueres, Catalonia, Spain |
Kamatayan | 23 Enero 1989 Figueres, Catalonia, Spain | (edad 84)
Libingan | Crypt at Dalí Theatre and Museum, Figueres |
Nasyonalidad | Spanish |
Edukasyon | San Fernando School of Fine Arts, Madrid, Spain |
Kilala sa | Painting, drawing, photography, sculpture, writing, film, jewelry |
Kilalang gawa |
|
Kilusan | Cubism, Dada, Surrealism |
Asawa | Gala Dalí (Elena Ivanovna Diakonova) (k. 1934–82) |
Si Dali ay isang bihasang delinyante (draftsman), pinakakilala sa mga kapansin-pansin at kakaiba mga imahen sa kanyang mga gawang surrealist. Ang kanyang kasanayan sa pagpinta ay madalas na maiugnay sa impluwensiya ng mga maestrong Renasimiyento. Ang kanyang pinakakilalang gawa, La persistència de la memòria, ay natapos noong Agosto 1931. Ang malawak na artistikong repertoire ni Dali ay sumasaklaw sa pelikula, eskultura, at potograpiya, at ilang beses na pakikipagtulungan sa iba't ibang alagad ng sining sa iba't ibang media.
Iniugnay ni Dali ang kanyang "pag-ibig ng lahat ng bagay na ay ginintuan at malabis, ang aking simbuyo sa luho at aking pagmamahal ng oriental na damit" sa "kanunuang Arab", inaangkin niya na ang kanyang mga ninuno ay mula sa mga Moor.
Si Dali ay lubos na mapanlikha, at nasisiyanag magpasasa sa hindi pangkaraniwang at engrandeng pag-uugali. Ang kanyang katuwang paraan at pansin-daklot na pampublikong pagkilos minsan ay higit pang napapansin kaysa sa kanyang mga likhang-sining, na pinakakabalisa ng mga nagpapahalaga sa kanyang mga gawa, at pinakayayamot ng kanyang mga kritiko.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Salvador Dalí, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.