Rosario, Arhentina

Ang Rosario (pagbigkas sa wikang Kastila: ) ay ang pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Santa Fe, sa gitnang Arhentina.

Matatagpuan ito 300 kilometro (186 milya) hilagang-kanluran ng Buenos Aires, sa kanlurang dalampasigan ng Ilog Paraná. Pangatlong pinakamataong lungsod sa bansa ang Rosario, at ito rin ang pinakamataong lungsod sa Arhentina na hindi isang kabisera ng anumang lalawigan. Kalakip ang lumalaki at mahalagang kalakhang pook, ang Malawakang Rosario ay may tinatayang populasyon na 1,276,000 katao magmula noong 2012. Isa sa mga pangunahing atraksiyon nito ay ang arkitektong neoklasiko na napanatili sa daan-daang mga tahanan, kabahayan at pampublikong gusali sa loob ng mga dantaon.

Rosario
Lungsod ng Rosario
Tanawin ng Rosario mula sa himpapawid
Tanawin ng Rosario mula sa himpapawid
Watawat ng Rosario
Watawat
Opisyal na sagisag ng Rosario
Sagisag
Palayaw: 
"Lugar ng kapanganakan ng Watawat ng Arhentina", "Ang Arhentinong Chicago"
Rosario, Arhentina
Rosario is located in Argentina
Rosario
Rosario
Kinaroroonan ng Rosario sa Arhentina
Mga koordinado: 32°57′S 60°40′W / 32.950°S 60.667°W / -32.950; -60.667
BansaRosario, Arhentina Argentina
LalawiganRosario, Arhentina Santa Fe
DepartamentoRosario
ItinatagOktubre 7, 1793
Pamahalaan
 • Uri6 mga pook-munisipal
 • IntendantMónica Fein (SPA)
Lawak
 • Lungsod178.69 km2 (68.99 milya kuwadrado)
Taas
31 m (102 tal)
Populasyon
 (Senso 2010)
 • Kabuuan1,193,605
 • Kapal6,680/km2 (17,300/milya kuwadrado)
Demonymrosarino, -a
Sona ng orasUTC−3 (ART)
Kodigong postal
S2000
Area code0341
Websaytrosario.gob.ar

Ang Rosario ay ang punong lungsod ng Departamento ng Rosario at matatagpuan ito sa gitna ng pangunahing koridor ng industriya sa Arhentina. Isang pangunahing himpilan ng daambakal ang lungsod, at ito rin ang sentro ng pagbabapor sa hilaga-silangang Arhentina. Umaabot ang mga barko sa lungsod gamit ang Ilog Paraná, na nagpapahintulot ng pag-iral ng isang pantalang 10 metro (34 talampakan) ang lalim. Mahilig sa pagpuputik (silting) ang Pantalan ng Rosario at kinakailangang idraga nang pana-panahon. Kabilang sa mga iniluluwas ang trigo, harina, dayami, lino at iba pang mga mantikang gulay, mais, asukal, troso, karne, balat ng hayop, at lana. Kabilang sa mga produktong ginagawa rito ang harina, asukal, mga produkto ng karne, at iba pang mga pagkain. Ang Tulay ng Rosario-Victoria, na binuksan noong 2004, ay tumatawid sa Ilog Paraná at nag-uugnay ng Rosario sa lungsod ng Victoria sa kabilang panig ng Deltang Paraná. Sapagkat mahalaga ang gampanin nito sa komersiyo ng agrikultura, sentro ang lungsod ng patuloy na debate ukol sa mga buwis na ipinapataw sa mga produktong pang-agrikultura na malaki ang pinaggagastusan, tulad ng balatong (soy).

Kasama ang lungsod ng Paraná, isa ang Rosario sa ilang mga lungsod sa Arhentina na hindi makapagtuturo sa isang tao o indibiduwal bilang tagapagtatag nito. Si "Birhen ng Santo Rosario" ang pintakasi nito, ang kanyang kapistahan ay Oktubre 7. Ang 14812 Rosario na isang makabuntala ay ipinangalan mula sa lungsod.

Kasama sa mga kilalang taga-Rosario ang rebolusyonaryong si Che Guevara; mga manlalaro sa putbol na sina Lionel Messi, Ángel Di María, Maximiliano Rodríguez at Mauro Icardi; mga tagapagsanay sa putbol na sina César Luis Menotti, Marcelo Bielsa at Gerardo Martino; manlalaro sa pandamuhang hockey na si Luciana Aymar; mga manlalaro sa unyong rugby na sina Juan Imhoff at Leonardo Senatore; aktor/komedyanteng si Alberto Olmedo at aktress na si Libertad Lamarque; kompositor sa diyas na si Gato Barbieri; kartunista/manunulat na si Roberto Fontanarrosa; mang-aawit/manunulat ng awit na si Fito Paez; artista/pintor na si Antonio Berni at modelong si Valeria Mazza.

Mga kakambal at kapatid na lungsod

Nakakambal ang Rosario sa:

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Tags:

Rosario, Arhentina Mga kakambal at kapatid na lungsodRosario, Arhentina Tingnan dinRosario, Arhentina Mga sanggunianRosario, Arhentina Mga kawing panlabasRosario, ArhentinaArhentinaBuenos AiresKalakhang pookLalawigan ng Santa FeMga lalawigan ng Arhentinaen:WP:IPA for Spanish

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Mga katutuboMarie AntoinetteHimagsikang MagalatDiego SilangPantasyaSan Jose del MontePagmiminaSenado ng PilipinasPandanggoLas PiñasIkatlong Republika ng PilipinasXXXTentacionAung San Suu KyiLambak ng CagayanCarlos María de la TorreJuan LunaBadjaoParusang kamatayanMuntinlupaPanahon ng KaliwanaganTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogDyords JavierJulian BanzonWikang TagalogTalinghagaWikaNanganganib na mga uriTayutaySayaw sa ObandoPalayRaha SulaymanPalarong PambansaTukoLayonKasaysayan ng MaynilaPang-angkopLikas na kapaligiranBodabilProduksiyon ng bigas sa PilipinasAmihanNarsingCOVID-19Daniel PadillaHanapbuhayPakikipanayamSingaw (sakit)Kasaysayan ng salapi ng PilipinasPanahon (meteorolohiya)Robin PadillaRodriguezPangngalanNueva EcijaPangunang lunasPista ng PanagbengaHigado1lcpEkonomiyaUnyon ng manggagawaKanser sa susoKabitePamamaga ng mataIbonPatinteroMediaTekPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoUnggoyKulturaGMA NetworkPedro PaternoBuod (paglilinaw)TahananMga Gobernador-Heneral ng PilipinasLa SolidaridadEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoBastosSurotTimog KoreaSimple random samplingSara Duterte🡆 More